Entry #9
'Masayang nagsuswimming ang pamilya ko kasama si Charlie. Hindi ko parin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Nakaupo lang ako sa may pool side. Maya-maya pa ay itinulal ako ni mama papunta sa pool. O.O ang unang pumasok sa isip ko ay yung love bites. "Anak bakit ayaw mong maki-" naputol ang sasabihin ni mama. Akala ko ligtas na ako. Napansin nya pala ang leeg ko. "Anak tara nga sa cottage." Sumunod nalang ako sa kanya. "Ano yang nasa leeg mo anak?" Diretsong tanong nya. "Ahh. Kagat po ng lamok." Palusot ko. "Sigurado ka ba?" Alam kong hindi iyon ang gusto niyang sabihin ko. "Sorry mom. We did it." Nakita kong naktataka ang expression nya. "I gave everything to him." Sabi ko. "Anak diretsohin mo ko." Seryosong sabi nya. Alam kong masakit sa kanya. "Nagsex kami ma. Ako at si Charlie." Naiyak na ako nung sinabi ko iyon pero ang ipinagtataka ko ay nakangiti pa sya. "Hindi ako galit anak. Masaya ako sa inyong dalawa. Nung unang kita ko palang sa inyong dalawa alam ko na na nagmamahalan kayo. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo na mahal mo na sya." "Talaga ma? Di ka galit? Salamat ma." Niyakap ko sya. Natapos ang swimming ng masaya.'
Bago ko basahin ang entry #10 ay may nurse na nagsabi sa amin na baka magkalandslide daw dahil kanina pa ulan ng ulan.
"Hindi kami aalis dito nurse. Salamat po" Alam kong gusto ni mom na tapusin ko ang kanyang Diary.
Entry #10
'Isang buwan, 2 buwan ang nakalipas. Nagpacheck-up na kami sa doctor. Hindi pa rin ako dinadatnan. Tama nga ang hinala ko. Buntis ako. Masaya namin ni Charlie ibinalita iyon sa aming pamilya. Oo aming. Lumipat na rin kasi doon ang pamilya nya pagkatapos gawin ang pangatlong bahay. Nagpakasal din kami ni Charlie habang hindi pa malaki ang tiyan ko. Makalipas ang siyam na buwan ay nanganak na ako.'
"*sniff* Mom" hindi ko na napigilang umiyak. Habang papalapit na ako sa last page ng diary ni mom ay patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko pero pinilit ko pa rin iyong tapusin.
'Nagsilang ako ng isang maganda at malusog na baby girl. Masaya kami noon higit kaming dalawa ni Charlie. Noong una ay nagtatalo pa kami sa ipapangalan namin sa aming anak ngunit hindi naglao'y nagkasundo din kami. "Charlie napakaganda ng pangalan ng ating anak. Bagay na bagay ito sa apliyido nya." Masaya kong sinambit. "Oo nga. Mapakaamo ng kanyang mukha." '
"Mom tapos na po ang diary mo. Punit po ito." Sabi ko kay mom.
"Hindi pa anak." May ibinigay syang kapirasong papel. Idinugtong ko ito doon at ipinagpatuloy ang pag babasa.
'Sayang at hindi nasilayan ng munti naming princesa ang ama nya. Namatay ito sa gera. Isang sundalo si Charlie. Pumunta ako sa isang sulok karga karga ang anak namin at binanggit ang salitang ito. "Oh Kylie Jane Montenegro. Ang aming princesa." Isinipit ko ang isang litrato ni Charlie sa diary na ito.'
Binuklat ko ang diary ni Mom. May nakasipit nga ditong litrato. Halatang luma na pero nakikita paring ang mukha.
"Mom kailangan na po nating umalis. Malapit na po umabot dito ang landslide." Sabi ko kay mom.
"Ikaw nalang ang umalis anak. Gusto ko na magpahinga." Naiyak ako sa sinabi ni mom pero pinagbigyan ko na ang hiling nito.
"I love you mom."
"I love you too anak." At tuluyan ko nang nilisan ang ospital.
Makaraan ang ilang linggo ay bigla kong naalala ang picture sa diary ni mom. Hindi ko pa ito natititigan ng mabuti. Tiningnan ko na ang mukha ng aking ama. Kaya pala sabi nila na hindi ko daw medyo kahawig ang ina ko dahil kay dad ko pala nakuha ang hugis ng aking ilong, bibig, pisngi at tangkad. Mata lang ang nakuha ko kay mom. Nagpapasalamat ako dahil nabasa ko ang diary ni mom. Ang tagal na nun nawawala pero sinadya ata ng Diyos na nung araw na iyon ni manang makita. Nasabi ko na lamang sa huli ang mga katagang "Nakita at nalaman ko ang mga kasagutan sa matagal ko nang kanong dahil sa isang LOST DIARY."
(A/N: Salamat sa lahat ng nagbasa. Maikli man kung isipin pero sana nagandahan kayo. ^_^)
BINABASA MO ANG
The Lost Diary
AcakSalamat sa pagbasa ng aking mga libro. Ikatlong libro ko na ito at pinakaunang story na tapos kaya sana hanggang sa huli basahin nyo ito. ^_^