2nd Scandal
“Dito Kaylee ang magiging boarding house mo. Bedspace lang naman kaya 1,200 lang every month. Malayo kasi ang bahay natin dun sa papasukan mo kaya napagdesisyunan namin ng papa mo na mag-boarding house ka na lang.”
Tumango ako sa sinabi ni mama at nilibot ang tingin sa buong silid. Mayroong dalawang double deck kaya siguro’y apat kami ditong maghahati-hati. Sana lang ay mga mababait at maayos ang makakasama ko rito. Hindi rin kasi maganda na maingay ang magiging kasama mo, hindi ka masyadong makakapag-aral.
“Kaylee, magsabi ka sa’kin ng totoo, hindi mo ba gusto dito? O humanap na lang muna tayo ng ibang boarding house? Nasisikipan ka ba dito?”
“Ano ka ba naman ma! Ayos lang ako dito. Maganda naman tsaka hindi masikip. Wag kayong mag-alala mama, kakayanin ko ang hamon sa’kin ng maynila.”
“Oh sya sige, ayusin na natin yang mga gamit mo. Ilagay na natin sa cabinet mo yang mga damit mo.”
Pinigilan ko ang kamay ni mama na balak kuhanin ang bag ko, umiling na lang ako sa kanya at ako na ang nagdala sa kama ko.
“Ako na ang bahala dito ma, ang mabuti pa, umuwi na po kayo sa’tin. Hinihintay na po kayo ng mga kapatid ko. Tsaka mapapagod pa kayo. Wag nyo na po akong alalahanin, sisiw lang ang gawaing to sa’kin.”
Tumango si mama sa’kin at hinaplos ang likod ko.
“Hay naku, ang laki mo na talaga ngayon. Hindi ka na isang baby, dalagang dalaga ka na!”
“MAMA!”
Ewan ko ba, ayoko talagang sinasabihan ako ni mama na hindi na ko baby at dalagang dalaga na ko. Nakakahiya kasi, para bang mama’s girl ako.
“Oo na, pero dalaga ka naman talaga. May boypren na nga! Haha. Sinabihan mo ba yun na wag mambababae dun sa probinsya natin?”
“Kahit hindi ko sabihin, hindi yun mambababae.”
“Wag kang papasiguro, madaling maakit ang mga lalaki ng isang makinis at seksing babae. Naku! Langit sa kanila ang makakita ng ganun.”
BINABASA MO ANG
College Scandal
RomanceWala ng forever. Wala ng infinity. Lahat may hangganan, lahat may dulo, hindi na uso ang relasyong tumatagal ng mahigit sa isang taon. Ang labanan ngayon, padamihan ng babaeng naikama para sa mga lalaki at padamihan ng boyfriend na napagsasabay-saba...