XI. Hopeless

61 4 2
                                    

One week na nakakalipas puro stress ang dala ng school! Wala na kong tulog araw-araw. Hindi na ko nakakasama sa tropa pag weekends. Hindi rin nakakagala sa kahit saan. Deadlines everywhere! Na-mimiss ko na ang chill days. Na-mimiss ko na magrelax!

Oh,may namimiss ka pa?

Si Andie.

Simula nung huli ko siyang nakasama campus ng late na,hindi na ulit siya nagparamdam. Lagi pang umiiwas sa tuwing kakausapin ko siya.

Asuuus. Huwag pong i-deny.

Oo na. Si Andie.

Pucha naman kasi! Pagkatapos nung araw na sinamahan ko siya sa school hindi na siya nakipagusap sakin. Syete! Paglalapit ako iiwas siya at kapag may practices, pipili agad siya ng partner niya. It's one hella week without her! Hindi ko na kaya. Kaya nga mamaya, sasalubungin ko siya after ng classes. Nagdecide na ko na kakausapin ko siya kasi pucha! hindi ko na talaga kaya!

Lumabas na ko ng room matapos ang dalawang oras na paglutang ng utak ko dahil sa boring discussion ng teacher namin. Nang makarating ako sa tapat ng room nila, narinig ko ang hagulgol ng isang babae kaya nagtago muna ako sa backdoor.

"Langya naman! What the fck are you doing with your life?"

Harsh naman.

"I'm aware"

"You're aware??!"

"Uhuh"

"Andie nakakagago naman!"

ANDIE?!

Si Andie ang kausap? Sht!

"Wala ka na ron"

"God Andie! Wag mo siyang gawing tanga! Ako na nagpaparaya para sakanya kasi alam kong MAS kaya kanya!"

"Sinabi ko bang magpakatanga ka?"

"Sht you're hopeless!"

Narinig ko yung may aktong papalabas kaya napaatras ako pero nang makarating siya sa tapat ng pintuan,lumingon siya sakin na para bang kanina niya pa alam na nandoon ako. Ganun kaya yun? Tsk.

"And you....... shut up Marcus!" Sabi niya sakin at naglakad na papalayo. Kung hindi ako nagkakamali si JV yun - classmate ni Andie. Ano bang narinig ko? Murahan nila? Hindi ko maintindihan!                                                   

Sumunod na nakita kong lumabas ay si Andie na luhaan. Si Andie na mayroong gulat na gulat ng mukha nung nakita niya ko. Anong mali sa mundo ngayon? Ang gulo gulo kasi eh.

“Sht naman Dyllan!” lumapit siya sakin.

“A-a-andie. Wala ako narinig. Napadaan lang talaga ako” paliwanang ko.Onti lie lang naman eh. Wala naman kasi talaga akong naintindihan diba?

Pero may narinig ka.

“Yan naman sinasabi ng lahat eh! WALA SILANG NARINIG. Pero yung totoo, narinig nila LAHAT! Ganyan naman lahat ng tao eh,they beat you behind your back. Pustahan tayo bukas,kalat na to! Lagi naming ganun eh! Will  life ever change?! Alam mo, akala ko it would be good when I met you pero hindi pa rin pala iba! God! I’m so stupid for letting this happen to me!” sabay ng pagpatak ng luha niya ay sama rin ng loob ko dahil sa masasakit na salita niya.

Mary Andrea Alexis Santiago’s perspective

“Grabe naman Andie. When will you ever learn to trust people? Hindi ba pwedeng pag sinabi kong wala akong narinig, wala talaga?” bumabagsak pa rin ang luha ko. I was afraid this would happen.

Fangirl meets FanboyWhere stories live. Discover now