Chapter 5 - Love Notes

78 2 0
                                    

Mabilis lumipas ang first week namin. Wala naman masyadong interesting na nangyari. Sa academics, well, nakilala na namin ibang teachers namin, and mukhang ok naman silang lahat, though syempre hindi lahat kasing-bait ni Miss Buencamino. Meron pa ngang mga super strict, but we’re still lucky na walang terror. 

“Oh no…It’s Monday again.” Tinatamad na sabi ko habang kumukuha ng gamit sa locker. Paano ba naman makikita ko na naman ang seatmate ko na sea monster. Oo sea of monsters sya, binabawi ko na yung sinabi ko na mala-greek god eclaver sya.

Di na sya magandang tanawin. Hindi na din ako napapatitig sa kanya, sa katunayan ayoko na sya makita, at kung pwede lang lumipat ng upuan ginawa ko na. Isa syang malaking bwisit sa buhay ko. Sya ang sumisira lagi sa araw ko. Wala syang ginawa kung hindi asarin ako, ipahiya ako, at pagtripan ako.

“Ano naman nirereklamo mo? Eh makakatabi mo na naman ang poging class president natin.” Etong si Sydney, botong-boto kay Sea para sa akin palibhasa type din ata nya yung BFF nun na si Atlas. Hmf!

“Pwede ba tigilan mo ako Syd, hindi ako natutuwa sa lalaking yun!” pagmamaktol ko.

“Bakit naman? E naging officer ka nga dahil sa kanya. ‘Di ba sya ang nag-nominate sayo as class secretary?” – Jeddah

“At sya din ang nangampanya para manalo ka.” – Geneva

Sabay apir pa ng tatlong bruha at pakilig-kilig pa.

“Oo, ako nga ang class secretary kaya lagi nya ako bino-volunteer sa lahat ng teacher na ako na ang mag-sulat sa board, doble pasakit..sulat na sa board sulat pa sa notebook..as if naman makakatanggi ako di ba? Baka isipin ng mga teacher nagmamaldita ako. At tama bang i-volunteer ang katabi? ‘Di ba dapat kusang-loob yun. Grrrr!!”  Reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa classroom namin. “Tapos lagi pa nya ako sinisita sa mga ginagawa ko, kahit kaliit-liitang bagay. Pati pag-CR ko pinapakielaman! Maganda daw ang maraming tubig sa katawan, pero dahil kakainom ko panay ang CR ko, panay daw ang labas ko ng room. Hindi daw magandang example as one of the officers. O di ba?! Kung di ka ba naman mapikon talaga sa kanya.”

“Eh ano naman? Eh sumusunod ka naman diba?” - Sydney

“Oo na..oo na..binawasan ko na pag may I go out ko pero di nya ako mapipigilan no. Mukha nya!!!Wag lang sya magiging under ni Geneva sa Platoon…” todo smile ako at humahaplos haplos pa kay Geneva.

“At baket?” sabay tabig nya sa aken “Sa CAT walang kaibi-kaibigan kaya wala kang pabor..sorry di ko ginagamit ang posisyon ko para sa mga walang kakwenta-kwentang bagay at lalo ng walang kinalaman sa training.” Ang bilis naman tumanggi nitong si Gen, wala pa nga ako sinasabi.

“Di ka pala matutulungan ni Platoon Leader Austria eh, kay Corps Commander Herrera ka na lang magsabi” Ayiiiiieee..kinilig naman ako bigla sa suggestion ni Jeddah.

“Kyaaaaaaaaaahhh!! Jeddah you’re so brilliant..humanda sya..binangga nya ang future girlfriend ng Corps Commander!!! Bwahahahha!!” Buong tagumpay ang ngiti ko kahit alam kong deadma naman ako kay Troy. Hayz, ayun sya…natatanaw ko na naman sya dito..buo na ang Lunes ko..

I-Ship Na Yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon