Chapter 7 - Unfortunate Misfortune

78 2 0
                                    

AN: Thank you sa lahat ng readers. Feel free to follow us. Leave votes and comments para naman mas lalo kami mainspire magsulat and mapabilis pa ang pag-update. Hope you enjoy reading this chapter as much as we enjoy writing it. And also, please see the video we made for this, dagdag kilig and good vibes. Happy reading!! 

“Really sis, may number ka na ni Troy?”

Excited na tanong ni Nico habang nag-lalagay ng hairpin sa buhok ko. CAT kasi namin today at dapat nakapusod ang hair with hairpins na sin-dami ng officers ang bilang.

“Oh yeah!!” with twinkling eyes na pag confirm ko habang inaayos naman ang laman ng bag ko. “at, take note, sya mismo nagstore sa phone ko.”

“Aaaaaaaayyyyyyyyyyyyyy” sabay pa kaming tumili at umaymoy-amoy sa cellphone ko na hinawakan ni Troy.

“Sissie, it smells so yummy” super kilig ng malanding kapatid ko.

“Teka muna” sabay hablot sa cellphone ko “eh bakit nakiki amoy ka? Don’t tell me nakikiagaw ka din kay Troy? Kaya naman pala hindi mo makuha kuha ang number nya siguro matagal ng na sayo, ayaw mo lang ibigay sa akin ano?”

“Ayyy..judgemental..got a BF kaya, why would I waste my time with your Troy” iirap-irap at buong pagyayabang na sabi nya sa akin, “wala ka na ngang love life gigipitin pa kita, kawawa ka na nun.”

“Nakakainis ka talaga” sabay hampas ko kanya.

“Ouchieee!!! Baka mag mark sa skin ko yan” hinimas himas nya yung braso nya na namula dahil sa hampas ko.

“Sorry na! ikaw naman kasi naninira ka ng moment.”

“Hmf! Kesa tinititigan mo yan eh i-text mo na kaya?”

“Ano naman sasabihin ko? Nakakahiya naman, ako pa mauuna mag-text, kababae kong tao.”

“Tse!!! Ang arte mo… ang arte arte mo.. may pahiya hiya ka pa e matagal ka ng naglalaway sa Troy na yan, ngayon ka pa talaga nakaramdam ng hiya, graveycious ka ha!!”

“E ano nga kasi sasabihin ko, wala ako maisip na hindi naman karumal-dumal ang dating, tsaka baka mamaya magkasama pa sila ng girlfriend nya kung ano pa isipin nun, tapos baka malaman nya na ka-group nya ako sa PE, baka palipatin sya nun, masisira na agad ang love life ko wala pa ngang nag-uumpisa”

“Afraid for love to fade before it can come true?” in tune pa with the song ‘afraid for love to fade’

“Exactly”

“Arte much talaga.. E di ako na lang ang magtete-text” sabay hablot ng cellphone ko.

“Hoy akin na yan, ibalik mo sa akin yan, wag na wag ka magtetext sa kanya, masasaktan ka sa akin.”

Nag-aagawan kami sa cellphone ko habang nagta-type sya..Wag naman sana si Troy ang tinext nya, pasaway talaga tong baklang to.

I-Ship Na Yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon