III

1.6K 77 1
                                    

Jema's POV

Dumiretso agad ako sa kwarto pagkauwi ko. Paglapat pa lang ng likod ko sa kama naglaglagan din ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Bakit s'ya ganun hindi nya ba nakikita na nasasaktan din ako sa nangyayari? Hindi n'ya alam kung gaano ako nagpipigil na kausapin s'ya at bawiin na lang ang mga sinabi ko sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Bakit ba kasi ako masyado nagpapaniwala sa 'Love is Sacrifice' na yan.

Chineck ko ang phone ko at nakitang may tatlong message sa akin si Jia.

Mare pasensya kana kanina di ko talaga alam na s'ya susundo sa akin.
6:12 pm

Dapat pala sinama na kita kanina dito para nabantayan mo jowa mo inom ng inom
7:42

Hoy mare tulog kana?
8:23

30 minutes ago na nung huli n'yang message. Ganun ba talaga ako katagal nagdrama at di ko namalayan ang oras? Agad ko namang tinawagan si Jia buti naman sumagot agad.

"okay lang ba si Deanna?" bungad ko agad sa kanya

"mare wala man lang hello? Kaloka" base sa boses nya alam kong nakainom na rin ba't ba kasi may inumang naganap "but anyways ayun yung jowa mo ang kulit kulit na hahaha" biglang umingay sa background at di ko na naintindihan sinasabi ni Jia. Puro tawanan na lang naririnig ko. This is not good.  Alam ko na mababa tolerance ni Deanna sa alak kinwento nya saken na the first time she got wasted was back in high school pa at after that she swore na di na s'ya uulit.

"Jia" tinry ko kunin ang atensyon nya

"Yeszz?"

"Nakila Bea ba kayo?" sa pagkakaalala ko kasi sinabi ni Deanna na si Bea ang nagpasundo sa kanya kay Jia.

"Yep. You wanna join us?"

Pagkatapos no'n binaba ko na ang tawag since wala na talaga akong naiintindihan sa kausap ko.  Dali dali ako nagpalit at sumakay sa kotse. Ilang beses na din naman ako nakapunta kila Bea dahil sinasama ako ni Deanna dati kaya kabisado ko na ang daan. Almost half an hour din bago ako nakarating kaya bumaba agad ako at nagdoorbell. Nakakahiya it's almost 10 pm na. Lumabas ang isa sa mga katulong nila Bea at ng makilala ako ay agad din akong pinapasok.

"Andun po sila sa may pool ma'am diretso na lang po kayo" pagkatapos nun ay iniwan na ako ni manang. Pumunta na agad ako sa pool area para hanapin ang ipinunta ko.

"Guys! Si Jema oh!" sigaw ni Jules
Nakita ko namang napatingin sila lahat sa akin. Kasama na ang pasaway kong jowa. Yes kine claim ko na di ko naman pupuntahan dito kung di ko babawiin e.

"Ows bakit may outsider dito?" natatawang sabi ni Bea na halatang may tama na rin.

"Akala ko ba overnight 'to? Bakit may sundo yata si Deanna Wong? Hahaha" napatingin naman ako kay Ponggay. "jojoin ka ba samin ate Je or sunduin mo nga' to?" sabay turo sa katabi nya na naka pokerface lang. Natahimik naman ako ano ba sasabihin ko lakas ng loob ko sumugod dito tapos ganito.
Di na ako sumagot at naglakad na lang palalapit sa kanya. Nakakunot ang nuo nya habang nakatingin sa akin sa totoo lang kinakabahan ako parang kakainin ako ng buhay e. Pero kailangan di ako magpaintimidate.

"Tara na" sabay lahad ng kamay ko sa harap nya. Tiningnan nya lang ito.

"What makes you think na sasama ako?" Nakangisi s'ya at parang chinachallege pa ako.

"We need to talk so please sumama kana sa akin" mas inilapit ko pa ang kamay ko kanya
"please?" I can say na she's contemplating kung sasama s'ya o hindi pero sa huli ayun tinanggap din ang kamay ko kaya hinila ko na patayo. Lumapit ako kay Bea na katabi ang teammate ko na ngiting ngiti sa amin "Bei uwi ko na 'to ha?" pagpapaalam ko sa kanya.

"Ano pa ba magagawa ko hawak mo na e hahaha. Sige na ingat ka pagdrive." ginantihan ko lang sya ng ngiti ito namang katabi ko tahimik lang pero hawak n' ya pa rin kamay ko my god. "pahatid na lang kayo kay manang sa may gate di na makatayo e."

"Enjoy Jema!" pahabol pa ni Jia sinamaan ko lang s'ya ng tingin loka loka talaga.

Hanggang sa kotse di pa rin nagsasalita itong sinundo ko pero di bale na sa apartment ko na lang kakausapin. Mabilis lang kami nakauwi since almost midnight na din. Pagkapasok pinaupo ko muna sya sa sofa saka nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Para mahimasmasan naman lalo ako kinakabahan pag tahimik e.
Akala ko ba ang kulit kulit na kaya ko nga sinundo e baka kung sino sinong harutin sa team nya di naman ako aware na seniors lang sila dun.
"Oh inumin mo muna" inabot ko sa kanya ang tinimpla kong kape saka umupo sa tabi nya.
"Thanks, but don't worry di naman ako lasing in fact di naman ako uminom" nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Isa lang ibig sabihin nito. "Ate Jia said that so that we can talk daw properly" hay nako Jia malilintikan ka talaga sa akin pag nagkita tayo.

"Ah sorry nag alala lang naman ako na baka-"

"Baka may kinukulit akong iba?" pagtapos nya sa sasabihin ko. "Look Jessica, I love you at alam ko naman na mahal mo rin ako so bakit mo ginagawang mahirap 'to sa' tin? Can you tell me what exactly the reason bakit ka nakipagbreak" inabot nya ang kamay ko katulad ng ginawa nya nung huling gabing nagkausap kami. "please tell me the truth"

"I'm sorry Deanns sorry kung ang weak ko" Hindi pa ako nagsisimula pero pumapatak na yung luha ko "sorry kung-" She didn't let me finish. Niyakap n'ya ako.

"Shh it's fine. If it's about my father , if it's about what other people's thinking about us wag mo na yun isipin pa." she said habang hinahaplos ang buhok ko lalo ko naman siniksik ang mukha ko sa leeg nya. I miss this. Sobrang namiss ko s'ya.
"B?" she gently call

"Hmm?" hindi ako umalis sa pagkakayakap n'ya.

"I said naman that dalawa tayo dito di'ba? Please sabihin mo muna saken yung problema so we can fix it. Wag mo na ulit gagawin yun."

"Yes I'm sorry ulit." dun na ako kumawala sa pagkakayakap nya at saka hinawakan ang pisnge nya gamit ang dalawang kamay. I made sure that she's looking at me in the eyes "I missed you."

"Mas namiss kita" she planted a kiss on my forehead.

Matagal kami sa ganung posisyon ng biglang may nagsalita sa may hagdanan.

"Ehem! Makikiraan muna ha nakakahiya naman sa inyo. Ang haharot!" Dali dali s'ya pumuntang kusina. Tiningnan ko naman ang katabi ko na nagtatakip ng mukha n'ya habang tumatawa mukhang nahiya sa nadatnan ni Mafe.

"Tara na nga landi mo kasi!" tumayo na ako sabay hila sa kanya papuntang kwarto ko.
Nang malapit na kami sa may pinto e nilingon ko s'ya hindi kasi sya sumusunod. Tinaasan ko s'ya ng kilay. Nakakaloko naman s'yang ngumiti.

"Bb di pa ako ready" sabay takip sa dibdib gamit ang braso nya.

"Baliw ka talaga. Parang ngayon ka lang papasok sa kwarto ko ah." nginisian ko naman s'ya "oh kung gusto mo d'yan ka sa baba wait lang kuha lang akong kumot mo" dali dali naman sya sumunod at pumasok sa loob.

"Ito naman para jinojoke lang e di man lang sumakay." sabay pout pa nya.

"Arte mo kasi e" yun lang at humiga na ako sa kama.

"B?" Nilingon ko naman s'ya nakatingin lang kasi s'ya sakin. "tabi na ako ah" ngumiti sya ng pagkatamis tamis na sa sobrang tamis medyo nakakaduda. Tsaka s'ya dahan dahang tumabi sa akin. Kinuha ko ang kamay n'ya at niyakap yun sa bewang ko sanay na kasi ako sa ganito tuwing nagsleep over s'ya dito. We stayed in that position at nakaramdam na ako ng antok.

"Bi?" napamulat ulit ako at nakita s'yang nakatitig pa rin sa akin.

"Sa pagkakaalam ko mas antukin ka saken anong problema mo Wong?" ang kulit kasi anong oras na.

"I love you Jessica" yun lang at sumiksik na s'ya sa akin. Gabing gabi na nagpapakilig pa. Paano ako makakatulog nito? Char. "Tulog na tayo bukas kana kiligin" okay na sana e sinundan pa ng ganun. Hinayaan ko na lang namiss ko din talaga yung mga hirit nya e.

"Goodnight baby. I love you too." sabi ko na lang at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.






Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon