The Confrontation

0 0 0
                                    

Part III

Pabaling baling lang ako sa kama ko. Hindi ako makatulog ng maayos. Iniisip ko pa rin ang nangyari kay Jean. Naiinis at nagagalit pa rin ako. Gusto kong basagin ang pagmumukha ng unggoy na yun. Haayyy.
Ayoko ko talagang nakikitang nasasaktan at umiiyak si Jean. Kung ako na lang sana. Kung ako na lang ang mahal niya. Di sana masaya maiiwasan kong makita siyang nahihirapan.

Bumangon nako, mag jo-jogging na lang ako sa Eros Park. Sumilip muna ako sa kabilang kwarto kung saan natutulog si Jean. Ang ganda niya talagang pagmasdan.

Habang tinitignan ko siya mula sa may pintuan, may biglang nagsalita sa may likuran ko.

"O baka matunaw yan."

Si mama pala. Sinara ko na ang pinto.

Tumahimik lang ako. Alam naman ni mama na may pagtingin ako kay Jean. Noon pa man.

"O magjo-jogging ka baby ."

"Opo mama. Mama naman e, matanda nako para tawaging baby boy."
"Ano ka ba Mark, you're still my one and only baby boy. Kahit pa anong sabihin mo."
"Sige na po mama, aalis nako. Pakisabi na lang po kay Jean na umalis ako pag nagising na siya. Kayo na po ang bahala sa..."
Biglang pinutol ni mama ang sasabihin ko.
"sa prinsesa mo. Alam ko na yan baby boy. Ako na bahala kay Jean. Alam mo namang number one supporter mo ako."
I smiled.
"Thank you mama." And I kissed her sa cheek.
***
Ang ganda talaga dito sa Eros Park. Mahangin. Mapuno.

Nag-iikot na ako. May nakasalubong din akong mga dati kong kaklase sa pag jo-jogging ko. Naka ilang ikot na rin ako nang mahagip ko ang pagmumukha ng isang unggoy.

Nilagpasan ko lang siya. Pero di ko alam sumunod pala siya.

"Mark. Si Jean. Alam mo ba kung nasan siya."

"Hindi ko alam. At kung alam ko man. Hindi ko rin sasabihin sayo." Sinambit ko sa seryosong tono at diretso.

"Bro, alam ko walang akong karapatan para magtanong pero, nagkausap na ba kayo ni Jean. Kamusta siya, ayos lang ba siya."

"Buti alam mong wala kang karapatan at tangina lang. Tatanungin mo ba talaga sakin kung okay lang siya. Tanga ka ba, matapos mong ipagpalit at saktan siya. May lakas ka pang itanong sakin yan. Mahiya ka naman."

"Oo alam kong mali ako at nasaktan ko siya. Pero... pero mahal ko pa siya."

Bigla akong huminto sa pagtakbo at nilingon ko siya.

"Wala ka na ba talaga sa katinuan mo. Mahal?"

I laughed in full of sarcasm.

"Mahal mo ang mukha mo. Wala kang karapatan para sabihin yan. Wala ka nang karapatan sa kanya magmula nung ginago mo at saktan siya."

"So anong ang ibig mong sabihin. Ikaw ang tama. Sana ikaw na lang ang minahal niya. Na ikaw ang nararapat sa kanya. E hindi ka nga mahal di ba."

"Oo di nga ako napansin noon ni Jean at kahit ngayon pero sa susunod na araw o sa makalawa. Kakainin mo ang sinasabi mo Stephen."

At bumalik nako sa pagtakbo. Bigla niya akong hinila pabalik. At nakatanggap ng isang suntok sa mukha.

"Tangina ka a. Ano bang problema mo a."

"Ikaw. Ikaw ang problema ko Mark. Kahit noon pa. Panira ka e."

"At ako pa ang panira ngayon a."

At gumanti ako ng isang suntok. At nagpalitan kami ng ilang pang mga suntok.

May umawat lang samin na mga tao. Kaya kami natigil sa pag susuntukan.

"Hindi pa tayo tapos Mark."

Umupo muna ako sa sa isang bench. Para magpahinga at punasan yung dugo sa labi ko.

Hintayin mo lang ang araw na yun Stephen. Mamahalin rin ako ni Jean. Bulong ko sa hangin.

Sa pagtingin tingin ko sa malayo, may batang nadapa di kalayuan sa lugar ko at nahulog yung ice cream na hawak niya.

Nilapitan ko siya, habang tinatayo ko siya, naalala ko ang nakalipas.

"Shss. Tama na bata."

"Waahhh kuya. Yung ice cream ko." Sabay turo sa ice cream niyang nasa lupa.

"Tama na. Wag ka na umiyak. Bibili na lang kita ng bago."

At huminto rin siya sa pag-iyak. Lumapit kami kay manong nagtitinda ng ice cream. Kuya dalawang chocolate ice cream nga po.

Bumalik na kami sa kinauupuan ko kanina. At kumain ng ice cream.

"Mama. Sabay lapit sa tinatawag niyang mama."

"Kuya salamat po sa ice cream. Hihi." At nagba-bye na siya.

Napangiti ako. It really brings back my old memories.

Dito sa Eros Park na'to. Dito nag-umpisa ang lahat. Dito ako unang nilapitan ng isang babae para itayo sa pagkakadapa ko.

At binilhan ako ng ice cream. Ang saya ng araw na yon. Na nakilala ko ang isang Jean Dela Fuente.

Para akong baliw dito na na ngiti ngiti.

Tumayo na ako at nagpasyang umuwi na.

Sana Ako na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon