She's my Ms. Taba alone

0 0 0
                                    

Mark's POV:

*Blaggg*

*Pok*

Aray ko. Nahulog ako sa kama ng di ko nalalaman, nanaginip pala ako.

Ginala ko ang paningin ko ng mahagip ng mata ko ang orasan.

Umaga na pala. Trabaho na naman. Tuluyan na akong bumangon at dumiretso sa banyo.

Habang naghihilamos ako ng mukha, napansin ko yung pasa ko sa kaliwang panga ko.

Napatawa na lang ako ng mahina. Nalasing ako kagabi at worst nahimatay pa. Poor me.

Dinama ko ang bawat lagasgas ng tubig mula sa shower. Ang sarap maligo pah may hang over ka.

Tinapat ko ang mukha ko sa shower, napapikit ako at bigla kong naisip si Jean.

Sinuntok ko ang pader, wala na ba talaga akong lugar para sa kanya.

Yung sandaling yun --- hindi ano ba 'tong iniisip ko.

Napasabunot ako sa buhok ko. Ang aga-aga ano 'tong kadramahan iniisip ko.

Hahayaan ko na muna ang lahat. Bahala na ang panahon ang magdikta.

Pinatay ko na ang shower, nagpatuyo na ako ng buhok at katawan.

Nagbihis ako tsaka na bumaba para mag almusal.

Kape. Kape ang kailangan ko ngayon. Isang matapang na kape na kayang labanan ang kahibangan ko.

Para akong lutang, pabalik-balik ang tagpong yun sa utak ko.

*pak* tunog ng tapik sa may balikat ko, nabalik ako sa ulirat ko.

"Ayos ka lang ba anak?" Si mama pala

Umupo siya sa tabi ko.

"Opo ma, ayos lang ako. May iniisip lang"

Pi-nat ako sa ulo ni mama at medyo ginulo ang buhok ko.

"O ano na naman nangyari dyan sa mukha mo"

"Wala lang po yan ma"

"Haayy, the last time na narinig ko yan nakipag away ka kay Stephen. This time sino na naman ang nakaaway mo?"

"Just stranger ma, I'm okay ma di naman po malala yung tama. I can still bear the pain. And I will for her"

Niyakap ako ni mama, alam ko kahit di magsalita si mama naiintindihan ko kung ano ang ibig niyang iparating.

This warm hug, I can feel the love and her care for his child.

Ilang saglit lang kumalas na si mama sa pagkakayakap sa akin.

"Just sit there, I'll make you some sandwiches"

"Thanks ma"

Pinanood ko si mama habang may ginagawa siya.

How blessed I am for having mom in our life.

"O kain na anak"

Kumuha ako ng sandwich na gawa ni mama at sinimulang kainin.

"O baunin mo na rin ang mga 'to"

***
Pagkatapos kong kumain nag toothbrush lang ako at nagpaalam ng umalis kay mama.

Mapapalaban na naman ako sa pagco-commute.

Lumakad na muna ako palabas ng village tutal maaga pa naman at malapit lang sa main gate sa phase namin.

Makaraan lang ang ilang minuto nasa mau highway na ako. Sakto may dyip na pumarada na dadaan sa company.

Nagbayad na muna ako at pumwesto sa likuran ng drayber, iidlip muna may kahabaan naman ang byahe.

Sana Ako na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon