1st Scandal
[Kaylee’s POV]
“Oh ija, ito ang sabaw.”
“Salamat po, manang.”
Kinuha ko ang mangkok na inabot sa’kin ng may-ari ng carinderia at inilagay ito sa lamesa ko. Dinampot ko ang kutsara at tinidor at kumuha ng kanin at ulam tsaka isinubo.
“Anong plano mo?”
Napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong ni Hannah, bestfriend ko. Well, 3 years na kaming mag-bestfriend simula pa lang nung 4th year highscool, transferee kasi sya nun at wala naman akong masyadong kaibigan kaya nagkasundo kaming
“Wala.”
“Anong wala? Lilipat na kayo ng maynila at wala ka man lang plano?”
Ah, yes. Napagdesisyunan ng pamilya namin na lumipat na ng maynila dahil nagpaplano kaming magtayo ng maliit na negosyo duon. Mas malaki nga naman ang tsansa kung dun itatayo ang business na naiisip namin. Isang computer shop.
Pero sa totoo lang, ayoko. Pinilit ko sina mama na maiwan ako dito sa probinsya dahil sa iba’t ibang rason. Isa na nga ay dahil dito sa bestfriend ko. Baka kasi mahirapan syang maghanap ng makakasama dito sa University na pinapasukan namin. Naaawa naman ako kung nag-iisa lang syang kumakain sa recess at lunch. Haaay.
“Ano ba kasing plano ang mga sinasabi mo? Wala naman akong balak gawin sa maynila, magkukulong na lang siguro ako sa kwarto.”
“Ang tinutukoy kong plano ay yung tungkol sa boyfriend mo. Sabi mo kahapon, ayaw nyang umalis ka pero dahil sigurado ka na dyan sa pag-alis mo, nagalit sya. Anong balak mo dun?”
Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi ni Hannah. Ito yung pinakamalaking dahilan ko kung bakit ayaw kong sumama sa maynila. Ayokong maiwan dito ang lalaking mahal ko. At kahapon nga, nagalit sya sa’kin dahil sa naging desisyon ko. Ipinaglaban ko din naman sa mga magulang ko na maiwan ako dito eh, pero di nila ko pinakinggan.
Ipinaliwanag ko na din lahat sa kanya kung bakit kailangan kong umalis pero ayaw nyang makinig. Sinabi ko na nga ding babalik ako dito tuwing bakasyon at sembreak pero ayaw pa din nya. Hindi pa kasi kami sanay na magkalayo, hindi pa kami handa sa Long Distance Relationship.
BINABASA MO ANG
College Scandal
RomantizmWala ng forever. Wala ng infinity. Lahat may hangganan, lahat may dulo, hindi na uso ang relasyong tumatagal ng mahigit sa isang taon. Ang labanan ngayon, padamihan ng babaeng naikama para sa mga lalaki at padamihan ng boyfriend na napagsasabay-saba...