Chapter 5

23 2 0
                                    


Serenity's POV

Kanina pa ako nandito sa harapan ng salamin. Sa totoo lang kanina pa ako late. Ewan ko, di ako makuntento sa itsura ko ngayon. Dati naman kung anong makuha kong damit sinusuot ko eh.

ANO BANG NANGYAYARI SA AKIN?!

Nakasimangot akong lumabas ng kwarto ko at bumaba na para magpaalam kay mama na aalis na ako.

"Aba, akala ko kanina eh umalis ka na kaya hindi ko na kinatok yung kwarto mo." Sabi ni mama habang nag aayos ng mga plato na malinis. Kanina pa bukas yung karinderya.

Alas otso na kaya ng umaga. Kanina pang alas syete nag umpisa yung klase.

"Serene, ano bang nangyayari sayo? Ang sabi ko, pumasok ka na sa eskwelahan mo dahil kanina ka pa late." Tumango ako kay mama at ngumiti. Humalik na rin ako sa kanya at umalis.

Ano bang nangyayari sa akin? Hindi dapat ako nagmukmok ng ganun dahil lang sa sobrang conscious ko sa sarili ko.

Bahala na nga sila mang husga.

Pag pasok ko sa gate ng school, nagulat ako dahil madami pa ding mga nagkakalat na estudyante sa paligid.

As usual, nakatingin nanaman silang lahat sa akin. Ano nanaman bang tsismis tungkol sa akin ang narinig nila?

"Serenity! I thought you're not going to school today eh, bakit ka ba late?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay V. Nagpapa salamat ako na nakita niya kung anong suot ko ngayon.

"Dapat hindi ka na nag uniform ngayon, wala namang gagawin masyado ngayon sa school kase daw campaign na for the Student Government." Edi dapat hindi na lang ako pumasok.

"Bakit parang ang tamlay mo ngayon? Period?" Umiling lang ako.

"Let's eat na nga lang." Sabay hatak sa akin papunta sa pizza parlor.

Kumain lang ako ng kumain habang siya naman ay salita ng salita. Tumingin ako sa labas ng bintana.

Naningkit ang mga mata ko ng may nakita akong isang lalaki na puro itim ang suot. Kahit nakashades siya alam kong dito siya sa direksyon ko nakatingin.

"Can we join you, ladies?" Nabalik ako sa realidad ng may nagsalita sa tabi ko. Pag tingin ko ulit sa bintana, wala na yung lalaki.

Tinignan ko kung sino yung nagsalita, sila Harold lang pala. Umupo na silang tatlo kahit na hindi pa kami nakakasagot ni V. Maingay sila habang ako tahimik lang.

Biglang sumakit yung puson ko. Nabitawan ko yung pizza na hawak ko. Ngayon ko lang napansin na katabi ko pala si Noah ngayon.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Nahiya naman ako kasi nakatingin silang apat sa akin.

"O-Oo naman..." Bumalik na sila sa pagkwe-kwentuhan pero mukhang hindi satisfied si Noah sa naging sagot ko.

"Ice cream tayo?" Aya niya sa akin. Tumango na lang ako. Parang gusto ko lang matulog ng matulog.

"We're leaving, don't follow us." Narinig kong sabi ni Noah. Bahala siya dyan.

Veronica's POV

SerenityWhere stories live. Discover now