4th Scandal
Mabilis na lumipas ang sem break. Start na ngayon ng second semester. Panibagong mga mukha, panibagong mga subject, panibagong mga pagsubok. Sana lang ay magawa kong maka-survive dito sa Wilson Uiversity. Nagtitiwala ako sa sarili ko na makakayanan ko ang first day of school ko dito.
Hindi ko pa kasabay pagpasok si Gail, 7 kasi ang klase nya samantalang ako ay mamaya pang 8. Magkaiba din ang course naming dalawa. Business management ang kinukuha ko samantalang sya ay computer science. Sayang. Siguradong OP ako mamaya sa klase kasi wala akong kausap. Nag-iisa na naman ako.
Buti na lang at ibinili ako ni mama ng cellphone sa muslim, touch screen din kaya hindi masyadong nakakahiya. Ang gamit ko lang kasi sa probinsya ay yung cellphone na black and white pa.
Napatingin ako sa orasan. 7:30 na.
Napatingin din ako sa bag ko at agad ko yung inilagay sa balikat ko. Kailangan ko ng umalis, baka malate pa ko. Tantsa ko ay mga 7:40 ako makakarating sa room ko. SS101. Psychology. Minor subject.
Nang makarating ako sa gate ay nakita ko ang mga estudyanteng pumapasok na parang hindi man lang kinakabahan, samantalang ako? Luluwa na ata ang puso ko.
Dire-diretso akong pumasok sa gate at diretso ang tingin. Kailangan ay confident din ako.
“Miss!”
Kung kaya nila, kaya ko rin dapat. Kailangan kong mag-adjust. Dapat pala ay tumawag ako kay Blaine ngayon para makahingi ng moral support. Hihihi.
“Miss na nakasibilyan!”
Kung hindi kami makapag-skype, kahit sa text man lang ay dapat na nagkakausap kami. O kaya tatawagan ko sya.
“Miss na walang I.D!”
Nasa school na kaya si Blaine ngayon? Hindi ko na kasi alam ang sched nya ngayong second sem.
Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa braso ko. Si manong security guard pala. Nakatingin na din sa akin ang iba pang estudyate na parang nanonood ng pelikula. May nagawa ba ko?
“Kanina ka pa naming tinatawag ah? Bakit di ka lumilingon?”
“P-po? Pasensya na po. Hindi ko pa rinig.”
“Tss. Bakit nakasibilyan ka? Second sem na kaya dapat ay naka uniform ka na.” Napatingin ako sa suot ko at tama sya. Ako lang yung nakasibilyan. “Asan din ang ID mo?” Napalunok ako dahil sa kaba. Hala! Pano to? Anong gagawin ko?
“W-wala pa po. Transferee po ako.”
Tumango naman ang guard kaya tumalikod na ko para maglakad pero hinawakan nya uli ako sa braso kaya napaharap uli ako sa kanya.
“Asan ang registration form mo? Hindi ka makakapasok hangga’t wala ka nun.”
Pakiramdam ko ay lahat ng pawis ko sa katawan ay lumabas na sa noo ko. Grabe, sobra kong kinakabahan. Binuksan ko ang bag ko at hinalwat ang gamit duon pero hindi ko nakita ang reg form ko. Nahihiya akong tumingin sa guard at ngumiti ng awkward.
“Naiwan ko po e.”
“Ganun ba? Sige na. Labas ka na ng school. Pasensya na pero hindi kami nagpapasok ng wala yun sa mga transferee.”
Wala na kong nagawa kundi lumabas. Tatakbo na kong bumalik sa boarding house para makuha yun. Nang maka-akyat ako sa palapag kung nasan ang kwarto ko ay agad kong hinawakan ang door knob. Bubuksan ko na sana ito pero nakarinig ako ng mga ungol.
Biglang kumalabog ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Naiiyak na din ako at the same time. Wala na namang tao dito kanina e. Sino yung nasa loob?
BINABASA MO ANG
College Scandal
RomanceWala ng forever. Wala ng infinity. Lahat may hangganan, lahat may dulo, hindi na uso ang relasyong tumatagal ng mahigit sa isang taon. Ang labanan ngayon, padamihan ng babaeng naikama para sa mga lalaki at padamihan ng boyfriend na napagsasabay-saba...