V

1.4K 71 1
                                    

Jema's POV

"Aga natin Jimalyn ah anong meron?" nakangising tanong sa akin ni Jia. Mukhang alam ko na kung san papunta 'to "At teka teka mukhang blooming ang other half ng Gawong ah"

"Aga aga tsini tsismis mo na naman ako wag ka nga! May schedule na ba ng games for PVL?" Kailangan change topic tayo agad mahirap na.

"Wag ka nga excited. Lipad pa tayo ng Thailand no! Palibhasa ayaw na malayo sa jowa nya e. So ano okay na kayo?" di talaga ako makalusot dito.

"Yep and di ko aakalain na masasabi ko sa' yo 'to pero salamat talaga na andyan ka palagi para saming dalawa ni Deans" totoo naman kasi pag kaya n'ya tumulong tutulong talaga s'ya.

"Parang pilit na pilit ka naman e pero sige na you're welcome. Libre mo ako mamaya ha."

"oo na ang takaw mo talaga"

Oo nga pala meron pang AVC Cup bago ang game namin sa PVL. Actually nasurprise talaga ako nung napasama ako sa representatives ng Pilipinas sa dami ba naman kasi ng magagaling na players dito pero syempre honored and at the same time kabado dahil ibang level na yun we've got to compete sa best of the best players din ng ibang bansa.

Pagkatapos ng training umuwi agad ako sa bahay nagtext din kasi si Deanna na agahan ko kasi dun na s'ya umuwi. Di na naman kasi bago yun kahit dati pa na kasisimula pa lang namin madalas na s'yang mag sleepover sa apartment ko. Di ko rin alam kung bakit pero sobrang bilis ng mga pangyayari pagdating sa relasyon naming dalawa. Yes it started sa staredown, she messaged me to say sorry through social media hanggang sa magkayayaan lumabas para 'bumawi daw' then boom the rest is history. S'ya talaga yung kakaiba sa lahat ng naging relationships ko e. Lagi n'yang sinasabi na wala yun sa tagal na nakilala mo yung isang tao kundi sa kung ano yung pinararamdam nya sa'yo sa kahit saglit na panahon lang. And I believe her dahil yun ang nararamdaman ko sa kanya yung konektado kami.
Pagkauwi ko nadatnan ko s'yang natutulog sa kama ko. Napangiti naman ako dalawang scenario lang kasi ang nadadatnan ko pag umuuwi s'ya dito either kumakain s'ya habang nanonood ng tv or ito nga natutulog. Nilapitan ko ito at napansing merong note malapit sa unan.

Wake me up when u see me sleeping... we'll eat together
Ps. U won't be seeing this note if I'm not :b

Tiningnan ko naman ang oras 5:30 pm pa lang baka kadarating lang din n'ya kaya imbes na gisingin s'ya katulad ng sinabi n'ya tinabihan ko na lang. Mamaya na lang kami kakain.

"Bi"
"Bb" minulat ko ang mata ko at nakita ang mukhang kagigising lang ding bata na nagpapacute na kaagad nagpout e.
"sabi ko gisingin mo ako hindi sabayan matulog" groggy pa yung boses nya habang sinasabi yun ang papi talaga nito.
"Ano titig na lang b?" sabi pa nito.

"Ano bang oras na?"

Kinuha nya ang phone nya sa ilalim ng unan "6:55 pa lang naman. Gutom kana ba?"
Yumakap ito sakin at pinatong ng ulo nya sa dibdib ko. "padeliver na lang tayo ha? Gusto ko ganito lang tayo mamimiss kita e."

Napag usapan na namin ang tungkol sa pag alis ko papuntang Thailand in fact wala naman talagang problema pagdating dun parehas kaming athlete kaya alam namin pareho yung consequences andyan yung di na kami nakakapag usap sa phone kasi pag uwi gusto mo na agad matulog pati yung mga malayuang byahe para sa game at ito nga paglabas ng bansa para sa trainings or tournaments.

"Bi" pukaw nya ulit sa atensyon ko.

"hmm?" naramdaman kong mas humigpit ang yakap n'ya sa akin.

"Gagraduate na ako next year"

Alam ko ang ibig n'yang sabihin. "And?" tanong ko pa din.

"Mas magiging madali na sa atin 'to kasi di na ako aasa kila Dad, mas gagalingan ko pa ang pagba-volleybal para mapansin ako ng professional teams." Hindi namin madalas napag-uusapan ang ganitong mga bagay dahil alam kong sensitive spot yung pagdating sa pamilya nya.

"Di'ba sabi mo maghihintay tayo? Kasi eventually matatanggap din naman nila tayo. Di'ba?" pagkumbinsi ko sa kanya pati na rin sa sarili ko. "And alam kong may kukuha sa'yo kasi magaling ka at alam nila kung gaano ka kadedicated sa paglalaro."

"I grew up na nagsusupport sila in everything I do, in everything that I love pero pakiramdam ko naiwan ako dito. Dito pa sa part na nagpakatotoo lang naman ako." Naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga n'ya at kasunod noon ang paghikbi. Naaawa ako sa kanya dahil alam kong nahihirapan na din s'ya. Hinaplos ko ang likod nya.

"Sshh magiging okay din lahat. Maghintay lang tayo ng right time ha." hinigpitan n'ya ang yakap sa akin.

"Just promise me one thing Jessica." inangat nya ang mukha n'ya at hinanap ang mata ko. "Stay with me. Kahit sobrang hirap na."

Tinitigan ko ang mga mata n'yang naghihintay ng sagot ko.

"I promise baby"






Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon