CHAPTER 35: LITTLE by LITTLE..

63.4K 912 208
                                    

CHAPTER 36: LITTLE by LITTLE..

TWAYLEM

Ito na yung lugar, nasaan na yung mga kulangot na ayun?! Nako! Nako! Pag naman nakita ko talaga yung babaeng tumawag na yun!

KAKALBUHIN KO SIYA UP AND DOWN! Hindi naman siguro masyadong obvious na na-high-high blood na ako sa mga oras na toh.

*Tutut*

'pumasok ka sa may warehouse. Nandito si Tao.'

''Talagang papasok ako!''

nag madali akong pumasok sa warehouse, at ...

''NASAAN SI TAO?'' tumingin-tingin ako sa paligid at wala akong nakitang Shuji Yoshida dun. Suddenly may lumabas na isang lalake. Hindi ko makita yung pag mumukha niya dahil naka takip ang mukha nito. Siguro pangit kaya naka takip yung mukha niya.

''SINO KA?! At nasaan si Tao?!'' sigaw ko dito, pero bago paman ako naka lapit sakanya, may dalawa pang lalaking lumapit sa akin.

Hawak-hawak nila ako sa mag kabilang braso, dahilan para hindi ako makagalaw.

''Saan niyo dinala si Tao!?! Anong ginawa ninyo sakanya?!!'' lumapit sa akin yung unang lalaking lumabas..

Sinampal niya muna ako ng pagkalakas lakas bago ito nag salita. Hinila niya yung buhok ko, yung parang naka sabunot siya sa akin.

''Si Tao? nasa mabuting kalagayan siya. At wala kaming balak na saktan siya, dahil IKAW ang punterya namin.''

Hinawakan niya ang leeg ko, at dahan dahan niyang hinigpitan ang pag kakahawak dito.

''hiwalayan mo siya kung gusto mo pang mabuhay.''

''AT BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YON?! AT SINO KAYO PARA DIKTAHAN AKO?!''

''sige, mag matigas ka.''

''MAG MAMATIGAS TALAGA AK----'' hindi ko natuloy ang sasabihin ko, dahil napa hawak ako sa sikmura ko.

Napaluhod ako sa sobrang lakas ng pag kaka suntok niya sa tsan ko.

''Bibigyan kita ng rason para hiwalayan mo siya. Wala ng magulang si Tao, pinaslang ang mga ito sa harapan niya.'' diba may magulang siya? Anong pinag sasabi ng gagong to?!?!

''Lumaapit siya sa kaibigan na Yakuza ng ama niya, at doon tinuruan kami kung paano pumaslang ng kapwa namin tao..''

Ibig sabihin, isang Yakuza si....

Tao?

''At kaya lang siya pumunta ng Pilipinas dahil handa na siya. May sapat na kalaman na rin kasi ito kung paano pumaslang ng tao.'' sa bawat salita na binibitawan ng lalaking ito, ay para bang unti-unti akong naka ramdam ng takot.

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon