X. Kung totoo lang 'to...

50 6 3
                                    

"First girlfriend! I know!" sabi ng Ate niya na parang nanalo siya sa lotto.

WEH? First girlfriend daw?

HA

HA

HA

HA

LOL! Sabi na eh! Bakla talaga 'to! Wala pa palang nagiging girlfriend eh... Sirain ko kaya plano nito?

"F-first girlfriend po?" halos matawa na kong nagtatanong.

"Oo eh. And I'm very happy na meron na!"

Napangiti na lang ako sakanya. At lumingon kay Dyllan na parang may sinasabi sakanyang 'LUL! FIRST GIRLFRIEND PA AH!' Pero seryoso? Una? At hindi pa totoo? Malas naman!

"Ah sige,ganito na lang. Tara sa ice cream shop para dun na lang tayo mag-usap" pagaalok niya.

"Sige po" at ngumiti ulit ako. Favorite ko ang ice cream eh! Yung bubblegum flavor! At napatingin sa katabi kong si Dyllan na namumula! Bakla ba talaga 'to? Ngayon lang ako nakakakita ng lalaking namumula -- ng sobra.

Naunang naglakad samin ang Ate niya nang biglang lumapit si Dyllan at inakbayan ako habang naglalakad kami.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

"A-a-ayos lang. I-ikaw?" nauutal na sagot niya.

"Ako,okay. Ikaw hinde. Ok lang naman na hindi ka umakbay nasa likod naman tayo ng Ate mo eh. Alam ko namang hindi ka kumportable." at pinilit kong tanggalin ang kamay niya.

"H-ha?" Natanggal ko ang kamay niya pero binalik niya rin pagkatapos.

"Ba't di ka nalang kasi bumigay?" mahinang sabi ko sakanya habang pinupulupot at kamay ko sa bewang niya kasi lingon ng lingon yung kapatid niya. Baka mabisto kami!

Hindi na siya umimik at hindi na rin ako nagsalita baka nahihiya lang kasi alam ko ng bakla siya. Sabi na eh,marami na talagang pogi na beki ngayon and I can't believe na nagpapanggap ako para sakanya!

Nakarating na kami ice cream shop at umupo sa table ng pang-apat. Umupo si Dyllan sa tabi ko at sa harap naman namin ang ate niya.

"Oh ano sainyo? Ako na ang o-order." tanong niya samin.

Yumuko si Dyllan na parang nakahiga na sa table gamit ang dalawa niya braso. Anong problema niya? Humarap naman ako sa Ate niya at ngumiti.

"Bubblegum Ice cream" sabay naming sagot.

EKK. Akala ko tulog 'to pero nagsalita!

"Ayieee. Sabay pa talaga ah!" pangaasar ng Ate niya sa amin.

Da eff.

Pumunta sa counter ang Ate niya at um-order.

"Gaya gaya" bulong niya pero rinig ko pa rin.

"Excuse me. Paborito ko ang bubblegum flavored ice cream,ano!" Hindi ko natiis na sagutin siya.

Tumunghay na siya at sa pag-angat ng ulo niya ay nakita ko ang one million dollar smile niya. Ano kayang iniisip nito?

"Wow Grabe. MTB" ang lapad ng smile niya na parang may balak na masama.

"G*go,ano?!" nanlaki ang mga mata ko.

"Meant to be na meant to be" at hinawakan niya ng kamay ko at ipinatong sa lap niya.

Our fingers are intertwined and locked.

Feeling ko na-frozen ako sa kinauupuan ko. Hindi ko magawan magreact at hindi ko rin naman maiwasang isipin na...

Is this part of his plan?

Fangirl meets FanboyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora