"Elizabeth Renee!! Bumangon ka na diyan!" Sigaw ng ate ko papasok ng kwarto ko. At hinila ang kumot ko.
"Ano ba, ate. Ang aga-aga pa eh!" Hinila ko kumot ko at nagkumot.
"Kapag hindi ka pa bumangon diyan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta ng ate ko.
"Oo, 5 minutes na lang." Narinig ko si ate na lumabas ng room ko.Nakukuha ko na ulit ang tulog ko nang...
"Good morning, Eli." Nang marinig ko yun, napabangon ako na parang robot at stiff na stiff na tumingin sa pinto.
O.O
Oo, nanlaki talaga ang mata ko nang makita ko siya.
Si Patrick..
Si Patrick nasa bahay namin.
Si Patrick nasa loob ng kwarto ko.
At ang pinakamalala.
Nakita ni Patrick ang morning face ko. Oh gods!! I'm gonna die!!!
"Gods! Pat, what are you doing here?" Tanong ko habang nakakumot ako na natatakpan pati mukha ko.
"Picking you up. Nakakainip kasi sa bahay. Di ko naman alam na batugan ka pala." Sabay tawa niya ng malakas.
"Get out of my room now!" Sabay takbo ko papunta sa banyo.
Sht! Sht! Bakit ba kasi ang aga niya? Ugh!!
So ano pang gagawin ko kundi mag-ayos.
Naligo na ako at nagbihis. Nakajeans ako, shirt, converse, and backpack.
Pagbaba kong stairs.
"Uy, bro!" Ayan na naman. Napagkamalan akong tomboy. -___- "Rhian, tomboy ba yang kapatid mo?" Tanong ni Pat kay ate."Sus, ever since naman ganiyan naman magbihis yan eh." Tingin nilang dalawa sa'kin.
"Nye nye nye." Sabay dilat ko sakanila. "Tara na nga, alis na tayo!"
So ayun, naglakad kami palabas ng village. Tapos inaasar niya pa din ako kasi daw batugan ako. Ugh!!
"Teka, Pat. Saan ba tayo pupunta?" Napahinto ako tapos nakapameywang na tumingin sakaniya.
"Punta tayo kina Mich. Andun mga barkada eh. Para makilala mo din sila." Barkada? Andun din kaya si Alyssa? Hala.
Hindi ako kumibo. Sumama na lang ako sakaniya.
@Ate Mich's House.
Nasa labas pa lang kami ng bahay pero naririnig na yung ingay. Madami kaya sila?
So, pumasok na kami tutal kilala naman kami nina Ate Mich.
Pagbukas ng door...
Napatingin lahat sa'min. Nakakahiya. Sina Ate Michelle, Kean, and Alyssa lang ang kilala ko.
Lumapit si Ate Mich sa amin.
"Hi, Eli! I didn't know you were coming." Hinila ako ni Ate Mich papunta sa mga barkada nila with Patrick on my side. "Guys, this is my cousin, Elizabeth Renee.""Uhm, hello. I'm Eli."sabay bow. Baliw na ata talaga ako. Feeling Korean. Hahaha.
"Hi, Eli." Si Alyssa unang lumapit sa'kin. "I'm Alyssa. You can call me Yssa." Sabay beso niya sa'kin.
Yssa is friendly no wonder Patrick fell for him. I can see how Pat looked at him. Full of love. I wish I was her.
Tapos may isang lumapit na girl. Matangkad siya, pretty, and mukhang mas matanda siya sa'kin. "Hi, Eli. I'm Grace."
Kasabay ni Grace yung isang girl na parang mas matanda naman ako. Inabot niya ang kamay niya and she said, "Marie."
May dalawang guy dun sa kabilang table with Kean. And tinuro sila sa akin ni Yssa. "Yun pala si Drystan, my brother. And that one is Ace." Tumango lang sila sa akin.
Then biglang hinila ako ni Pat papalapit sakaniya at inakbayan. And bigla siyang nagsalita.
"Guys, she's my girl."

BINABASA MO ANG
Together 'Til...
Fiksi RemajaThis is a story of an ordinary girl who once believed in love, who once gave everything for the one she loved. What if the only person who could bring happiness in her life could also destroy everything she is and she have? Would you just try and fi...