CLOE POV
Isang linggo na ang lumipas pagkatapos nong kahiya hiyang pangyayari at move on na tayo don. Bumalik muna tayo sa ating imbestigasyon.Nandito kami ngayon sa garden likod ng school namin,dito kami nag usap ni Maira dahil wala namang tao dito,kaya napag usapan namin ang mga nakalap naming impormasyon sa nangyaring pag iimbestiga namin.
"Maira ano na pakita mo sakin yung mga nasa listahan mo na kakaiba ang kinikilos sa classroom natin" sabi ko kay Maira
Pinakita nya sakin ang listahan at hindi ako makapaniwala sa pangalan na nakita ko sa listahan kaya agad ko syang tinanong.
"Maira napapansin mo din ba ang napapansin ko?" may pagtataka kung tanong sa kanya
"Ang alin?
"Bakit nasali sa lista mo ang pangalan ng pinaghihinalaan ko?" kabado kung tanong
Sana nagkamali lang ako ng kutob.Sana hindi ikaw.Kasi tinuring din kitang hindi iba sa akin.
"Cloe sagutin mo ang tanong ko" pag aalo sakin ni Maira at doon lang nabalik ang ulirat ko sa pagkatulala.
"Ahh ano nga pala yung tanong mo?"
"Sabi na nga ehhh, ano bayang bumabagabag sa isip mo bakit tulala ka na naman?
"Ah wala ano nga yung tanong mo?"
"Sabi ko ang alin ang napapansin mo?"
"Ahh yun ba yon? Pag usapan nalang natin mamaya hindi ko pwedeng sabihin ngayon dito baka may makarinig sa tin" kalmado kung sabi at tiningnan naman nya ako ng may pagtataka.
********
Bumalik na kami sa classroom at saktong pagdating namin ay wala pa ang aming lecturer kaya may pagkakataon pa kaming magmasid. Hindi nagtagal ay dumating na ang aming lecturer kaya wala na kaming oras para mag usisa pa.
*************
Nandito ako ngayon sa bahay nila Maira at itutuloy namin ang naudlot naming pag uusap kanina.
"Cloe sino yung taong pinaghihinalaan mo?" agad na tanong ni Maira sa akin
"Hindi ko alam kung tama ba to na paghinalaan ko ang kaibigan ko. Pero sa napapansin ko parang kakaiba siyang kumilos, at base sa mga tingin nya sayo ay parang sasaksakin kana niya sa harapan ko. Matanong nga kita may kaaway ka ba sa classroom natin o dating kaaway?" tanong ko sa kanya
".............."
Hindi agad sya nakasagot sa tanong ko at napatulala sya. Hindi ko malaman na ang aking nararamdaman parang may biglang sumibol na kaba sa dibdib ko. Dahil hindi sya nakasagot sa aking tanong at napatulala nalang ay inalo ko nalang sya mga para makabalik sya sa ulirat.
" Huy! Maira sagotin mo ang tanong ko" pag aalo ko sakanya
Doon lang sya nabalik sa ulirat at kabadong tumingin sakin
" Huy! Maira"
"Ahh Cloe may ipagtatapat sana ako sayo" sabi nya na nakapagdagdag ng kaba ko pero agad din naman akong sumagot.
"Ano yun!"
" Cloe sorry kung ngayon ko lang to sasabihin sayo baka kasi makatulong to para malaman natin kung sino talaga ang may salarin sa nangyayaring patayan" dumoble ang kabang naramdaman ko ano ba ang sinasabi nya? Tanong ko sarili ko
"Ano bang sinasabi mo Maira?"
"Oo Cloe may nakaaway akong kaklase natin" malungkot nyang tugon
"Sino?"
"Si Mary Rose"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Wag mong sabihing............... Sana mali ang iniisip ko sana ....Wag naman sana.
"Alam mo sya din ang pinaghihinalaan ko" sabi ko na nagpalaki ng mata nya
" Di kaya?..........." Di na nya tinuloy ang kanyang sasabihin at nauunawaan ko naman ang kanyang nai iparating
" Yan ang ating iimbestigahan. We should focus on Rose"
Sa tingin nyo ano ang kinalaman ni Maira kay Rose?
Salamat sa pagbabasa💖
-cherry💖
BINABASA MO ANG
BLOODY CLASSROOM
Mystery / Thrillerito po ay storya ng isang classroom na puno ng patayan at ating alamin ang pinaka punot dulo ng mga pangyayaring ito kung sino ba talaga ang killer