IX.Magic Word?

56 7 4
                                    

"Waaah,si Ate Andie ba yun?"

"Ay Gurl oo!"

"Waaah,tulog ba yan?"

"Ay baka nahimatay!!"

Sinong Andie? Sinong tulog? Sinong nahimatay?

Pero bago ko imulat ang mga mata ko para tignan ang nangyayari sa paligid ko,nandito pa rin ako sa bench na nasa tabi ng chapel.

Nakaupo,nakasandal,nakatingala,nakapikit...

NAKAPIKIT?

-.0

0.-

0.0

"Ay nagising na si Ate!!"

Ako nga ba yung nakatulog?! Pero imposible,nakikinig lang ako kanina eh...

Nagising ako sa usapan ng dalawang babae sa harap ko. Nag-uusap pa rin sila pero napahina na nang imulat ko ang mga mata ko. Ako ba yung Andie na tinutukoy nila? Medyo marami ang tao rito sa paligid ko. Ano meron? May shooting ba sa campus?

Ay baka may artista.

"AAAAAAAY!!!!!",napasigaw ako sa kilig.

Baka JaDine!!!!

Napatingin lahat ng tao sa akin. Woops! Sorryyyy. Nang mapansin ko na medyo tirik ang araw tinignan ko ang relo ko.

"WATTHE--!!!!",napatakbo ako ng mabilis pa punta sa classroom nang makita ko na mag a-alas-dose na nang tanghali.Na-miss ko ang Physics class ko! Huhuhu...

Habang tumatakbo ako,napadaan ako sa hallway at nakita ang tropa ni Dyllan.

"Andie!",habol niya sakin.

Pero tuloy lang ang takbo ko kasi 11:00-12:00 lang ang klase ko,baka may maabutan pa ko! Tsaka tinataguan ko nga siya diba? At....at.....Siya ang dahilan ng pagkalate ko eh!!!!!

"Class dismissed!"

NGMWPREWMHCWNUYHMCXJOAMCEH

Yan lang ang naabutan ko sa P6 class ko. Sakto na pagligpit ng prof ko ng gamit niya ang hingal na pagdating ko sa classroom. WRONT TIMING.

hingal.hingal.hingal.

"Oh Ms.Santiago! How dare you show up here when you just missed my class?",nako! lagooot.

"Uhm so--"

"Whatever,I need no excuse! Just make sure you never fail us on your performance"

Performance?

"P-p-performance po?"

My prof just nodded and walked away. Nako,nakakakaba! Wala man lang clue kung ano ang performance at ang mas nakakakaba pa eh kung sa P6 pa yun o in general? In general na mag-pperform sa harap ng tao? Guloooo.

Tumingin ako sa loob ng classroom,walang tao. Syempre! Loko 'tong mga kaklase ko eh,wala ng intay intay...basta lunch ang sunod...sugod! Sinara ko na ang pinto at naglakad papunta sa CR.

Pagdating ko sa CR ay pumasok ako sa loob ng cubicle. Actually,wala naman talaga akong gagawin dito sa CR pero nung narinig kong may papasok,eh nagtago ako sa loob ng cubicle. At tama ako,may pumasok! Wala akong intention na makinig sa usapan pero...

"Alam mo bang wanted ngayon si ST?" sabi ni girl 1

"Sinong ST?" sabi ni girl 2

Teka,anong ST? as in Supreme Treasurer? Pasensya. Yun lang ang alam kong ST eh!

"ST ng SSC" sagot ni girl 1

Mga 'to! Ayaw ayusin ang paguusap puro acronym naman eh!

"Ah! Si Ate Andie" sagot ni girl 2

Fangirl meets FanboyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang