Serenity's POVMalapit na kami sa bahay at hindi ako mapakali dito sa loob ng kotse ni Noah. Hindi ko naman kasi inakala na ngayon pala yun.
"Hey, ano bang nangyayari sayo?" Natatawang tanong sa akin ni Noah.
"Relax Serene, hindi naman siguro nangangain si mama diba?" Napataas ako ng kilay.
"Wow ah, maka-mama agad... Malay mo di ka type ng mga yun." Para kabahan din siya syempre. Hindi na siya nag salita kaya mukhang effective yung ginagawa ko. Hahaha.
Hanggang sa makarating kami sa bahay, hindi ko na pinapasok sa street namin ang kotse niya kaya naglakad kami papuntang bahay.
Nadaanan namin yung mga manginginom dito sa amin, inaya agad siya eh.
"Aba Serene! Tignan mo nga naman oh! Dalaga ka na!" Ngumiti ako nung tinap nila yung ulo ko. Hinatak ko papalapit sa akin si Noah.
"Siya nga po pala si Noah!" Masiglang pakilala ko kay Noah sa kanila.
Tinagayan agad nila yun, tinignan ako ni Noah at tinignan ko lang din siya. Hanggang sa nagtitigan na lang kaming dalawa.
"Damn Serene, I'm asking for your goddamn permission." Sabi niya sa akin. Natawa naman ako sa kanya. Tumango ako at diretso niyang ininom yung isang baso.
Nag paalam na ako kela mang Edgar, baka kasi inaantay na kami nila mama dun sa bahay eh. Malapit na din mag tanghalian, sakto lang ang dating namin.
"So... What's up with the family? Why are you guys staying at this kind of place?" Tanong niya sa akin out of nowhere. Natawa ako sa kanya.
"We can't afford to buy a house. Ako na nga lang ang pinag aaral but still I have to take side jobs for them. We need to like you know..." Ang hirap mag explain ng english. Haist.
"Work double for ourselves." Naturingang nasa star section and yet, hindi makapag explain ng maayos. Good job, Serene.
Nang makarating kami sa tapat ng karinderya, nakita agad ako ni mama at ni kuya Blue. Niyakap muna nila ako bago sila napahinto dahil nakita nila si Noah sa likuran ko.
"Ma, kuya, siya po si Noah... Anak po siya nung may ari ng school na pinapasukan ko." Sabi ko sa kanila.
Ang unang ginawa ni mama ay naglagay ng "closed" sign sa karinderya. Does that mean I'm doomed?
Umalis na yung mga tapos kumain dun at yung mga di naman tapos, nagmadaling tapusin yun.
"Pasok kayo." Maiksing sabi ni mama. Pumasok kaming apat sa sala.
"Tamang-tama ang dating niyo, halina't kumain na tayo." Tumayo kami at inabot ni Noah yung manok na binili namin sa chooks-to-go. Hahaha.
"Ano nga ulit ang pangalan mo iho?" Tanong sa kanya ni mama. Di ko alam kung kakabahan ako o kakalma sa inaasta ni mama eh.
Umupo na kami sa lamesa, tsaka lang sumagot si Noah. "Noah ho ang pangalan ko." Sabi niya at ngumiti.
"At ano ka nga ulit ng may ari ng unibersidad na pinapasukan ng anak ko?" Si mama nagsisimula ng kumain pero ako hindi pa nakakain parang natatae na sa sobrang kaba.
YOU ARE READING
Serenity
Teen FictionShe's a proof that you can walk through hell and still be an angel...