CHAPTER 3

23 0 2
                                    

 "Aherm..." tikhim niya habang umiinom ng kape. Naagaw ang atensiyon niya mula kay Jae ng makarinig siya ng eksaheradong ubo ng isa pa nilang kaibigan na si Micky. Tila hindi lang siya ang nakapansin na naging invisible sila dito.

Natatawa pa din binitiwan ni Jae ang babaeng kanina lang ay halos pigain niya sa higpit ng pagyakap na sinamahan ng may kalakasan tapik sa likod. Humarap sa kanila ang babae, hindi niya masiyadong makita ang mukha nito dahil bahagya itong nakayuko at nakaharap sa kabilang panig ng mesa kung saan nakaupo sila Micky at Jun. May stiff neck ba ito at hindi ito makatingin sa side niya. Kung hindi siya nag kakamali, ito ang babaeng kumuha ng order niya kanina. Pero hindi talaga niya maalala ang itsura nito.

"Yeoreobun, si Sunny nga pala. My long lost bff.. awww!" Hiyaw ni Jae ng biglang hampasin ito sa braso. 

"Hoy, ikaw ang nawala at hindi ako!" Ingos ng babae.

"Ako ba?"maang-maangan pa rin ang loko. " Nga pala, si Micky at Jun mga kaibigan ko from Korea at ang pinakagwapo sa aming lahat ngunit pinakamasungit si Johann!" Aba't loko-loko talaga itong koreanong ito. 

Isa-isang nginitian ng babae sina Micky at Jun ngunit pagdating sa kanya ay marahang tango lang ang ibinigay sa kanya. Ngayon lang niya nabistahan ang itsura nito. Cute! Napakunot ang noo siya. Oh wait a minute, why she utterly looked familiar?

Bakit parang masama ang tingin nito sa akin? Nang muli niya ito tingnan ay isang matipid na ngiti ang binigay nito sa kanya. Namalik mata ba talaga siya, Galit ba ito sa akin? Pero bakit? At bakit parang nakita ko na siya, ngunit saan?

"Manong!" Naputol ang pag-iisip niya. Tiningnan niya ng masama si Jae dahil sa salitang ginamit nito para kunin ang atensiyon niya. Sa kanya na pala nakatingin ang apat. Gaano ba katagal ako nakatulala? Muli ay tumikhim siya at nagsalita na.

"Nag-order na ba kayo? Kung hindi pa ay umorder na kayo nang makapagsimula na tayo sa meeting natin." Pormal niyang saad.

"Narinig mo ba Jae hyung yung sinabi ni ahjussi? Better finish your flir-" hindi na natapos ang sinasabi ni Jun dahil mabilis na tinakpan ni Micky ng dalawang kamay ang bibig nito. Tinapunan nilang lahat ng masama tingin si Jun na agad naming nagpeace sign.

"Ah miss, isang tall caramel machiatto please." Maagap na salo ni Micky para mawala ang awkwardness na dinulot ng kaibigan. "What will you have Jun?" Baling nito dito.

"Arhm..sorry." tila hindi ito makapagsalita dahil sa pagkahiya. Agad naman itong nginitian ng dalaga.

"It's alright, we serves savory dishes here maybe you want to try." Saad pa nito. "Wait, I’ll get the menu for you." 

Mabilis itong tumalikod para kumuha ng menu sa counter, saglit na kinausap ang mga babae na nasa harap ng cashier counter at agad din bumalik sa kanila. She handed the menu to Jae and Jun. Muling  bumalik si Jae sa inuupuan niya kanina habang binabasa ang menu.

Nagkaroon siya ng pagkakataong titigan ang dalaga habang busy ito sa pagsagot ng mga tanong ng mga kaibigan niya. Sa tingin niya ay nasa limang talampakan at apat na pulgada ang taas nito. Bilugan ang pangngangatawan at makinis ang kutis. Maayos ang pagkakaponytail ng tuwid na buhok nito. She hasn't striking beauty, Hindi rin ito ang matatawag na head-turner. Mas lamang kasi ang pagiging cute nito dahil sa chubby cheeks nito na tinernohan pa ng malalim ng biloy. 

"Hyung, anong kakainin mo?" Tanong ni Micky sa kanya.

"Aligue pasta" mabilis na sagot niya dito. Maya-maya pa ay inulit ng dalaga sa kanila ang mga order nila at nagpaalam na.

“Kaya ka laging highblood hyung, ang hilig mo sa mga putok-batok  na pagkain eh.” Buska sa kanya ni Jae. 

"Ako na naman ang nakita n'yo asarin, bakit hindi si jun ang sitahin n'yo mukha pinagutuman ninyo ng isang bilyong araw at halos orderin ang lahat ng pagkain sa menu."

CRAZY OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon