ABALA siya sa paggawa ng mga cupcakes na ibebenta nila dito sa cafe. Hindi siya makapaniwala na lumolobong demand ng mga pastries na siya mismo ang gumagawa at nag iimbento ng mga bagong flavors. Noong nakaraang araw nga may isang couple ang nag-inquire sa kanila kung nag-o-offer din sila ng customized cake for special occasions. Masaya siya na na-appreciate ng ibang tao ang mga gawa niya kaya kahit gaano karami ang mga gawa niya ay tila hindi siya napapagod at nagagawa pa niyang magserve sa mga customer nila.
"Ma'am Sunny ipinatatawag po kayo ni ma'am Yoona." Nilingon niya ang ito.
"Magbe-break ka na ba Liv?"
"Opo ma'am." Sagot pa nito. Tinanguan nya ito, nagbilin siya sa isang staff na in-charge sa kitchen at lumabas na sa para puntahan ang kaibigan.
"Ipinatawag mo daw ako?" Tanong niya sa kaibigan na abala sa pagkakahera.
"Pasensiya ka na teh kung inistorbo ko ang pagluluto mo. Breaktime kasi ni Liv at Kyle kaya kulang ang magseserve sa customer. Pa-assist naman oh" saad nito.
"Yun lang pala eh. Sige ako nang bahala dito" sabay abot ng isang tray na naglalaman ng order. Maliksi siyang kumilos upang ihatid ang order sa assigned table. Nang matapos ay agad niyang nilinis ang kalapit na bakanteng mesa para sa mga susunod na ookupa nito.
"Welcome to Coffeeholic!" Masigla niyang bati sa mga bagong pasok na customer. She flashes her sweetest smile while she escorted them to the available table. She immediately excuses herself after she got their order and headed to the counter. Nang maibigay niya ang hawak na order sheet sa isa kitchen crew ay muling hinarap ang kaibigan.
“Kamusta naman ang tayo dyan, ganda?” nakangiting sabi nya dito na ikinataas ng kilay nito. Maya-maya paý sabay silang humagikgik ng walang kadahilanan. Nang pareho silang mahimasmasan ay agad siyang hinampas ni Eya sa braso.
‘Aray.. ano ba?” saad niya habang hinihimas ang braso.
“Ikaw kasi eh! Baliw ka talaga ate Sunny.”
“Ako?”sabay turo ng sarili.”Ano bang ginawa ko? Ooppss..don’t tell me na nagpapatawa ako dahil tinanong lang kita kung kumusta ka dito.” Maagap pa nyang saad.
“Ewan ko sayo! Poker face ka kasi tsaka may halo ng sarcasm ang tono mo eh!” parang batang sagot nito.
“Ako pa ngayon.. samatalang tinatanong lang. Ikaw nga itong madumi ang utak dahil...”nabitin kung ano pang sasabihin nya.
“Oo na, oo na.”sabay kumas ng mga kamay nito. “Grabe ate Sunny! ‘di ko lubos-akalain na ganito ang kahihinatnan ng pagiging risk taker mo! Tingnan mo kung gaano kapatok ang business mo ngayon. Sinong mag- aakala na sa loob lang ng magdadalawang taon ay ganito na karami ang customer mo!”lintaya ni eya na sinabayan pa ng pagkumpas ng dalawang kamay.
"Syempre sa galing ng kamay ko at taba ng utak ko, I see it coming." Isang malaking ngisi ang binagay ko sa kanya.
"Wow ha! Ang lakas ng aircon coming from you ha!" Nagkunwari itong nawalan ng balanse na tila tinatangay ng hangin. She burst out laughing and suddenly all the attention was on her. She stops laughing and raised her hand for a peace sign.
"Pasensiya na po, nadala lang po ng bugso ng damdamin." Sa sobrang hiya niya ay gusto na nyang tumakbo papasok sa kusina para magtago nang bigla siyang tapikin ulit ni eya sa balikat.
"Grabe sing-pula mo na ang apron mo teh! Di ka na yellow!" Buska pa nito sa kanya.
"Ewan sayo! Mag-ayos ka na nga at parating na ang kapalitan mo." Sabay silang napatingin sa relong nakasabit sa dingding. Sampung minuto bago mag-alas-sais ng gabi.