"Anak buti nadala mo yan dito. Matagal ko na yan hinahanap eh. Nasa bodega lang pala. Sige simulan mo na magbasa." Sabi sa akin ni mom. At ganun nga ang ginawa ko.
LEGENDS:
' = Ung nakasulat sa diary.
" = Ung sinasabi nung nagsasalita.
*__* = Action.
Entry #1
'Nasa trabaho na ako. Maaga akong gumising para hindi ako mahuli sa tamang oras ng pagpasok. Isa akong abugado. Medyo mahirap pero ok lang. Masaya naman ako. Mabilis lang ang oras. Yan ang nasabi ko. Parang kanina lang kakapasok ko lang tapos ngayon pauwi na ako. "Ui Kyla hatid na kita." Lagi akong hinahatid ni Charlie pauwi at inaabangan naman nya ako pag lunch. Sabay daw kami. Tingin ko nga nanliligaw to eh pero wala pa sa isip ko ang pag-aasawa. Maya-maya pa ay nakauwi na kami ng bahay. Kumain ako, nireview ko ang kaso na nakaassign sa akin sy natulog na ako.'
Entry #2
'Masaya akong gumising at nag-agahan. Pagkatapos ay nagsipilyo na ako. Wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw kaya napagpasyahan kong gumala sa park. Naligo na ako, nagbihis at umalis. Malapit lang ang park sa bahay ko kaya madali ko itong narating. Ang tagal ko ng hindi nakapunta dito. Masasabi ko na malaki nga ang ipinagbago nito. Maraming nagtitinda ng lobo na dati nama'y isa lang. Si mang Robert yun kung hindi ako nagkakamali ng alala. Lagi nya ako binibigyan ng lobo sa tuwing mamamasyal ako dito. Sa gawing kanan ay ang mga nagtitinda ng fishball, cotton candy at mga laruan. Masasabi ko na nagkabuhay ang park dahil sa pagbabagong iyon. Pumunta ako sa palaruan doon at nasilayan ko ang mga ngiti sa labi ng bawat bata doon. Masaya na para bang wala silang problema. Sa sobrang pagkalibang, hindi ko na namalayan ang oras. Tanghali na pala. Pauwi na sana ako ng makita ko si Charlie. "Oh Charlie nandito ka din pala" bati ko sa kanya. "Hmmm.. Nananghalian ka na ba?" Nahihiyang tanong nya. "Uuwi na nga sana ako para mananghalian." Sabi ko sa kanya. "Wag ka na umuwi. Doon tayo mananghalian." Itinuro nya ang isang bagong kainan sa park. "Sige. Wala din naman akong gagawin sa bahay eh." Pumunta na kami doon. Isa syang restaurant na parang antique ang disenyo. "Dyan ka lang. Ako na ang mag-oorder." Sabi nya bago pumila. Kumain na kami at umalis. Ihinatid nya ulit ako sa bahay. Masasabi ko na para na rin kaming nagdate. Friendly date ika nga. Natapos ang araw na iyon ng masaya.'

BINABASA MO ANG
The Lost Diary
AcakSalamat sa pagbasa ng aking mga libro. Ikatlong libro ko na ito at pinakaunang story na tapos kaya sana hanggang sa huli basahin nyo ito. ^_^