Catching up with her

0 0 0
                                    

Mark's POV:

Nakaupo ako ngayon sa bench malapit sa halamanan ng simbahan. I looked at my wrist watch, 10 minutes na lang magsstart na ang mass. Si Jean talaga o hindi pa rin nagbabago parang yung nararamdaman ko para sa kanya, mahal ko pa rin siya. Kinuha ko ang phone ko at tinext siya habang tinatap-tap ko ang kanang paa ko.

Someone misses you, open your message, biglang tumunog ang cellphone ko.

"Sorry, andito na ako" napa-angat ako ng ulo at ginawi ang tingin ko sa gate ng simbahan. Nakita ko siyang naglalakad, nagslow motion ang mundo ko. She's walking down the pace wearing this white tee shirt, faded jean, pair of black rubber shoes and a sling bag on her shoulder while her braided hair rest on right shoulder. Ginala naman ang tingin niya at lumapit siya sa akin.

"Gosh, I made it. Akala ko di ako aabot"

Pinagmamasdan ko lang siya, hindi na ako nakasagot sa sinasabi niya. My eyes are pinned on her.

"Mark, nakikinig ka ba? Hey" tapik niya ako sa balikat ko

"O-oo, tara na pasok na tayo" aya ko sa kanya. Naglakad naman siya papasok at nagkuskos kami ng holy water at nag sign of the cross. Maya-maya lang nag-umpisa na ang misa.

***
"Ngayon sama-sama nating gunitain ang turo ng Amang Diyos" ani ng pari. Naalala ko ang naturan ni Arianne kanina, "Ama namin na this". Ito pala ang tinutukoy niya holding hands. Napatingin ako sa side ko nakataas na pala ang kamay niya parang nahiya ako bigla. Pinikit ko na lang ang mata ko at hinawakan ang kamay ni Jean at sumabay sa pag-awit ng mga madla. 
Hindi po ako dumadamoves or nanamantala ng pagkakataon, ginawa ko lang naman kung ano ang tama.

Natapos din ang banal na misa, nasa labas na kami ni Jean nag-aya siya na bumili ng shawarma. Nagugutom na naman si Ms. Taba.

"Bilisan mong maglakad Mark, nagugutom na ako"

Napangisi naman ako sa kanya,

"Ayan na po, ikaw talaga ang takaw takaw mo" humarap naman siya sa akin at biglang nagpout. She's really cute when she's doing it. I'm really happy for having this time with her. Antagal ko rin siyang hindi nakasama. Kaya susulitin ko ang gabing ito.

"Manong dalawang order nga po" saad niya sa tindero ng shawarma. Pinapanood niya kung paano pineprepare ni kuya yung shawarma. Nagpunta muna ako sa pwesto ng nagbebenta ng shake.

"Ate isa nga pong double dutch at cookies and cream" iniabot ko na yjng bayad at maya-maya lang binigay na ni ate yung inorder ko. Paglingon ko naman saktong tapos na rin yung shawarma at hawak-hawak na ni Jean. Nagpalinga-linga naman siya hinahanap niya ako. Binilisan ko naman ang paglakad at nakita rin niya ako kaagad.

"Here" pag-abot ko sa kanya ng shake at iniabot naman niya yung isang shawarma. Pumwesto kami sa may bench na nakapalibot sa mga food stall para makakain.

"Hindi ka naman talaga gutom e ano" puna ko sa kanya

"Che, naawa na ako sa mga alaga ko nagugutom na sila" sabay hawak sa tiyan niya. Napatawa naman ako ng mahina sa ginawa niya. Sa pagkagat ko ng shawarma ko napansin kong may natirang sauce sa may bandang labi niya. Kinuha ko yung panyo ko at tinupi ng pa-triangle at inilapat sa labi niya. Napapitlag siya sa ginawa ko at napahawak sa kamay ko. A moment of silence at nagtama ang aming mga mata.

"Sorry may dumi kase" utal na sabi ko, tinuon naman niya ang atensyon niya sa shake niya.

"Thank you" at sumipsip ulit sa iniinom niya. Napayuko ako at tinignan yung parte nung panyo ko na dumapo sa labi ni Jean. Damn. Ano iniisip ko, ibinalik ko na lang ulit ito sa bulsa.

"Ah Jean, nga pala saan mo gusto pumunta after dito?" pag-iiba ko ng topic

Napaangat naman siya ng ulo, "hmm, sa Eros Park" saad niya. Tinapos na namin yung pagkain tsaka na kami naghanap ng masasakyan pauwing village.

***
"Mark bilisan mo, punta tayo dun o" turo niya sa mga tao malapit sa fountain. Napakunot naman ako ng noo, anong meron dun nagppraktis ba mga yun?
Hinigit naman niya ang kamay ko at nagmadaling naglakad. Pumwesto kami hindi kalayuan sa kanila.

"Oh my, ang sweet naman nila" sabay hampas niya sa akin. Napahimas naman ako sa balikat ko napalakas yung hampas niya. Ganito siya pag kinikilig may pagkasadista.

Hindi ko alam kung anong meron pero it's like there's someone proposing. Napansin ko kase n may kasama silang dalawang medyo may katandaan na mag-asawa.

"Ang sweet talaga nila, naiinggit ako" usal niya habang naka pout. Maya-maya nilabas niya ang kanyang cellphone pinicturan niya sila, hindi pa nakontento vinideohan pa niya. Pinabayaan ko naman siya tutal masaya naman siya.

"Time will come ako naman anf magpapakilig sayo at yayain kita magpakasal" bulong ko

"Ano yun? May sinasabi ka ba Mark?" tanong niya habang nagvi-video siya.

"Wala, wala sabi ko kinikilig ka talaga" palusot ko.

Huminto bigla siya sa pagvivideo nakita kong biglang nag-iba yung ekspresyon ng mukha niya.

"O anyare sa powers mo para yatang bumaba?" tanong ko sa kanya

"Wala nainggit lang ako" at binigyan niya ako ng malungkot na ngiti

"Wag ka nga mainggit, papakiligin na lang kita" biro ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin, "ikaw papakiligin ako? Mr. Lampa puro ka nga kalokohan e lagi mo pa ako inaasar" medyo nasaktan ako don, kalokohan. That's my stupid idea but that's how I show I love you.

Nagsisialis na yung mga ibang tao pero yung dalawang magkasintahan umupo muna dun sa mini stage. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ng kasama ko at nag-ayang lumapit doon sa dalawa. Agad naman kaming napansin nung mag bf-gf.

"Hi" bati ni Jean sa kanila, "Hello" sagot naman nung babae.

"I know na umeksena kami bigla sa harapan niyo pero ang sweet niyo kase kaya di ko napigilan lumapit" eksplika ni Jean, napatawa naman ng mahina yung babae.

"Congrats pala para sa engagement niyo" pag abot ng kamay ni Jean para makipag shake hands. Nagkatinginan naman yung dalawa, "Thank you pero hindi pa namin engagement, monthsary lang namin ng boyfriend ko" saad ng babae. Napatakip naman ng bibig si Jean, "Sorry akala ko nagpropose siya sayo"

"Soon, magkakatotoo yang proposal na sinasabi mo miss" sabat nung lalake. Hinampas naman nung babae yung lalake sa dibdib.

"Baby A naman e may pahabol ka pa talagang pampakilig a"

"Ang swerte mo miss, sweet at gwapo pa yung boyfriend mo. Bagay na bagay kayo"

"No, ako yung swerte sa kanya" sabay ngiti sa amin. "Kayo rin naman a, bagay din kayo" turo sa aming dalawa. Tama ang naturan mo miss bagay na bagay nga kami ng baby Taba ko. Napaubo naman si Jean, "Magkaibigan lang kami ni Mark" paliwanag niya. Arayy..

"I thought mag boyfriend-girlfriend kayo. By the way, I am Mandy and this is my boyfriend Alexis" pakilala niya

"Ako naman si Jean at si Mark kaibigan ko" at nagshake hands kaming apat

"Nice meeting you" usal ni Alexis.

"Pwede bang makipag groupie sa inyo?" tanong ni Jean. Hala si Jean talaga o, napayuko at minasahe ko ang noo ko gamit ang kanang kamay ko

"Sure" pagpapaunlak ni Mandy. Ayun nagpicturan nga kaming apat. Nakipag selfie pa siya kay Mandy.

"Paano mauna na kami, nice meeting you hope we'll be friend" paalam ni Mandy

"Nice meeting you too, yes we can be friends" sagot ni Jean. Nilapitan ni Mandy si Jean at may sinabi siya, hindi ko naintindihan medyo pabulong na rin kase yung pagkakasabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Ako na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon