Chapter 2

34 2 1
                                    


Serenity's POV

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng gate, madaming mata na agad ang nag aabang sa pagdating ko. Let me scratch that, mapanghusgang mga mata.

"Ang lakas talaga ng loob mong magpakita pa dito pagkatapos ng ginawa mo kahapon." Nilingon ko yung nagsalita sa likuran ko. Tinignan ko lang siya saglit at bumalik na ulit sa paglalakad ko.

Ano hindi nanaman ako makakapagklase dahil lang sa mga feeling famous na 'to? Kairita ah. Pagpasok ko sa classroom ko, nagbow agad ako sa prof ko. Masyado pa namang maaga.

"Good morning Ms. Anne, gusto ko lang po magsorry dahil absent po ako kahapon." Tinanguan niya lang ako kaya humanap na ako ng pwede kong upuan.

Sa harapan syempre.

Nilabas ko yung libro na binigay sa akin— ehem, pinahiram sa akin ni Harold at nagbasa na muna. Maganda yung libro, mamahalin kasi. Pero maganda nga yung mga nakasulat dito.

Tumikhim si Miss Anne kaya napalingon ako sa harapan. Eh? Nandun pala sila Noah.

WAIT, WHAT?!

Ano namang ginagawa nila dito? Bakit wala sila sa "Special Class" nila?

Sinara ko na yung librong binabasa ko. Si Randall busy sa mga babae. Habang yung dalawa nakatingin sa akin. Pinasok ko sa bag ko yung libro ni Harold at ibinaling ang buong atensyon ko sa harapan.

This better be good...

"Class, starting today, Mr. Gonzalez, Mr. Velasquez and Mr. Zavier will be joining us in this section for the whole school year." Nagtilian naman yung iba. Habang ako? Buntong hininga ang nasagot ko dun.

Nagsimula na ang klase ng di ko namamalayan. At kamalas-malasan nga naman ng araw na 'to, sa likod ko pa sila naupo.

Paano naman nangyaring walang naka upo dun? Tsk. Oh right, pinaalis lang naman nila yung mga nakaupo dun.

Kesa intindihin silang tatlo sa likuran ko. Nakinig na lang ako kay Miss Anne kahit na alam ko naman na yung tinuturo niya. Kaya tumunganga na lang ako sa bintana.

* poink *

* poink *

* poink *

Hindi ko na lang pinansin kung sino man yung bato ng bato ng papel sa ulo ko. Si Miss Anne nga na prof walang pake, ako pa kaya?

I'm done making scenes...

Baka mapahamak pa yung scholarship ko dahil dito. Tapos di ako makapagtapos. Kapag hindi ako nakapagtapos, habang buhay kami maghihirap. Tapos makakapag asawa din ako ng mahirap tapos wala kaming ipapakain sa mga anak namin. Kasi wala kaming mga trabaho. Kaya mamamatay kami sa gutom!!!

* Bell rings!!! *

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa tunog ng bell. Overthinker much? Hahaha. Nagugutom na ako. This time, nagbaon na ako ng pagkain ko. Para naman iwas gastos tapos iwas atensyon pa ako. Ang talino ko talaga. Buti naman nagsilabasan na silang lahat.

SerenityWhere stories live. Discover now