Nang makalabas ako ng store ng Chatime,nakita ko agad ang isang dress! Napakaganda naman nito! Simple lang. Isang black na tube dress na may design na flowers. May beads at glitters ang flowers na design. Pumasok ako sa loob ng stall. Di ako nagdalawang isip,tinawag ko ang saleslady at humingi ng size para sa dress na nasa mannequin.
"Ay sorry ma'am! Wala na po kasi kaming small para sa ganito."
Nakakalungkot naman.
"Ay sige. Salamat na lang." .
Lumabas na ako ng stall. Sinisipsip ko ang Choco Mousse na binili ko. Haayst. San naman kaya ako sunod?
Lakad.. lakad...lakad...tingin sa cellphone...
Nanlaki ang mata ko nang makita ko na may 13 missed calls ako!
Shiznit.
Bago ko pa man makita ang caller, *BOOOGOSH!* tinulak ako at ito ang nagtrigger para mapaupo ako sa sahig. Hindi basta basta ang pagkakatulak sakin, parang sinadya! Jusko naman! Ang malas naman ng araw ko!
"Sorry Miss." , sambit ng nakabangga sakin.
Napaka-cold ng pagkasabi niya. Aba! Masakit ha parang wala lang sakanya na nakabunggo siya. Iniabot niya sakin ang kamay niya at itinayo ako. Nang makatayo ako ay pinagpag ko ang damit ko. Arghhh.
"Hindi ka kasi natingin sa dinadaanan mo",bulong ko.
Nang makita ko ang mukha ng lalaki,napasigaw ako.
"IKAW?!"
Pero parang hindi na siya nagulat,nananadya ba to?!
"NANANADYA KA BA?",sigaw ko.Agh.
Hindi na siya nagsalita.
Lumakad na ulit ako pero wala pang tatlong hakbang,may humigit sa kamay ko.May balak ba talagang mabugbog ang katawan ko? Pati paghigit ng kamay ko may force. Hayst!
"Helloooo",sabi ng lalaking humigit ng kamay ko.
Kung kanina ay mukhang cold na cold ang boses niya,ngayon masiglang masigla naman!
Wow! Mood swings lang? Hehe!
"Hi?",nagtatakang sabi ko.
Eh hindi ko naman kasi to kilala. Pero alam kong siya yung kasama nung dalaga kanina sa mallshow! Tama! Siya yun eh.
"Helloooo Miss",bati niya muli.
Wala akong nasabi kasi namind blocked ako sa paghigit niya ng kamay ko,masakit kasi eh! Tinignan ko kung may sugat o ewan.
"Oy miss! Bingi ka ba?" , sabi ni niya. "Sayang ang ganda mo pa naman...bingi lang.",dagdag pa niya.
Bumalik na ko sa sarili ko. Ano? Ako? Bingi? Langya to ah! Di pa rin siya nawawala sa harap ko.Tila may isang ano-ba-to face na nakatutok sakin.
"Sino ka ba?" ,unang bigkas ko sakanya. Napangiti siya sa akin. Naks naman! Ang ganda ng smile niya! Nakakasilaw namaaaan.
"Sa wakas." ,bulong niya. "Ano may sinasabi ka?" ,sagot ko. "Ah -Eh wala! Hehe", napakamot siya ng ulo.
"I'm Marcus Dylann Buenaventura,but you can call me Marcus--Marc na lang.",inabot niya ang kamay niya na tila humihingi ng isang handshake.
"Okay." ,tipid na sagot ko.
"Oh ikaw naman??",sabi niya sakin.
"Ako? Magpapakilala sayo?",sagot ko na may pagkamataray.
Sorry but to a stranger? To a cute strangeeeer?
"Uhuuuh" ,tumango siya.
"Eh may atraso ka pa nga sakin eh!",laban ko. "Ikaw ang bumatok sakin diba?",dagdag ko.
"Ah! Sorry ha,gusto ko lang naman magpakilala nun sayo",napakamot siya muli ng ulo at tila nahihiyang sumagot.
"Well,Mary Andrea Alexis Santiago.",iniabot ko na ang kamay ko at nakipag handshake. "Andie in short",dagdag ko pa.
"Ah! Nice.",reaction niya. "So friends na tayo,Andie?",tanong niya sa akin. Tumango na lang ako.
"Tara! Lakad lakad muna tayo.", sinabi niya ito sakin ng may excitement sa mukha niya. Um-oo na lang ako. Wala na rin naman kasi akong gagawin. Habang naglalakad kami ay nagsalita siya.
"Nakita kita kanina sa mallshow.", pagbabasag niya sa katahimikang namamagitan samin.
"O tapos?",I coldly answered his questions.
"Fan ka ba?"
"Uhhhhm.",napatungo lang ako.

YOU ARE READING
Fangirl meets Fanboy
Teen FictionIsa ka rin ba sa nauubusan ng boses tuwing may concert at malltour ang paborito mong artista? Ikaw ba yung tipong kaylangan mong maakap ang mga artista para makuntento o yung pwede na kahit makita lang? Isa ba sa dalhin ng malaki at mabigat mong eye...