Chapter 4

65 18 0
                                        

Entry #3

'Masyado akong naging abala sa trabaho kaya hindi ako nakapagsulat. Masyado palang mahirap ang kaso na natapat sa akin. Nasa daan na ako papuntang simbahan. Kahit naman abala ako sa kaso ay hindi ko parin nalilimutang sumimba. Gaya ng inaasahan ko, nandito rin si Charlie. Iniiwasan ko na sya dahil baka mahulog ako sa kanya. Masyado kasing maalagain, mabait, gentleman. Kumbaga ideal man ng mga babae. Dali-dali akong umalis pagkatapos sa simbahan pero mapagbiro ata ang tadhana. Iniiwasan ko nga pero nagkabanggaan parin kami sa daan. Matutumba na sana ako. Buti nalang at nasambot nya ako. Dali-dali kong inayos ang sarili ko, nagpasalamat at tumakbo palayo. Hindi ko maiwasang maisip iyong nangyari sa may simbahan.'

Entry #4

'Ngayong araw na ito ay napagpasyahan kong magresign. Hindi dahil ayaw ko na kundi dahil kay Charlie. Kalahati ng puso ko ay nagsasabing magstay ako pero kalahati din nito ay nagsasabing umalis na ako para sa pamilya ko. Noong una ay naguhuluhan ako pero napagpasyahan ko na magtedign dahil hindi ko matutupag ang pangarap ko para sa pamilya ko kung ako ay tuluyan nang mahuhulog kay Charlie. Mababaw man isipin pero kung iyong sasaliksikin ay malaki ang magigong damage kung hindi ko gagawin.'

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon