VIII

1.8K 82 4
                                    

Jema's POV

Magtu-two weeks na rin sa Cebu si Deans nakakamiss na yung batang yun napangiti naman ako sa naalala ko asar na asar kasi s'ya pag tinatawag kong s'yang bata. Well aside kasi sa mas bata nga s'ya sa akin she's really a baby face, a 'cutie' as her fans call her. Mas lalo ko tuloy s'ya namiss. It's just the third day of January at kailangan ko pa maghintay ng two days bago s'ya makita ulit.


Umuwi din kami last week ni Mafe sa Laguna para dun magcelebrate ng Christmas at New Year pero kahapon bumalik na din akong Manila nagpaiwan naman si Mafe sa Laguna dahil matagal pa daw bago sila magtraining ulit at meron silang lakad ng high school friends n'ya  kaya ito mag isa ako dito sa apartment. Magsisimula na din naman kasi ang klase kaya wala din akong makakausap sa bahay kasi busy si mama't papa sa pagtuturo. 


I heard my phone beep kaya agad ko itong chineck. It was a text from her 


Hey I know you said that I should lessen my texts but I just miss you so much can't help it. I love you see you on Saturday.

8:41 pm


I smiled upon reading her text kanina lang kasi magkatext na kami. We have this agreement na pag may occasions or hangout with friends and family 'wag na masyado magtext except na lang pag importante we make sure naman na mag update sa isa't isa before and after ng mga lakad. Pero minsan kami din naman lumalabag kasi sabi nya nga 'can't help it', 'kalandian' naman as Mafe said. 


We should sleep na po it's getting late. See you. I love you
I then hit the send button. Sayang naman tomorrow will be our 7th month together with that thought nakaramdam na ako ng antok.



Nagising ako when I felt a movement in my bed and knowing na wala naman akong ibang kasama agad kong minulat ang mata ko at dali daling bumangon. Nanlaki yung mata ko seeing a laughing Deanna Wong on my bed. Akala ko ba bukas pa dating n'ya?


"Ang alert ah" tawa pa rin s'ya ng tawa.


"Nakakainis ka!" bumalik ako sa kama at pinisil ang pisnge n'ya.


"Ouch!" she said at hinawakan yung pisnge n'ya na napanggigilan ko. "Ang bayolent-" I didn't let her finish, niyakap ko s'ya ng mahigpit.


"I missed you, sobra" hindi ko pa rin s'ya pinapakawalan until I felt her arms hugging me back.


"Kaya nga andito na ako di'ba? I missed you too" she then remove my hands on her waist and place it sa magkabilang pisnge n'ya. She made me look at her. "Happy monthsary love, I love you" she sincerely said.


"I love you more" 


"I know" she answered at nakakalokong ngumiti. She then closed the gap between us and gave me a quick kiss.


"Yun na lang muna bibi nagugutom na ako e sayang naman yung pinrepare ko na food" 


"Nagluto ka?!" Di kasi s'ya marunong magluto e kaya nagulat ako. 


She just smiled and hinila ako patayo sa kama hindi n'ya binitawan ang kamay ko hanggang sa pagbaba namin sa kusina.


"Tada!" Inirapan ko s'ya matapos makita ang isang bucket ng chicken at fries na mukhang kakadeliver lang. "Oh bakit nakasimangot ka?"


"Akala ko kasi ikaw nagluto" hindi ko kasi in-expect yung surprise arrival n'ya sa apartment ko kaya nung sinabi n'yang she prepared food napa-expect na din ako na she cooked kasi ganun yung mga nasa movies di'ba?


"As much as I want to impress you ayoko naman i-celebrate yung monthsary natin ng kumakain tayo ng sunog na food." she pulled a chair for me as if we're on a restaurant "And believe me sa movies lang romantic ang pagkain ng palpak na luto ng partner nila." pangangatwiran pa n'ya.


S'yempre na-appreciate ko pa rin yung ginawa n'ya hindi naman kasi ito yung first time na she made an effort para lang pakiligin ako. May okasyon o wala she's always like that. She's naturally sweet and isa yun sa reason why I thank God that He gave her to me.


After we ate our breakfast she told me na magmovie marathon daw kami. Nagulat pa ako kasi sobrang dami ng popcorn at snacks sa sala, planadong planado di ko nga yun napansin kanina pagbaba namin.


"I really want to take you out on a date for this special day kaso naisip ko my girlfriend nga pala is famous." she said pagkatapos n'ya iset up yung papanoodin namin, natawa pa ako sa ka-conyohan n'ya "I love your fans but this is our day so gusto ko masolo kita. Selfish ba?"


"Yes you are" I held her right hand and kissed her palm. "Pero mas gusto ko pag ganyan ka, I love you."


Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon