Chapter 8: The Punisher

71 2 0
                                    

Di nagtagal ay nag-umpisa na ang opening ceremony. Si Troy, sya ang Corps Commander kaya sya ang pinakamataas ang rank, sya ang bida. Pero di ko magawang kiligin ngayon. Ni hindi ko nga sya matitigan, kinakabahan talaga ako. Ano kayang mangyayari? Ipapahiya kaya ako ni Sea dito? Paparusahan kaya nya ako? Wala naman ako violation ah, di nya magagawa yun. Nakers sinabihan ko pa man din sya ng bwiset kanina, sana hindi naman maramdamin at mapagtanim si Sea, kung hindi..waahhhh..ayoko na isipin pa mangyayari sa akin.

Wala ako maintindihan sa ginagawa ng mga officers, nagmamartsa martsa yung iba, yung iba umiikot, si Troy may sinasabi pero di ko na din maintindihan, parang may sariling language 'tong mga officer na to. Hayz, bakit ba lagi na lang ako na susurpreysa kay Sea, ano pa ba ang tinatago ng lalaking ito. Di man lang ako maka-score sa kanya.

'OMG. Gusto mo maka-score kay Sea?' react ni voice#1

'Sabi ko na nga ba may malicious intent ka sa kanya' sulsol ni voice#2

Tse! Wag kayo magulo, not now, not ever! I mean maka-score sa kanya na manalo man lang ako sa kanya. Lagi na lang kasi ako asar talo sa kanya. Lagi na lang syang high above sa akin. Parang laging wala akong laban sa kanya. Di pa nag-uumpisa talo na ako. Kumbaga, nasa planning stage pa lang ako, sya plantsado na, may plan B hanggang Z pa. Hayzz.

Nagulat ako may humahawak sa ulo ko. Teka yung nasa harapan ko nakaharap na sa akin at ano to? Binibilang nya ang hairpin sa ulo ko? Oo nga, yung line sa harapan namin nakaharap na sa amin at nagbibilangan sila ng hairpin, nagchecheck sa isa't isa.

"Hi, anong gagawin natin?" tanong ko sa nasa harap ko.

"Sssshhh" saway nya sa akin "bawal mag-usap,mapapagalitan tayo" bulong nya sa akin sabay labas nya ng mga gamit nya.

I see pinapacheck siguro ang uniform at gamit ng isa't-isa nang walang nagsasalita. Pinakita nya sa akin ang panyo, tickler, belt at shoes nya. Pinakita din nya tenga nya at dalawang kamay nya, para siguro ipakitang walang syang suot na accessories bawal kasi yun. Tumango ako bilang sagot sa kanya at ginaya ang ginawa nya. Pinakita ko din ang mga suot ko, pati ang tenga at kamay ko. Tumango din sya, at biglang tinuro sa akin ang ulo nya. Ay oo nga ang hairpins nya, bibilangin ko din. Binilang ko at sakto kumpletong 40 lahat at wala din naman nahuhulog na buhok sa kanya. Pagkatapos namin, tumingin sya sa akin, tinuro ang ulo ko at sumenyas ng 5. For sure hindi high five yun kasi nakabuka ang mga daliri nya.  Ano kaya ibig sabihin nun?

"That's it! Lahat ng nakatalikod, about face!!" Nakakatakot naman ang boses na yun, nakakapanginig. Umayos na kaming lahat, tumalikod na din yung nasa harap ko di ko na naitanong ano gusto nya sabihin dun sa high five nya.

"First Line!! Report" Utos ni Sea ay ni Lieutenant Suarez pala.

"Complete po sir" sabi ng nasa first line

"Ok. Ngayon pa lang tayo mag-uumpisang magdiscuss kaya papalagpasin ko ang sagot nyo." Bakit anong mali sa sagot nila, OA naman nitong si Sea ayaw ba nya ng kumpleto lahat? "Pag tinanong ko kayo o ng kahit sinong officer, ang sagot dapat laging nag-uumpisa sa Sir or Ma'am at magtatapos din sa Sir or Ma'am"

Oh ok. May ganun ganun pa pala.

"Sir yes sir or Sir no sir. In this case, dapat Sir complete sir ang isasagot nyo kung kumpleto at tama ang mga ininspect nyo, kung hindi magtaas kayo ng kamay. Naiintindihan ba ng lahat?"

"Sir yes sir"

"Sa pagsagot, dapat malakas at sabay-sabay." Demanding naman nitong si Sea.

"Sir yes sir!!!"

"Ok good. First line. Report!!!"

"Sir complete sir" sabay sabay na sagot ng nasa first line

"Good. Second line report!!

I-Ship Na Yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon