I.Mallshow

119 6 0
                                    

"JaDine is loooooove!!!"

"Woooh" "

JAAAMES"

"NAAAAADZ"

Yun lang naman ang hiyawan ng mga fangirl na nasa likod at tabi ko.

Nakakabingi pero parang ayos lang.Nasa mallshow ako ng kilalang love team na JaDine,James Reid at Nadine Lustre.Ang intense ng araw na ito,di pa nagsisimula ang show ay nagsisigawan na sila. Napasikip at sobrang init.Bakit ba naman kasi sa labas ang show?! Napatingin ako sa relo ko at ANO?! 4 pm na??! Alas dos pa lang nandito na ko pero bakit ang bilis ng oras pero wala pa sila?

Nagsimula ang host aliwin ang mga nanunuod.Andaming pakulo! Napaisip ako.Aba syempre nga naman,hindi na nila kaya makita ang fans na nababato sa kakahintay. Matapos ang kalahating oras ay dumating na sila.

🎶 Na Na Na Na Na Na Na

Wala na kong paki,basta bahala na

Na Na Na Na Na Na Na Na Na Na Alam ko lang kasi minamahal kita 🎶

Biglang tumugtog ang theme song ng bago nilang pelikula. Nagsitayuan ang mga katabi ko at nagtatatalon. Maswerte ang pwesto ko at nasaunahan ako,walang maaaring humarang sa maganda kong view!

"Ayan na silaaaaaa!!!"

"JAMESS"

"JADINE IS LOOOOOOVEE"

"WE LOVE U BANGSIE",sigaw ng mga halos mamatay na mga fans.

At ayan na nga sila. Ang mga iniidolo ko! Nandito na sila! Hindi ako makapaniwala. Nang biglang lumabas ang mga artistang kasama rin sa mallshow,si Yassi na naka-tank top at shorts.

Nakita ko rin si Joseph Marco! Naglabasan din ang Lucky 13 at Crazy Trios,mga karakter mula sa pelikula at librong TALK BACK AND YOU'RE DEAD! ni Alesana Marie.

Naeexcite ako! Napatayo ako sa sobrang excitement at Pagkatayo ko ay bigla na lang ulit akong napaupo nang marining ang sinambit ng host.

"Pasensya na po kayo....."

Hindi ko na naintindihan ang sumunod na mga salita pero nung marinig ko yung 'pasensya',alam ko na. Alam ko na hindi sila makakarating. Ano ba naman yan! First mallshow to' na na puntahan ko at sa kamalas malasan ay wala pa sila.

"Ah sht!" Narinig kong sambit ng lalaking nasa likod ko.

Nakapagtataka lang. Wala naman siya kanina ah!

"Ay nako,kuya! Sayang lang ang punta natin dito! Wala ang JaDine!! Agh" sabi ng mukhang naiiritang 14 year old na dalaga.

Ang cute naman. Sinamahan niya pa yung kapatid niya sa isang mallshow! Napangisi ako habang nakatitig sakanila. Nagkasalubong kami ng tingin. Ay shet! Nakatitig pa rin ba ko? Napaharap tuloy ako ng mabilis.

"Uhm excuse me ate", may tumapik sakin.

"May problema po ba kayo samin ng kuya ko?? Kanina ka pa po nakatitig" sabay ikot ng mata.

"Baka napopogian lang sakin?" Bulong ng lalaki. At sabay silang tumawa.

Kapal naman nito! Feelingero! Pero mukha ngang may magandang features ang mukha niya.Maangas ang mukha. Yung tipong manununtok kahit anong oras. Pero ngayon na nandito siya sa isang mallshow na halos natabunana ng babae. "ang cute!"Ekkk ANO BA TOOONG INIISIP KO? Nasabi ko ba yun ng malakas? Errmm..

Matapos ang halos dalawang oras na roller coaster ride. Oo,roller coaster ride talaga sa sobrang lakas ng tilian ng mga katabi ko. Natapos din ang mallshow! Kahit papaano napagaan naman ng Lucky 13 yung pagkadismaya ko. Hehe! Wiggle wiggle pa more! HAHAHAHA!

"Hey!"

May narinig ako na tila kahit walang binanggit na pangalan ay ako ang tinatawag.

Syempre hindi naman makapal ang face ko. Hindi ko na lang pinansin.

Boogoosh!

"ARAAAAAY!!!" Putek! Sino namang naglakas loob na batukan ako?

"Aba sino ka ba --" , napatigil ako nang may tumapat saking isang lalaki!

Napakatangkad, ang bango at may itsura!!! Tekatekatekaaaaa,sino ba to? Eto ba bumatok sakin? Parang namumukhaan ko to ah!

"Hey." Narinig ko ulit ang mala-anghel na boses niya pero sumanib ang galit ko.

Kumunot ang noo ko, "Sino ka ba? Ha?"

Nakita kong napangiti siya. At nakangiti pa siya?! May topak ba to? Nakadrugs ba to?

"Hello." ,matipid niyang sagot kasabay ng isang maikling wave. Ang laki ng ngiti niya.

"Ikaw ba bumatok sakin?!"

Gusto kong manapak!!!! Agghh!

"Relax ka lang,I just wanted to seek attention.",paliwanag niya.

"Eh attention seeker ka pala eh!" Napaikot ang mata ko.

"Kung wala ka lang magawa,leave me alone!" ,dagdag ko.

Naramdaman kong nawala siya. Nako naman! Pag ganitong init na init na ko!

Sa sobrang init ng pakiramdam ko pumasok ako sa loob ng mall at May nakita akong Chatime! Woohoo! Thank you Lord!!

"Good AfternoOn Ma'am!",bati ng crew.

"Isang Large na Chocolate Mousse please".

Medyo matagal pa ko kasi ang daming customers,lumabas muna ako at nagikot ikot dala ang buzzer na tumutunog kapag ready na ang order ko.

Fangirl meets FanboyWhere stories live. Discover now