5th Scandal

10.5K 140 7
                                    

5th Scandal

“So, binibining Kaylee. Kamusta naman ang first day of school mo?”

Napabangon ako sa kama ng marinig ko ang boses ni Gail at mabilis na umakyat sa kama nya. Double deck kasi ang kama namin at duon sya sa taas.

“Nagtanong ka pa. Sobrang saya. Grabe!”

“Woah! Talaga? Madami ka ng kakilala? Boylets?”

Hindi ba nya pansin na medyo sarcastic ang pagkakasabi ko dun? Tssss.

“Anong madaming kakilala? Iisa nga lang. Kilala mo din kung sino.”

“So... it means, lalaki yan?”

Tumango ako sa kanya ng nakasimangot. Sa dami ng lalaking friendly, bakit hindi man lang ako nagkaroon ng kahit isa? Pero ayos lang na wala eh, basta hindi si Layron.

“Wow! Ang galing mo naman. Nakakuha ka agad ng chix. Sino?”

Chix? Tss.

“Si Layron.”

Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa mukha nya. Yun kasing itsura nya kanina ay parang excited na excited, ngayon? Ewan ko na. Mukha syang naka-wacky dahil sa pagkabigla nya.

“Really? HAHAHAHA! That’s absurd. Pero ayos lang yan Kaylee. Don’t ya worry! Siguro destined kayo.”

Napangiwi ako sa sinabi nya. Kahit sinong babae, hindi papangarapin na makatadhana ang lalaking yun, well, except pala dun sa babaeng nameet namin nung nagpa-enroll ako. Naka-drugs siguro yun!

“Whatever. Linisin mo nga yang utak mo, kung ano ano yang naiisip mo. Kakasuka ka! Pwe!”

Napadako bigla ang tingin ko sa kama nina Jessa, ang kamang ginamit nila kanina nung kasama ni Layron. Tumayo bigla ang mga balahibo ko. Grabe. Gusto kong sumuka pag naaalala ko yun. Ang sakit sa mata. Pakiramdam ko nagkasala ako.

“Huy! Yun lang ba nangyari?”

Kailangan ko tong sabihin sa kanya, hindi ko kayang hindi to makwento sa iba. Hindi naman sa tsismosa ko pero kailangan ko ng karamay tungkol dun sa nangyari.

Yuck lang ng yuck si Gail habang nagkekwento ko. Pinapakinggan ko ding mabuti ang pinto dahil baka pumasok si Jessa at Alex. Pinagbantaan pa naman ako nun na wag kong sasabihin sa iba ang nakita ko.

“YUCK! My gosh. Hindi ako makapaniwala? Dyan mismo sa kamang yan? Eew! Kaya pala pagpasok ko kanina ay parang iba ang amoy ng kwarto. Kaylee, palipat tayo. Please...”

Medyo nagkaron nga ng amoy pero di ko na lang pinansin. Aircon kasi ang kwarto namin at malamang na kumalat na ang amoy ng mga pawis nila sa buong silid.

“Mag-tiyaga na lang tayo dito. Wag ka na lang pumasok pag rinig mo sa labas ang mga... ungol nila.”

“Yuck talaga to the highest level. Akala ko matino ang babaeng yun, hindi naman pala. Itsurang inosente pero nasa loob naman ang kulo. Yuck sya. Yuck. Yuck. Yuck.”

Tinakpan ko ang bibig nya ng umibo ang doorknob ng kwarto namin, hindi ako nagkamali. Sabay na pumasok si Jessa kasama si Alex. Masama ang tingin sa’kin ni Jessa, may kutob siguro sya na nagkekwento ko kay Gail.

“Hi Kaylee! Hi Gail! Kanina pa kayo?” masiglang bati sa’min ni Alex.

“Uhm, oo eh.” Sagot ko sa kanya.

“Ganun ba? May dala ko ditong hotdog at itlog, pang-ulam. Gusto niyo?”

“Anong klaseng hotdog at itlog? Malaki ba?”

College ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon