CHAPTER 37:GOODBYE

63.7K 1K 352
                                    

CHAPTER 37:GOODBYE TWAYLEM

Tinawagan ko si Shin, Kay, Friso at Darth, gusto ko kasing mawala yung stress na nararamdaman ko.. Kahit temporary lang.

''Hoy, hindi tubig yang tinitira mo.'' pag aawat sa akin ni Friso habang kumain ito ng mr.chips.. Medyo tipsy na kase ako.

''Hinay hinay dre..'' kinuha naman ni Kay yung baso sa akin.

''Gusto mo, para mawala yang bigat sa dibdib mo.. Palit muna tayo ng dibdib?? Pahihiramin kita ng sakin.'' pag aalok naman ni Kay.

''O kaya naman gusto mo Tway, ligawan kita.. O kaya si Shin yung manligaw sayo..'' dagdag pa ni Darth.

''Huwag na.. Hindi naman kayo si Tao.. Si Tao lang yung gusto ko.." ngumisi lang silang lahat.

''Si Tao pa rin yung gusto mo? Kahit na pinag tatabuyan ka na niya??'' napa look down ako.

''Kahit naman ipag tabuyan at sabihan niya ako ng masasakit na salita.. Siya pa rin yung gusto ko.'' inagaw ko yung bote ng alak kay Frisso, at inistraight yun.

"Nako, mga kabataan ngayon! Pag na bro-broken hearted alak agad yung tinotoma.. May magagawa ba yang pag lalasing mo sa problema mo? Masasagot ba ng alak yung problema mo? Hindi naman diba?" sabi ni Darth,

"Pakiramdam ko kase, pag umiinom ako ng alak pag may problema ako... pakiramdam ko kahit sandali namamanhid ako. Wala akong nararamdaman..nababawasan yung sakit." nginitian ko si Darth. Yung ngiting puno ng mixed emotions.

''Thank you ha? Kase.. Kayo lang yung matatakbuhan ko sa mga oras na toh. Wala kase akong permanteng kaibigan. Kung hindi ako yung nang iiwan, sila yung nang iiwan sa akin..''

''Siguro may mga bagay lang talaga sa mundo na, minsan inaakala mong para sayo. Yun dumating lang sila para pasayahin ka panandali. Tapos mabilis ding aalis.'' may point si Darth dun.

Pero, kung hindi pala sila magiging permanente.. Bakit ko pa sila nakilala?

Para paasahin ako? Ang sakit naman 'nun! T__T

''Akala ko ba matatag ka? Anong nang yayare sayo?? Nagiging weakling ka na ba Twaylem?'' sabi ni Kay.

''Nasaan na yung Twaylem na matapang? Nawala na ba??'' dagdag pa ni Frisso.

Tinignan ko lang ang mga ito, at nginitian.

''Yung puno diba, matatag? Kung hindi mo puputulin hindi babagsak. Sipain mo man, mag pako ka man ng mga tarpaulin o banners, okay pa rin siya. Nakatayo pa din siya, yun nga lang may sugat.. Pero Matatag pa rin kahit papaano diba?'' habang nag sasalita ako, may namumuo nanamang luha sa mga mata ko.

''Yung puno? Once na tinamaan ng matinding bagyo, kahit gaano siya katatag.. Minsan hindi na kinakaya.. Kaya bumabagsak na..'' sa bawat pag pikit ko kasabay ang pag bagsak ng luha ko.

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon