Chapter 1

63 4 6
                                    


Serenity's POV

* knock knock knock *

"Pababa na ako maaaaaa! Wait lang!" Sigaw ko habang inaayos yung uniform ko. Inaayos ko na lang yung pagkakatali ng neck tie ko. Sinuot kona yung sapatos ko at kinuha ang bag pagkatapos ay bumaba na.

"Ma! Alis na po ako!" Sigaw ko. Pumasok siya sa pintuan mula sa likuran. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako.

Naluluha nanaman siya. Napaka-emotional talaga ni mama. "Hindi talaga ako makapaniwala na isang taon na lang ga-graduate ka na ng college anak. Alam ko namang pagbubutihan mo anak..." Ngumiti ako kay mama.

"Syempre naman po... Tutuparin ko po lahat ng pangarap natin!" Ang pangarap ko? Makabawi kay mama, ang maiangat sila sa hirap.

"Pangarap niyo lang?" Lumingon ako kay kuya. Niyakap ko din siya. Malaki din ang sinakripisyo niya para makapag aral ako. Huminto siya para magtrabaho at pag aralin ako. Sayang si kuya dahil matalino pa naman siya.

"Pangarap natin kuya syempre! Sige na po, mauuna na ako. Malalate na ako sa school. Bye po!" Paalam ko habang papalabas na ng bahay namin. Nakarenta kasi kami. 3k per month. Maayos naman yung bahay, may second floor, medyo maluwag yung sala, may isang cr at dalawang kwarto. Yung isang kwarto nilagyan nila ng divider at share kami ni kuya Blue.

Habang naglalakad ako papunta sa university na pinapasukan ko, ang dami ko na agad nadadaanan sa kanto na nagiinom. Napaka aga pa kaya.

"Serene! Magandang umaga sayo!" Lahat sila binabati ako. Masasabi kong mabait naman ang mga kapitbahay namin kahit na lasinggero sila. Yung mga chismosa? Sa kabilang kanto pa sila nakatira. Wala namang imposible sa mga yun eh.

Ngumiti lang ako kay Manong Edgar. Malaki rin ang naitulong nila sa amin dahil nung napasukan kami sa bahay, tinulungan nila kaming harangin yung magnanakaw na yun.

Medyo nahirapan ako sa paghanap ng jeep kasi medyo malayo pa yung university na pinapasukan ko. Mamahalin kasi dun sa school na yun, sa totoo lang, ayoko talaga dun pero dahil pangarap na school yun ni mama ay dun ko na lang din piniling pumasok.

Wala akong kinalakihang ama. Namatay si papa dahil sa sobrang pagtatrabaho. Buntis sa akin si mama nun nung nawala si papa. Kakagraduate lang din ni kuya Blue nun sa elementary school.

Masasabi kong mahirap talaga ang buhay kapag walang pera. Kaya nga nagsisikap ako. Pangarap kong maging isang business woman. Pangarap kong mabigyan ng magandang buhay yung pamilya ko. Madami akong pangarap. Baka kun---

"Oh! Zavier University!" Sigaw nung driver kaya dali-dali akong bumaba.

Tumakbo ako papasok ng gate dahil nakita ko na sa kalsada yung tatlong sasakyang pinaka ayaw kong naabutan sa buong tatlong taon ko dito sa unibersidad na'to.

Kahit nagmamadali ay nagawa ko pa ding batiin ang mga guards sa school, gawain ko kasi yun tuwing umaga eh.

Tumakbo ako papuntang parking lot ng school, open pa 'tong parking lot nito, walang bubong mga puno lang sa gilid gilid.

Konting takbo na lang, Serenity...

Konti na lang...

Malapit na!!!

SerenityWhere stories live. Discover now