KURT's POVhindi ko inaasahan ang pag ka panalo ng bakla'ng yun kesa kay ara. Baguhan pa lamang sya pero para'ng madami na ang may tiwala sa kaniya. Pero si Ara ay matagal na sa paarala'ng ito but ni minsan hindi pa sya nananalo. Ako ang nahihirapan sa kalagayan ni ara, alam kong hindi niya iyon tanggap .
Nag init bigla ang aking ulo ng hindi ako pansinin ni ara. Tingin ko ay kahit sakin ay galit sya , pero wala naman akong ginagawa na masama.
Dali-dali kong hinanap ang bugwit na kasama ng bakla na yun at hindi din naman ako nahirapan dahil malapit lang sa may amin ang pwesto nila.
Tuwang -tuwa sila , ang iba ay nag tatawanan at may kasama pang pag apir . Hindi ko sila makita'ng masaya samantalang ang aking mundo na si ara ay parang nagluluksa.
Nilapitan ko si bugwit at hinila paharap saakin.
"Ano? tuwang tuwa na kayo? na kaibigan nyo ang nananalo bilang presidenti ng councilor ng paaralang ito" mariin kong sabi sa kanya haba'ng naka hawak parin sa kanya'ng mga balikat .
Pero hindi man lang nag bago ang itsura nya sa mga sinabi ko "problema mo?" tanong nya na parang antok na antok pa
"Bing----"
"Ha?" putol nya sa sasabihin ko
"Bing---"
"Hakdog" sabi nya kaya lalong nag init ang aking ulo. Para akong sinisindihan mula paa hanggang ulo pvt*a....
"wag mo akong hakdog - hakdogin " banta ko sa kanya na dinuro duro pa .Napansin ko ang pag babago ng ekspresiyon mula sa kaniyang muka . Tinapig nya ang kamay ko na nakahawak sa mga balikat nya dahilan para magulat ako sa inasta nya
"Kung hindi mo alam na ang ayaw ko sa lahat ay dinuduro - duro ako ! pwes ! pinapaalam ko sayo! ano naman ang problema mo sakin ang parang niliyaban yang pag mumukha mo ha? tungkol ba dyan sa butohan na yan" sabi nya at tinuro ang mga taong nasa unahan " Ako ba ang nanalo? ako ba ang pumalit? anlakas ng loob mong sugudin ako ng wala kang sapat na dahilan . Ano'ng pinag mamaktol ng butsi mo? dahil natalo yang kasama mong babae? "
Akmang susuntukin ko na sana siya ng bigla siyang mag salita "Susuntukin mo ko? alam mo ba na ang huling sumuntok sakin ay nasa hospital parin until now? kaya kong di mo alam pinapaalam ko na sayo" ani nya at tinalikodan ako .
Naglakad na siya palayo kasama ang mga kaibigan nya. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit----ang baho ng hininga nya YUCKK!
******************************
ELLENETH's POV
hahaha! kung nakikita lang ni kuya gerald ang pagmumuka ni geraldine ngayon. Sigurado'ng hindi din yun titigil sa kakatawa.
Paano naman ay nakakain si geraldine ng durian candy, HAHAHA ang baho talaga ng hininga nya.Kahit siguro si kurt ay naamoy nya ang hininga ni geraldine kanina. Bigla na lang kumunot ang noo nya te.Hahahah
Flashback
habang nag hahanap ako ng nail cutter ko sa wallet ay napansin kong tulog na tulog si geraldine. Nang may mahawakan akong maliit na bagay sa bag ko ay dali dali ko itong kinuha. At pag hugot ko nito ay -----Durian Candy?
mabilis ko ito'ng binuksan at -- durian nga. YUCKK ang bahoooo. Itatapon ko na sana ito ng bigla'ng napanga-nga si geraldine
! ting !
Binuksan ko ito at dahan dahan kong nilalagay sa labi nya. at ng hindi sya gumagalaw ay tuluyan ng nailagay ko ito sa bunganga nya.
hahaha bahala na si batman sakin mamaya jussmeee..
'END OF FLASHBACK'
Pag tapos ng butohan ay pinauwi na din kami dahil may pag me-meetingan daw ang mga teachers sabi ni sir limbo. Kaya naiisipan na lang namin na umuwi . Dahil din sa kanina pa nag aakit si geraldine umuwi.
Pag dating namin sa bahay ay dali-dali'ng tumakbo si geraldine sa kusina. Hindi ko maiwasang mapa ngiti sa reaksiyon ni geraldine.
Bahagya kong sinilip si geraldine sa kusina at nakita kong nag mumumog na sya ng mouth wash kaya dali dali akong nagtatakbo papunta sa sala at nag panggap na parang walang nangyari.
"Malaman ko lang kung sino ang nag pakain sakin ng lintek na durian candy na yan. Malilintikan talaga saakin" sigaw ni geraldine na naka tayo na sa may pintuan ng kusina habang pinupunasan ng towel ang bibig nya.
Nag patay malisya na lang ako at kumuha ng pancake na nakapatong sa lamesa.
To be continue
BINABASA MO ANG
Crazy Section ( on going )
Teen FictionSa isang paaralan may mag ka klase na maiingay , makulit at baliw .Meron din na puro pag papaganda / gwapo at pag papansin lang sa crush nila . May matatalino at hindi masyadong matalino . Minsan e may nag aawayan dahil nag kakapikunan . Pero ang se...