Note:
This chaper is dedicated to my friend, dahil anlaki ng role niya dito sa chapter na toh. Girl, you know who you are... just wanna thank you from the buttom of my heart for everything you did for me, trusting me and you always make me feel appreciated. Thank you. (Ang cheesy ko! Goosebump everywhere!) Ngayon lang toh girl, namnamin mong maigi!hahahaha
=============================
Abala si Sunny sa pag-gawa ng kanilang weekly sales report sa munti niyang opisina kanugnog ng kusina. Para sa araw na iyon ay nakalaan lamang para sa tambak na paperwork. Nag-iwan na lamang siya ng mga pre-mixture ng mga cakes at cupcakes nila, bahala na doon ang chef nila. Maya maya pa ay biglang nagbuzz ang intercom niya.
"Yes?" She answered grumpily.
"Ma'am a certain Mr Yul wants to see you?" Sagot ng nasa kabilang linya. Napakunot ang noo niya sa narinig. Bakit kaya?
"Send him in." Yun lang at pinatay na niya ung intercom. Marahan niya inayos ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng kanyang mesa. Nakakahiya naman kasing maabutan ng bisita kung gaano siya kakalat sa paper works. Maya-maya pa ay may kumakatok sa may pinto.
"Come in." Saad niya habang inaalis ang gamit na antipara.
"Good morning Ms Sunny." Bati nito habang bahagyang yumukod para magbigay galang. Korean din ba ito? Weird.
"Have a seat Yul, ano bang maipaglilingkod ko sayo?
"Ang totoo n'yan Mis---"
"Sunny! Just call me Sunny. Naiilang kasi ako kapag tinatawag ako miss or ma'am, i'm not that old." Agaw nya dito na ikinakamot ng ulo nito na tila nahihiya.
"Magseset sana ako ng meeting for my boss, he wants your shop to cater for his upcoming party for his parents." Paliwanag nito. Cool!
"Can I have further details? I'll dicussed this to the staffmeeting later and I guess we could set a meeting with your boss tomorrow." hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa. She liked that, Ganun kasi siya lalo na pagdating sa trabaho.
She felt overwhelm. This is the first time na may nagkainterest sa kanila na mag pa cater para sa isang party. As much as she wants to accept the offer immediately right after hearing it, she must take things in consideration first. Such us her people, or kung kaya na ba talaga nilang mag-venture sa isang catering service. She ask for further details and a set the meeting the following day. He immediately excuse himself when everything is settled.
Agad niyang tinawagan kanyang supervisor para ipaalala ang staff meeting mamaya pagkatapos ng trabaho. Gusto kasi niyang hingiin ang opinion ng mga tauhan niya bago pa siya magpasya kung dapat ba talaga niyang tanggapin ang offer sa kanya. Nang maisa-ayos na niya ang mga bagay na pag-uusapan nila sa meeting, muli niyang binalikan ng mga paperworks niya. Kailangan kasi niyang matapos ang mga iyon kung ayaw niyang masira ang nasa schedule niya at mabulilyaso ang iba pa niyang gagawin.
Isang mahinang katok ang naulingan niya. Gusto man niyang huwag itong pansinin dahil nahuhuluan niyang isa ito sa kaibigan niya, ng bigla siyang napatingin sa digital clock ng kanyang computer. Whoa! Alas kwatro na pala. Sa tuwi naglalagi siya sa loob ng opisina ay hindi na niya namamalayan kung ano-ano ang mga nangyayari sa labas ng kwartong iyon.
Biglang may sumilip sa hamba ng kanyang pinto. Napa-angat ang kanang kilay niya nang makilala kung sino ito.
"Mabuti naman at nandito ka na Maria Victoria. Kasama mo ba si Eya?" Bati niya dito.
Tumikhim muna ito at tumingin sa likuran bago pumasok sa loob ng opisina. Maya-maya pa ay kasunod na rin nito si Yoona aka Eya. Siya ang nagbansag ng Eya dito, bakit? Wala naman, para maiba lang. Ayaw kasi niya ng may katulad sa anumang pagmamay-ari niya kahit ano pa mang bagay o taong na espesyal sa kanya. Para sa kanya, endearment niya ito kay Yoona kaya walang sino man ang tumatawag dito gamit ang pangalan iyon maliban sa kanya. Madalas kasi itong tawagin ahjumma dahil parang matandang dalaga ito kung umarte. Sa kabilang banda naman kay Maria Victoria ay nakaugalian na rin niya itong tawagin Tory ngunit mas madalas ay sa buong pangalan niya ito tinatawag lalo na sa tuwing inaasar niya ito.
