II

1.7K 66 0
                                    

Deanna's POV

"Deans may problema ba?" ate Maddie approach me.

"Wala 'to ate Mads I guess pressure lang kasi malapit na PVL and all."

"Asus wag ka maniwala dyan ate Mads" singit naman ni Pongs. San ba galing to bigla nalang sumusulpot.

"Basta kung ano man iniisip mo don' t let it get the best in you we still need you sa game and andito lang kami teammates mo if you wanna let it out." ate Maddie smiled.
"Tara na tapos na waterbreak."

"Thanks ate Mads" I smiled back.

As we head back sa gitna ng court. Pongs whispered. "You owe me a kwento mamaya"
Tsk Tsismosa.

Right after the practice I decided na bumalik na agad sa Dorm kelangan ko ayusin sarili ko hindi pwedeng makaapekto ang mga issues ko sa buhay sa parating na game. Argh.

"Basta ipangako mo na kahit magkaaway tayo hindi makakaapekto yun sa games mo ayokong magalit saken Deannasaurs mo 'no at ayaw na ayaw kong makikitang nakakunot noo ng best setter ko"

"Stop thinking about her Deanna Wong" bulong ko sa sarili ko sabay pikit sa mga mata ko.

"Baka mabaliw kana nyan" Napamulat at nanlaki ang mata ko sa gulat sa taong biglang pumasok sa kwarto.

"Uso kumatok Pongs" inis kong sabi sa kanya.

"Di'ba sabi ko may utang ka saking kwento so ano na spill it dali" excited pa tong umupo sa tabi ko

"Wala ako sa mood" bored ko syang sinulyapan.

"Napakasnob naman ng papi namin ano nga kasi nangyari. Galit pa din sa'yo?" kulit pa din nya.

"Wala na nga. Tinry ko ayusin pero parang ayaw na naman nya talaga e. End of story"

"Parang ang babaw naman ng reason para maging breakup agad like ilang months pa lang kayo 3? 4? E ang tamis nyo pa the past weeks" kwento pa nya.

"Hayaan mo na kung ayaw na nya hindi ko na sya pipilitin."

"Bakit di ako convinced na yung pagseselos mo reason ng breakup. Tinanong mo ba kung may iba pang problema?" she asked

"If may balak s'ya makipag ayos sasabihin nya. Maybe she really wants to end it and kung ano pang ibang reason nya I don't need to know." magfofocus na lang ako sa paghahanda sa susunod na season.

"Yan ang hirap sa may jowa e buti na lang talaga single ako." Tumingin sya saken ng nakakaloko "Ay nakalimutan ko dalawa na nga pala tayo" dun na sya tumawa ng malakas.

"Nakakatawa promise"

"Sorry na Deanns ang seryoso mo kasi e di ako sanay" tumayo na sya at lumipat sa kama nya sa kabilang side. "Basta mamaya overnight tayo kila Ate Bea ha bawal kj.



Jema's POV

"Ano jimalyn bakit nagmumukmok ka pa dyan?" Tanong saken ni Jia. Sinamahan ko kasi sila ni Miguel na kumain kaya kahit third wheel ang peg ko keri na kesa tulala ako sa bahay.

"Namimiss ko na s'ya" tumungo ulit ako at tiningnan ang account nya wala pa ding update ano na kayang ginagawa nun.

"Ayan ibebreak mo tas stalk stalk ka dyan imbes na sana ina update kana nya sa ganap nya sa buhay edi SANA di mo na kelangan gawin yan" Dami daming sinasabi nito di ko na lang sana kinwentuhan.

"Ayoko lang naman ng feeling na dahil saken andaming nasasabi ng tao sa kanya, dahil saken di sila okay ng daddy nya." Sabi ko sabay scroll ulit.

"So final na yun? Di mo na talaga babawiin?" Tanong nya ulit habang patuloy din ang pagkutingting sa phone n'ya.

Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon