CHAPTER 39 pt.2
TWAYLEM ♥
Pag katapos akong komprontahin ni kuya uno. Nag madali akong nag tungo sa bahay nila Yoshida, kahit napaka lakas ng ulan.
''Yoshida!!'' tuloy-tuloy na pag doorbell ko sa bahay nila. Kailangan niyang malaman ng maaga yung totoo. Kailangan niyang malaman ng ora mismo.
Dahil baka ituloy niya ang ibinabalak niya.
''TAO!! MAG USAP TAYO!! Yoshida!! Ano ba! Tao! Lumabas kana diyan! May sasabihin ako sayo!!!!!'' sigaw ko habang kinakatok ko ng pagkalakas-lakas yung gate nila.
''Yoshidaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!.....''
''Sakto yung dating mo Twaylem. Tamang tama..''
Natigilan ako sa pag katok sa gate nila Tao ng biglang nag salita si Shin. At lumapit sa akin.
''Wala si Tao diyan.. Hindi na siya diyan tumutuloy.'' Medyo iba yung tono ng boses niya, yung tono na parang may gustong ipahiwatig.
''Nasaan siya? Alam mo ba kung nasaan siya??'' tanong ko dito.
''Oo, alam ko kung nasaan siya. Sakto nga yung pag dating mo e.'' nginitian niya ako.. At dahan dahan na lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.
''Tara, sumama ka sa akin. Pinapasundo ka niya.'' bigla akong nakaramdam ng matinding kaba ng ngitian niya ako. Pero si Shin toh. Pinag kakatiwaalan ko ang taong ito, kaya kahit kinakabahan na ako.
sasama ako sakanya.
Pag ka sakay na pag kasakay ko palang sa kotse niya, iba yung pakiramdam. Parang may hindi tama..
''Shin.. Saan tayo pupunta??'' ngumiti lang ito, at binilisan ang pag mamaneho sa sasakyan niya.
"SA LUGAR KUNG SAAN MAKIKITA MO ANG MGA SAGOT SA MGA KATANUNGAN MO"
SA ISANG ABANDONADONG GUSALI, doon kami napadpad.
Nakita ko dun si Tao. Nakatayo, at naka yuko. At halata ditto na may hinihintay siya..
''Yoshida....''
Nang akmang tatakbo ako papalapit sakanya.. Natigilan ako dahil tinutukan niya ako ng patalim.
''Subukan mo akong hawakan at hindi ako mag dadalawang isip na ibaon 'to sa katawan mo''
''Tao, may kailangan kang malaman.. Kaya makinig ka..'' maluha-luha kong sabi sakanya.. habang sinusubukan kong huwag matakot sakanya... dahil mali itong ginagawa niya..
''Wala akong dapat marinig mula sayo.. Dahil lahat ng kasinungalingan mo di na uubra sa akin.'' galit na galit ito.