Chapter 1
"Good morning, delivery!" masiglang niya.
Sinalubong siya ng isang staff para i-assist siya. Inisa-isa nito ang mga dala niya mga pagkain at kape kung kumpleto. Nang matapos na ito ay magalang siyang nagpaalam dito. Nang ma-isukbit niya sa balikat ang kanyang delivery bag at tumalikod na.
Palabas na sana siya sa may pinto nang bigla bumukas ito at isang humahangos na lalaki ang bumulaga sa kanya. Walang ano-ano'y sumigaw ito ng malakas na ikinagulat niya.
"Parating na ang Kidlat!"
Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa narinig. Kidlat? Uulan ba? Pero maaliwalas ang panahon habang papunta siya rito at ngayon ay kikidlat na? Teka, paano niya nalaman na parating na ang kidlat? Lito pa ring tanong niya sa sarili. Isang saglit pa'y biglang nagkagulo ang mga tao sa loob ng opisina iyon. Mabilis na nagsipag-balikan sa kanya-kanyang mesa. Napatda siya sa nasaksihan at minabuting umalis na lang doon. Habang naglalakad sa kahabaan ng hallway ay muli niyang naalala ang nasaksihang tagpo sa opisinang iyon.
"Weird." mahinang saad niya kasabay ng marahang pag-iling nang biglang bumangga siya sa tila isang pader. Sa lakas ng impact ay nawalan siya ng panimbang at bmagsak sa sahig. Pati ang bag na nakasukbit sa kanyang balikat ay tumilapon palayo sa kanya.
"Hindi ka marunong tumingin sa dinaraanan mo." buo at matigas na tinig ng isang lalaki.
Agad siyang nag-taas ng tingin para makita kung sino ang nagsalita at ang dahilan kung bakit nakahandusay siya ngayon sa sahig.
"Matuto kang tumingin sa dinaraanan mo nang hindi ka nakakaperwisyo sa ibang tao." Isang masamang tingin pa ang itinapon nito sa kanya at lumakad palayo.
Dahil sa pagkabigla ay hindi niya agad nakuhang magreact sa nangyari. Ang tanging nagawa ay himasin ang sumasakit niyang balakang habang sinusundan ng tingin ang antipatikong lalaki iyon. " Bastos!" Mahina niyang saad habang pinilit niyang tumayo.
May isang lalaking lumapit sa kanya para tulungan siyang tumayo. "Okay ka lang ba?" tanong nito habang iniaabot nito ang bag sa kanya.
"Yul!" sabay silang napalingon sa pinangalingan ng tinig. Hindi na nito nakuha pang magsalita muli, bahagya itong yumukod sa kanya bilang pamamaalam at mabilis na tumalikod na. Ni hindi na niya nagawa pang magpasalamat dito. She silently cursed that arrogant guy for being so rude and immediately headed to elevator.
PABALAGBAG na ibinaba ang kanyang delivery bag sa counter ng kusina at pasalpak na umupo sa bangkito. And she winced. Nakalimutan niyang masakit pa nga pala ang kanyang balakang sa sobrang inis.
" What's with the long face?" Sita ng kaibigan niya sa kanya kasabay nang paglapag nito ng isang basong juice sa harap niya.
Napalingon siya sa babae sa kanyang likuran. Ni hindi man lamang niya ito naramdamang sinundan pala siya nito dahil nang pumasok siya sa loob ng cafe nila ay nakita niya itong nag aasikaso ng mga customer.
"Kailan ka pa naging pusa?" Ganting tanong niya dito. "Akala ko busy ka sa pag aasikaso ng mga customer."
"Inaasiko ko nga sila pero noong makita kita at nakasimangot, nagdesisyon akong sundan ka. Nakipag-away ka na naman ba sa daan?" Kahit kailan talaga hindi niya kayang itago kay Eya ang kanyang mood. Mahigit dalawang taon lang mula ng magkakilala sila. Naging magkatrabaho sila sa dating travel agency na pinapasukan nila. Naging matalik silang magkaibigan dahil marami silang bagay na pinagkakasunduan tulad ng pagbabasa ng libro, mahilig silang kumain at higit sa lahat ay pareho silang baliw!
Mas matanda siya rito ng ilang taon pero pawang mas matanda pa ito mag-isip sa kanya. Mas madalas ito pa ang nag aadjust kanya lalo na kapag tinotoyo siya. And mostly she listened all her whining in life and turned it into a joke. And they will laugh their heart out after. Malaki talaga ang pasasalamat niya dito dahil hindi ito sumusuko sa kanya.
Noong naresign siya sa pinapasukang opisina at nagdesisyong magtayo ng sariling coffee shop slash book store slash bake shop ay hinikayat niya itong tulungan siya sa pagpapatakbo ng store. Na agad nitong sinang-ayunan. Naging maganda ang takbo ng negosyo nila dahil sa loob lamang ng mag iisang taon na serbisyo nila ay may maituturing na silang regular customer.
"Ano na?" Untag nito sa kanya.
Nailing na lang siya sa kakulitan ng kaibigan habang ikinukwento niya rito ang nangyari sa kanya kaninang umaga. Alam niyang hindi ito basta titigil sa kakakulit sa kanya hanggang hindi niya nasasabi dito ang gusto nitong malaman.
HINDI naging maganda ang gising ni Johann sa hindi malamang kadahilanan. Lagi na lang mabigat ang pakiramdam niya sa tuwing gigising siya. Nito mga huling araw ay tila may kung anong bumabagabag. Hindi ito ang unang beses na nakakaranas ng ganoong pakiramdam halos mag aanim na taon na siyang ganun. Pilit man niyang balikan ang mga panaginip na nagpapagulo sa kanya at pawang walang hanggang kadiliman lamang ang naalala niya. Marahas siyang bumangon sa kama at nag umpisang ayusin ang kanyang sarili. Madalas ay sa gym siya pumupunta para ikondisyon ang sarili bago punta sa kanyang opisina.
Labing limang minuto bago mag alas nueve ng umaga ng dumating siya sa building kung saan siya nag oopisina. Mas maaga kesa sa nakagawian niyang alas diez y medya. Wala siya sa mood mag gym ngayong umaga kaya papasok na lang siya sa opisina para gumawa ng panibagong marketing strategy para sa kliyente ng ad agency niya. Nang makapasok siya sa lobby ng building ay agad siyang sinalubong ng kanyang executive assistant na si Yul. Iniabot niya rito ang dala niyang attaché case at deretso na siyang naglakad patungo elevator.
Pawang bilis na agos ng ilog ang mga estratehiya sa kanyang isipan. Bawat detalye ay naiipon lahat sa loob ng kanyang utak. Nagmamadali siyang makarating na kanyang opisina upang maumpisahan na niyang ayusin ang bago niyang ideya. Dahil abala ang kanyang isip sa kung ano anong detalye at hindi na niya pansin kung ano ang mga sinasabi ni Yul. Maging ang taong makakasalubong niya.
" Sir Johann! " isang malakas na impact ang naramdaman niyang bumangga sa kanya. Kung hindi lang siya maagap sa kanyang balanse at mabilis na pag alalay ni Yul ay malamang baka nakahandusay na rin siya sa sahig tulad ng taong bumangga sa kanya. Agad niyang inayos ang sarili at tinapunan ang masama tingin ito. Nakayuko ito at hinihimas ang bandang balakang nito.
"Hindi ka marunong tumingin sa dinaraanan mo." buo at matigas ang tinig niya. Gusto niyang iparamdam dito ang galit niya. Mabilis na nag angat ng tingin ito sa kanya nang marinig ang boses niya.
Nababakas ang pagkagulat at pamumutla sa mukha nito. Babae! Hindi niya lubos akalain na babae ang nakabangga niya. Pero isa itong delivery crew! Piping sigaw ng isip niya. He instantly felt guilty. Bigla siyang nalito kung tutulungan ba niya ito tumayo o iwan na ito na tila walang nangyari. He immediately chooses the last.
"Matuto kang tumingin sa dinaraanan mo nang hindi ka nakakaperwisyo sa ibang tao." Isang masamang tingin pa ang itinapon niya dito bago naglakad uli patungo sa opisina niya. Hindi niya mawaglit sa kanyang isipan ang mukha ng babaeng nakabanggan niya. At nang mapansin niyang tila hindi sumunod sa kanya ang assistant ay tinawag niya ito.
"Yul!" Mayamaya pa ay nasa tabi na niya ito.
