Chapter 3 - First Day High

92 2 0
                                    

“Shizzzums! Lezgo, so kupad like a turtle kaya walang love life eh! ” pag aaya ng napaka excited kong kapatid na si Nico.

“Ano itsura ko? Ok na ba?” Worried na tanong ko sa kanya

“OK ka dyan?! Pagkatapos mo ko alilain tatanungin mo ko kung ok ang itsura mo? Sis, hindi ok!”

“huh?! So, bale wala effort natin?”

“Baliw! Ano ka ba? Papayag ba ko na ok lang outcome nyan? No no no no way! (in the tune of Jennifer Hudson’s song And I am Telling You) You are FA-A-BOU-LOUS shizzzums!”

“Aaaaaayyyyyy!” tuwang-tuwa at tumitili na sagot ko sa kanya with matching talon pa.

"Mother!! C’mon! wag na magpa-fabulous, kami lang ang mag fi-first day" napaka ingay ni Nico akala mo may emergency, pwede na syang sirena ng ambulansya sa lakas ng boses nya, actually sirena naman daw talaga sya, mala dyesebel.

"Eto na, eto na, napaka excited naman parang hindi ka naman ganyan ka excited sa mga nagdaang first day ng school year nyo, ano bang meron?"

"Look at my dear sissie, look at my creation! Excited lang naman akong irampa ang beautyness ng fez nya"

"Maganda nga, kaso baka naman ma-guidance agad etong kapatid mo dahil sa make-up, diba bawal pa yan sa inyo?"

‘‘Makapal ba mommy? Sabi ko no make-up, make-up look!” Worried na sabi ko.

"excuzez meiii, baby powder at slight lip gloss lang yan, ang bongga ko diba?"

"Oo na, maganda nga ang kapatid mo, bongga ka, pero mawawalan ng saysay yan pag na-late kayo kaya tara na"

"ayyy, truth!!! lezgo, di ko keribels masaraduhan agad ng olympus gate sa first day pa lang"

Sumakay na kami at pinaandar na ni Mommy ang kotse. Dinaanan namin si Jeddah sa may kanto ng street nila, lagi namin sya dinadaanan since on the way naman ang place nila Jeddah. Pumasok na si Jeddah sa kotse, sa likod, dun kami lagi para magkatabi kami, si Nico ang laging nasa harapan, sya daw kasi dapat ang nakafront.

"Wow girl, ang ganda mo! Hindi ka din ba natiis ni Geneva? San ka naman nagpa ayos ng hair?" mukhang maganda nga ang pagkaka ayos saken ni Nico ah

"Hey you, girlaloo na geek, that's my creation" sumbat ni nico, sanay na sanay na din naman ang mga friends ko sa kapatid ko.

"Teka muna naiinsulto na yata ako ah, kung makapuri kayo kay Nico kala nyo e may miracle na nangyari sa akin. Parang ang panget ko naman dati, maganda naman na kaya ako noon pa" reklamo ko "at ikaw" sabay hampas kay Nico, "kung maka creation ka, ano ka Dyos?"

 “hindi, Dyosa! Isa akong Dyosa! Hahahahahha”

Nagtawanan nalang kami and before we know it nasa harap na kami ng school.

“Ok kids, we’re here. Good luck sa first day of school. Behave ok? Ayaw ko makakatanggap ng letter from guidance nor principal”

“Don’t worry mother hindi ka magkaka wrinkles sa amin. You will be forever young”.

We kissed our mom and said our good byes and take cares to each other. Bumaba na kami ng kotse na bitbit ang napakarami namin books. Required kase dalhin lahat on the first day ang books, with cover, name and all then iiwan nalang namin sa locker.

“Heavygat naman ng mga itech! Hanapin na natin ang locker natin nang matapos na ang parusa sa pagbitbit ng mga librong ito”

‘Sis, dadalhin pa muna natin ito sa classroom. Our teachers will have to check na lahat tayo may books. By end of the day pa natin ito mailalagay sa locker natin” – Jeddha

I-Ship Na Yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon