Deanna's POV
"Bakit ba kasi hindi mo kausapin ng matino? Hindi yung nagkakaganyan ka." She said as she hand me the ball.
"She made up her mind already, Pongs." tinitigan ko muna ang bola bago ito iset sa kanya andito kami sa practice pero yung utak ko kung saan saan na naman lumilipad. "I guess she's still thinking that di pa rin ako mature enough for our relationship, tingin nya ako pa rin yung baguhan na laging nagpapa apekto sa mga sinasabi ng iba." She tap my shoulders saka hinawakan ang baba nya as if nag iisip ng ia advice.
"Alam mo namang support lang ako sa inyong dalawa kung ano man decisions nyo basta if kayang maayos wag na pairalin ang pride di mo naman mahahalikan yun e ikaw din" Baliw talaga akala ko seryoso na e.
"Salamat talaga pongs NAPAKALAKING TULONG!" emphasize ko pa puro kasi kalokohan.
Hays Jessica what am I gonna do.
Right after ng practice which is one of the worst practices that I performed napag desisyunan ko munang dumaan sa apartment ni Jessica I need to clear things out. Di na ako nagtext alam ko naman by this time nasa bahay na yun. It's 7:30 pm already. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila saka lang ako tumawag.
"Hello?" She said
"Andito ako sa tapat ng apartment mo please go out." Di ko na narinig ang boses nya at ilang saglit lang ay nakita ko na syang lumabas ng pinto.
"Bakit di ka man lang nagtext na pupunta ka pala?" Binuksan nya ang gate. "Pasok ka muna".
Andami kong pinlano na sabihin kanina pero bigla ata naglaho lahat di na ako nakapagsalita sinundan ko na lang sya papasok sa apartment nya. Inabot ko sa kanya ang tinake out ko kanina sa fast food on my way.
"Kumain na ba kayo? Asan si Mafe?" is all I managed to say"Ayun nasa kwarto matutulog muna daw sya saglit mukang pagod sa training e" Sagot nya habang pineprepare ang dala ko sa kusina. " Halika na dito mamaya ko na tatawagin si Mafe hindi rin naman yun bababa"
Umupo na kami sa mesa at nagsimulang kumain. "Jessica.." tawag ko sa atensyon nya.
"Hmm?" sagot nya ng di pa rin tumitingin sa mata ko."Come on J okay lang ba talaga sa'yo na ganito tayo?" mahinahon kong tanong sa kanya pero di pa rin sya sumasagot. "Look I'm sorry kung.. kung hanggang ngayon ang immature ko I get jealous easily pero di mo naman ako masisisi It's just that I'm frustrated na di na tayo kasing dalas magkasama tulad dati. Di ako sanay sa ganito bi please".
"Deanns.." nakatingin lang sya sakin. "All I want from you is to trust me pero yun lang di mo pa mabigay sakin."
"No it's not like that, it's not you that I don't trust it's that Emn.."
"Na di ko naman kasalanan na magiging teammate ko ulit! Ang problema sa'yo nagpapaapekto ka sa sinasabi nila mas naniniwala ka ba talaga sa tweets, sa mga nababasa mo kesa saken na girlfriend mo?!" Tumataas na ang boses nya.
"Kaya nga I'm sorry bi please.." halos maiyak na ako sa frustration.
"Siguro nga masyado tayong mabilis, sobrang bilis na di pa nabibuild yung trust, masyadong mabilis na di pa natin gaano kakilala ang isa't isa. At masyadong mabilis na tingin mo di pa ako nakaka move on sa kanya.." umiiyak sya habang sinasabi yun.
"Alam ko naman yun but that doesn't change the fact na totoo 'to." Hinawakan ko ang kamay nya. "Diba?"
"Look. Siguro nga mabilis pero I'm sure that I love you, I'm so damn sure that we love each other. We can work this out right?"
"Sa totoo lang di ko alam. Bago pa lang tayo pero puro na lang tayo away di ko na alam."
Hindi 'to pwede. "I think we should break up" she finally said as she wipes her tears."Susuko kana agad?!" Tumataas na din ang boses ko. "Tanggap ko na ako yung may mali dito pero Jessica naman! Yun lang ba talaga magiging reason ng breakup natin?! Just because I got jealous which I believe is may karapatan naman ako dahil ayaw ko lang mawala ka saken!"
Walang nagsalita pagkatapos nun. Naririnig ko lang ang mahina nyang paghikbi.
"Say something" pabulong kong sabi sa kanya. Pero puro iling at hikbi lang ang sagot nya.
"I guess there's no way para baguhin pa isip mo. Then fine."
Jema's POV
Nanlalambot akong umakyat papunta sa kwarto ko. Nakakapagod ang training kanina pero mas nakakadrain yung mga narinig ko mula kay Deanna. Ramdam na ramdam ko ang frustrations sa mga sinasabi nya. Di ko na namalayan na umiiyak na naman ako.
"Ate" tawag ni Mafe sa may pintuan. Pinunasan ko muna ang mg luha ko bago ako sumagot.
"Pasok" dahan dahan muna ito sumilip bago tuluyang pumasok ng pinto. "May pagkain na dun sa baba di na kita tinawag kanina kasi baka nagpapahinga ka pa"
Hindi ito sumagot at bagkus ay tumingin lang saken. "Ang gaga mo ate, itataboy taboy mo tas iiyak iyak ka dyan" Tiningnan ko lang sya ng masama "Alam mo..." pagpapatuloy nya "Hindi ako naniniwala na yung pagseselos nya lang sa ex mo ang reason bakit ka nakipagbreak at pwede ba wag moko tingnan ng masama di ko sinasadyang marinig pinag uusapan nyo talaga lang malakas boses nyo kaya di na ako nakatulog."
"Alam mo ang chismosa mo" yun na lang ang nasagot ko. Wala talaga ako sa mood makipagtalo.
"Pero seryoso ate ba't di mo sinabi totoong reason mo? Para naman maayos nyo."
"Pointless na yun break na kami and besides ayokong lalong masira relasyon nya sa papa nya. Malinaw naman na kahit anong gawin ko di ako matatanggap ng papa nya. Oo sinasabi nya na slowly magiging okay din na kelangan lang namin maghintay pero nakikita ko sa kanya kung gaano sya nasasaktan na di kami tanggap ng taong sobrang mahal nya. Kaya yung pagseselos nya kay Fhen yun na lang yung nakikita ko na pwedeng gawing reason ng breakup namin." tumingin ako sa kapatid ko "kasi ako sanay na ako sa sasabihing hindi maganda sakin ng ibang tao at wala na akong pakialam dun basta alam kong nasa likod ko kayong pamilya ko at tanggap ako pero kay D nakikita ko kung gano sya naaapektuhan sa sinasabi ng ibang tao kahit itago sya saken alam ko, ramdam ko. Ito lang yung alam kong way para magkaayos sila ng papa nya."
" Bilib talaga ako sa pagmamahal mo kay Ate Deanna kaso ate may tanong lang ako" kunot noo akong napatingin sa kanya.
"Kung ba hiwalay na kayo ni Ate Deanns ibig sabihin banun straight na sya?" Hindi ko alam kung saan pupunta ang tanong nya pero hinayaan ko lang sya magpatuloy. "Kasi sa tingin ko kahit naman naghiwalay kayo hindi pa rin naman mababago nun kung ano talaga s'ya kung babae mahal nya kahit hindi ikaw ang babaeng yun di pa rin naman s'ya matatanggap ng daddy nya. Ang sakin lang naman ate hindi ba mas maganda kung magstick ka sa kanya kasi hindi lang naman yung kayo yung pinaglalaban nya sa daddy nya e kundi pati na rin ang pagkatao nya." natahimik ako lalo sa sinabi ng kapatid ko. Pilit ko inaabsorb ang mga sinabi nya.
"Hindi ko na talaga alam Mafe" pumatak na naman ang mga luha ko.
"Oo nagsakripisyo ka para hindi na magalit sa kanya ang papa nya pero nakakasiguro ka ba ate na yung susunod na ipapakilala nya hindi rin babae na tulad mo diba di rin yun matatanggap ng papa nya. At kung sakali man kakayanin mo ba na yung babaeng ipaglalaban nya hindi na ikaw?" her words caught me off guard.
Kaya ko ba?