Chapter 4

19 3 1
                                    

Serenity's POV

Sa totoo lang talaga hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Kung paano ako napa-oo ni V.

"How about this? What can you say?" Sabi niya sabay pakita sa akin ng dalawang dress. Isang kulay Blue at isang kulay Red.

"Sukatin mo." Sabi ko at nahikab. Mas gugustuhin ko pang tumulong sa bahay kesa mag shopping. Wala kasi kaming pasok ngayon. Mondays, Wednesdays and Sundays lang ang pasok namin.

"Para sayo yan, so ikaw ang dapat mag sukat." Bago pa ako makapag react sa sinabi niya, sinimulan na niyang itulak-tulak ako papasok sa dressing room.

"No V! Sumama ako dito kasi ikaw ng bibili ng damit, hindi ako. This is too much." Sabi ko habang umiiling iling pa at pinipigilan ang pagtulak niya sa akin.

"Pati ba naman 'to, Serene? Tatanggihan mo pa ba ako?" Humarap ako sa kaniya at yung ang pagkakamali ko.

"*sighs* Okay, okay! Just don't give me those puppy eyes." Pumasok na ako sa dressing room at sinukat na yung isang damit na inabot niya sa akin.

* 1 hour and 30 minutes later... *

"Alright Serene! We're done! C'mon, let's go. I'm starving na eh..." Kaya naman sumunod na lang ako sa kaniya sa counter at hini na nagsalita pa. Baka kasi pasukatin niya ako ulit eh. Kanina kasi tuwing magrereklamo ako, dadagdagan niya ang susukatin ko.

Nang makasunod ako sa counter, nanlaki ang mata ko sa mga damit na napili niya. APAT NA PARES LANG NG DAMIT ANG NAPILI NIYA! SA TINAGAL TAGAL NAMIN DUN! APAT NA PIRASO LANG!

"A-ayan lang ba yung nagustuhan mo, V? Ang tagal nating nag sukat dun tapos yan lang pala papasa sa taste mo?" Sabi ko. Pero okay na din yan, kasama naman na sapatos eh. Tsaka libre niya daw eh.

"Yes, Serene. I'm so hungry na, let's eat." Bibitbitin ko na sana yung mga paper bags nang biglang lumabas yung mga bodyguards sa paligid.

T-teka...

Pero bago pa ako makapag salita, nagsalita na si V. "Ilagay niyo na 'to sa car, now!" Sigaw niya pa. Kaya hindi ko na lang pinansin yun at sumunod na lang kay V.

Habang nag lalakad kami ay nakatutok si V sa phone niya. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin yung paligid. Madami pa lang tao. Madami ng nakakasanggi sa balikat ko at ang sarap ba ding sumigaw.

Sa huling bangga sa akin ay hindi ko na kinaya dahil sobrang lakas nun, yung tipong napa atras pa ako.

Nag igting ang mga panga ko at hinarap yung huling bumangga sa akin.

"Pwede bang tumingin ka sa—" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla na lang ngumiti sa akin yung nakabangga ko.

"N-Noah... Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh wala, may pinapabili kasi sa akin yung pinsan kong babae sa akin... Girl stuff." Sabi niya at napakamot sa batok. Siguro napkins pinapabili ng pinsan nito dito.

"Ah sige, una na ako ah. Ingat." Sabi ko at tumalikod na. Pag talikod ko naman, wala na si V s likuran ko.

Nasaan na ba si V!

SerenityWhere stories live. Discover now