4

4 0 0
                                    

KAKATAPOS lang ng weekend, at sobrang nakakabitin. Sunday lang kasi talaga ang wala kaming pasok kaya ngayong monday tamad na tamad akong maglakad papuntang PE building, buti nga't PE lang ngayon eh.

"Form your lines." Sabi agad nung instructor namin, pagka-baba namin ng mga gamit namin.

Pumunta na kami sa kanya kanya naming linya, all in all our class formed 7 lines, per group ang pila namin.

As usual nasa harapan ako, at napansin ko rin na humarap din si Koko. Hindi naman kasi kailangang by height and arrangement, palagi lang talaga akong hinaharap ng mga kagroup ko.

"Hi Courtney." Koko greeted me in a nice manner.

"Hi." So I greeted him back. Mabait naman talaga ako sa lahat, huwag lang talaga nila akong pikunin.

"Let's start our warm-up." So as our instructor instructed us what to do, we are just following him.

"For the last stretching, face your partners. The one who are on your sides." He instructed, at dahil nga si Koko ang katabi ko. Siya na ang naging pair ko. He smiled at me and I just smiled back.

"For the person on my right, you raise your right hand for your partner to reach and kick it. 8 kicks on the right and 8 on the left." He instructed. Koko is the one who is in our instructor's right side, kaya siya ang mauunang mag-angat ng kamay kaya ako ang unang sisipa.

"Ganto Courtney?" Nang-aasar na sabi niya at ibinaba pa ng sobra yung kamay niya. It is just leveled just below my hips. I rolled my eyes at him.

"Napakamapanlait neto." Sabi ko sakanya. 4'9" lang kasi ako at siya naman ay 5'7".

"Mama Coco and Papa Koko again." Pang-aasar ng mga kagrupo namin, pero di ko nalang sila pinansin.

"Eh ganito?" He asked while smirking at inangat lang hanggang sa may tapat ng bewang ko yung kamay niya.

"Tse!! Napaka-OA. Dito kasi." I said at ako na ang nag-angat ng kamay niya hanggang sa may level ng noo ko. Buti nalang at abot ko.

I started kicking up until his hands and after me, siya naman ang sisipa.

"Ang baba." He said with a disappointed face, pero alam ko namang joke lang yon.

"Tsk." Sabi ko at tinaas yung kamay ko hanggang sa kaya ko. Nahalata niya atang naiinis na ako kaya siya na mismo nag-ayos ng kamay ko kung san ako comfortable at hindi mangangalay.

"Sorry." He sincerely said.

"Its okay." I answered. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi ko mapigilan yung sarili kong mahulog sakanya ay dahil sa side niyang yan. He can be the kindest, sincere and adorable if he wants to. Genuine siya na tao, malandi nga lang. Tsk

Nag-start na siyang sumipa kaya di na siya nagsalita.

"So for today, we will practice the form 1 of Taekwondo, and afterwards you will be having your practicuum." He said and started instructing us how to do the demo.

AFTER PE, NCM103 again. Nakakatamad na talaga. Kung pwede nga lang umabsent at umuwi nalang eh.

"I'll continue checking your NCP (nursing care plan) go infront if one pair is already done." He said pagkaupo niya palang.

May nauna ng tumayo kaya naghihintay nalang kami ng pair ko na matapos yung una. Gusto ko na agad matapos ickeck yung samin para petiks na.

"Next." That's our cue, we stood up and walk quickly to our instructor's table. Hindi ko napansin na meron palang nakikipag-unahan samin. Nabangga niya ako at na-out of balance ako, I am expecting myself to fall on the ground when a strong arm suddenly appeared on the side of my hip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon