CHAPTER 4

16 0 0
                                    

"Ate!"

Isang malakas na tinig ang umalingawngaw sa loob ng kusina. At dahil sa pagkagulat ay kamuntik na niyang maihagis ang isang bowl ng chocolate ganache na gagamitin niya sa paggawa ng chocolate cake para sa customer nila.

" Tinamaan ka talaga ng lintik na babae ka. Kamuntik ko nang maihagis sayo itong hawak ko! Kapag nagkataon ay maliligo ka ng chocolate." Iritang saad ni Sunny. Agad na nawala ang inis niya sa kaibigan nang makita niya ito na halos maglupasay sa sahig sa kakatawa.

Dahan - dahan niyang ibinababa ang hawak na bowl sa lamesa habang pinapanuod itong tumatawa. At ng mahimasmasan ito ng konti ay pilit na pinapaseryoso ang mukha at sa muli ay bubungisngis sa huli.

"Ano, quota ka na sa tawa? Pwede ka na bang mag salita?" Tanong niya dito. Nang magsasalita na ito at bigla na lang uli tumawa. She rolled her eyes on her. Ugali talaga nito tumawa ng mahaba. Siguro kung meron contest ng pahabaan ng tawa ay isasali niya si Eya para mapakinabangan nilang magkakaibigan ang pagiging bungisngis nito.

"Pakikalabit lang ako kapag tapos ka ng maglupasay dyan ha? Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." Naiiling na saad niya at muling hinarap ang cake na ginagawa niya.

Hands on siya pagdating sa pag-gawa ng mga sweets at desserts ng shop nila. Hangga't maari ay ayaw niyang ipagalaw ang mga gamit niya sa pagbe-bake, ganoon siya ka metikuloso pagdating sa mga bagay na iniingatan niya. Kaya naman ay mas madalas siyang naglalagi sa loob ng kusina kesa sa pagsisilbi sa mga customer nila. Hinahayaan na niya ang dalawang kaibigan niya sa pag-aasikaso doon. 

Pinaghahatian nilang tatlo ang pagma-manage ng shop ngunit mas madalas ay siya ang nagpapatakbo sa tulong ng supervisor nila dahil may ibang trabaho sina Eya at Tory. Pareho kasi itong tour escort/guide. Dati kasi silang magkakatrabaho sa isang travel agency ngunit mas nauna niyang i-give up ang pagiging escort para bigyan daan ang  patatayo ng sarili niyang coffee shop. Hinimok niya ang mga kaibigan na tulungan siya sa pagpapatakbo ng shop at hindi naman siya binigo ng mga ito. Sa tuwing may libreng oras ang mga ito ay sa Coffeeholic nila ginugugol iyon.

At sa wakas ay natapos na niya ang padedecorate ng cake, magliligpit na sana siya nang napatingin siya bandang kanan niya pero wala na doon ang spatula na ginamit niya. maya-maya pa ay natingin siya sa band likuran niya. Buong akala n'ya ay lumabas na ng kusina si Eya dahil nanahimik ito, nagkamali siya. Kaya pala nanahimik ito ay dahil siya ang salarin kung bakit nawawala ang kanyang spatula, hawak kasi nito at nililinis ang natirang tsokolate gamit ang daliri nito.

"Ayos ka ha!" Manghang saad niya habang pinapanuod ito. Bilib talaga siya sa takaw ng kaibigan niyang ito pagdating sa tsokolate. Ni hindi nito alintana ang sasabihin ng ibang tao sa itsura nito ngayon na animo ay ngayon lang nakatikim ng chocolate.

Maya-maya pa ay lumakad pa ito palapit sa lababo at ng matiyak na malinis na ang hawak ay walang ano-ano'y binibaba doon ang hawak na bagay. Agad naman itong bumalik sa tabi niya. She never fails to amazed her even with simple thing she do. 

"Sarap! S'ya nga pala, Uuwi na pala ako ate Sunny. " ani pa nito na tila walang ginagawang kalokahan.

"Walastik ka talagang babaita ka... " saad niya habang hinahalikan siya nito sa pisngi. "Pagkatapos mong dumating dito na parang buhawi at manggulo para lang sabihing aalis ka na." Naiiling na sabi pa niya dito.

"Hayaan mo na ako, mahal mo naman ako eh." Sagot pa nito. She rolled her eyes on her.

"Tara na nga sa labas at nang maibigay ko na ito sa customer natin." Sinabayan na niya itong lumabas ng kusina habang bitbit ang cake.

"Wow! Chocolate cake!"

Malakas na sabi ni Jun na-ikinakunot ng noo niya. Sa dami ng pagkaing inorder nito nagpahabol pa ito ng cake.

CRAZY OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon