No more another chance

0 0 0
                                    

Jean's POV:

Nalingat ako, nakatulog pala ako pagkakita ko sa oras sa wall clock sa kwarto ko.

Napabalikwas ako, oh my maghahapunan na pala.
Tumakbo ako diretso sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin.

After 45 minutes natapos ako. Nakaharap ako sa salamin. Pinagmasdan ko ng maigi ang sarili ko.
Maganda ba talaga ako? tanong ko sa sarili ko.

Napahawak ako sa pisngi ko.
"Ano bang klaseng tanong yan. Papatayin ko ang nagsabing panget ka."
Napangiti ako bigla sa pagkakaalala sa mga binitawang salita ni Mark.
Baliw talaga yun. Laking pasalamat ko at nandun yung mokong na yun.
Bumaba na ako para makakain na.
Sakto naman kakarating ni papa galing trabaho. Yep kahit na sabado may pasok si papa.
I slowly run to him and kiss him at his cheek.

"Good evening papa"

"Same here darling"

Kinuha ko yung bitbit ni papa at nilagay dun sa study room niya malapit sa may sala.

Nakita ko naman kiniss ni papa si mama. Napapangiti talaga ako sa tuwing nakikita ko sila ng ganito.
Ang saya na kumpleto ang pamilya mo.

"O sweetie halika ka at kakain na tayo"

"opo nay, andyan na"
Lumakad na ako papalit sa hapag kainan.
As always before we eat, we pray and thanks first.

"O anak bakit ka pala di umuwi kagabi?" tanong ni papa

"napasarap lang po yung pag momovie marathon namin nina bryan pa"

"Oh ganun ba, sa susunod magpasabi ka kaagad a." dugtong ni papa

"Opo pa." I smiled a little one.
Napakagat naman sa index finger ko at napaharap kay mama.

Yes, I lied and my mom knows. Hindi ko lang alam kung ano pinag-usapan nila tita kanina habang tulog ako.

"O anak para yatang di mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ni mama

"Hindi po ma, may naalala lang po"
At kumain na kami hanggang sa matapos. Syempre nagpasalamat ulit.

Nauna na akong umakyat sa kwarto ko. Bigla kong naalala yung phone ko.
Kinalkal ko yung damit ko sa laundry basket ko para hanapin yung phone ko.
Eureka!

I tried to open it pero deadbatt yata. Chinarge ko na muna ng pwede ng i-on, binuksan ko ng makita ko napatakip ako ng bibig.

What is this? Almost 500 texts from a single person at galing lahat yun kay S-Stephen.

Hindi na ako nag-abalang basahin mga yun. I deleted all of them kahit pa yung dati naming convo. It has no sense naman.

Ginago niya ako. Akala ko iba siya, akala ko tama ako sa pagpili ko sa kanya. Akala ko matino siya. Akala kilala ko na talaga siya. Hindi pala. Mali ako, ang tanga ko.
Napapa-iyak na ako pero pinigilan ko.
May iba pa palang nagtext, si Bryan.

"Uyy iyakin, ayos ka na ba?"
Sows, mokong na 'to. Akala mo talaga kung sinong makapag salita na IYAKIN.
I reply,

"Oo ayos na ako. Salamat. At FYI lang hindi ako iyakin. If I know ikaw ang iyakin. Mr.Lampa. Bleehhh."

*message tone*

"Aba Aba mukhang ayos na si Ms.Taba a. Nang-aasar na siya o."

"Chee. Ikaw yung mapang-asar e. "

"Hala. Umiyak na siya. Sorry na prinsesa."

Loko talaga 'to, Prinsesa raw? Aytsss. Bakit ba kinikilig ako pag tinatawag akong prinsesa. hahaha

Sana Ako na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon