Andito ako ngayon sa harap ng counter para sana umorder.
"Good morning ma'am! Welcome to McDonalds! Can I get your order?" masigla niyang sabi.
Hala~ ang galing naman ni ateng cashier. Pano kaya niya nalaman na oorder ako? Waah~ *ting* may naisip ako.
Sideline kaya ni ate ang pagiging manghuhula sa quiapo? Kyaah~ kailangan kong malaman kung saan ang pwesto nya!
"Ah ate saan po pwesto nyo sa quiapo?"
Bigla namang nagbago ung itsura ni ate from masigla biglang kumunot ang noo niya.
"Miss niloloko mo ba ko?!" May diin niyang sabi.
Waah bakit kaya siya nagagalit? Huhu~ Secret lang ba yung sideline niya?
"Sor-" di ko naituloy yung sasabihin kasi bigla akong hinila ni seb.
"2 french fries, 2 burgers and 2 chicken fillet and please upgrade the drinks to coke float." Sabi ni... sino ba to? Akala ko ba si seb yung humila sakin?
Tinype naman ni ateng cashier/ manghuhula ung order nitong lalaki humila sakin.
"232 pesos lang po lahat sir."
Binayaran niya naman agad si ateng cashier/ manghuhula ng 500 pesos. Susuklian na sana sya ng-
" No need. Just keep the change."
Bakit ba lahat ng tao eh english ng english? Di kaya... nag teleport bigla ung katawan ko papuntang europe? Tama, tama...*tango* *tango*
Pero wala naman akong naalala na kakaibang feeling kung nagteleport nga talaga ko. Ah baka naman wala ka talagang mararamdaman pag nagteteleport. Haha talino ko talaga!
Bigla naman akong natigil sa pagiisip kung saang naman lugar ako magteteleport nang bigla akong hilahin nun lalaki kanina papunta sa isa sa vacant na table.
"Miss. Are you ok?"
"Ah opo naman po kuya no! Yes na yes!" Masigla ko sabi.
Matawa tawa naman sya dun sa sinabi ko.
"Ah kuya anong nakakatawa?" Halata naman kasing nagpipigil lng sya nangtawa nya e.
" Ah nothing." Nakangiti nyang sabi.
Pagkatapos niyang sabihin yun eh may bigla akong na alala.
" Ah kuya nakita mo ba yung kasama kong babae? Mga ganito katangkad? *sabay demo* "
Si seb ung tinutukoy ko. Minsan kasi may pagkashunga rin un eh, ba't kasi di niya ako tularan? Ako kasi laging may dalang compass e para di ako mawala. Hihi~ talino ko no?
Ang sabi nya kasi sakin kanina ako na raw ang umorder at magsicr lang raw siya. Eh kanina pa yun hanggang ngayon ala parin sya.
Hala~ " Hindi kaya kinain na yun ng bowl o kaya naman kinuha na siya ni bloody mary sa salamin?"
Si seb naman kasi eh, makakaisip na lang na magparanormal activity eh sa cr pa naisipang gawin! At ang malala, di niya pa ako sinama *pout*!
Hays~ minsan tuloy naiisip ko kung nagiisip ba talaga si seb. Aish~ hirap magpalaki ng best friend.
"I think she goes to the cr." Sabi niya
Ayy wait " Ah kuya bakit mo nga pala ako hinila dito. At saka ba't andami mo namang kumain? At saka di naman kita kilala?"
Totoo namang maraming pagkain eh for two nga ata yung inorder niya eh.
Atsaka lagot ako kay mama nito kasi sinuway ko siya. Ang sabi niya kasi 'don't talk to strangers lalo na pag panget!'
Nung pagkaisip ko sa word na panget, napatingin naman ako sakanya.
Ngayon ko lang napansin! Ang gwapo pala nya! Kamukha niya kasi yung mga prince charming sa disney channel! Yun nga lang di ko siya kilala kaya stranger parin sya.
" I thought your in trouble so I just help. And this foods are not only for me, it's for you and I am Matthew Berkins." Nakangiti niyang sabi.
Siguro naman di na magagalit si mama kasi nakilala ko na siya. Hihi~ nadelay lng.
At saka ang bait nya din. Kasi may libre pang foods! Hihi makakaipon narin ako ng pera para sa neurologist!
"Wow ang bait mo naman kuya! Tinulungan mo na nga ako kahit di ko alam kung saan mo ko tinulungan, eh may libre pang foods!" Kumikinang pa yung mga mata ko nung sinabi ko yan.
"Ako nga po pla si Anastasia Felix, Ana for short! Ah pede ko na po bang umpisahang kumain?"
Nakakahiya naman kasi kung kakainin ko to ng di nagpapaalam no!
Natatawa naman siya tumatango.
Pagkatango niya sinimulan ko nang kumain kasi gutom na gutom na ko. Hihi~
Napahinto naman ako sa pagkain nang napansin kong hindi pa siya kumakain at nakatitig lang siya sakin.
Bigla naman akong naconsious sa itsura ko.
"Kuya matt ba't di ka pa kumakain?"
Imbis na sagutin niya ang tanong ko, ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Lub dub lub dub
Teka ba't ang lakas ng tibok ng puso ko? Hala abnormal na nga talaga ang pagtibok! Dapat atang mag-ipon na talaga ako ng pera para maipatingin ko din tong puso ko isang cardiologist!
Tapos ramdam ko rin na unti unting umiinit ang mga pisngi ko. Hala! Baka nilalagnat na ako...
Hinawakan ko ang leeg at noo para icheck pero di naman mainit.
Napatingin naman ako kay kuya matt na nakatitig parin sakin habang nakangiti pero patuloy parin sa paglapit ng mukha niya.
Lalo namang naging abnormal ang tibok ng puso ko dahil feeling ko sa sobrang lakas parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko!
Tapos feeling kumukulo na ung dugo ko sa pisngi, sa sobrang init nito!
Napatingin naman ulit ako kay kuya...
Waahh ang lapit ng mukha niya, kaya sa sobrang gulat ko e, tinulak ko ng sobrang lakas ung mukha niya palayo sakin...
" hahaha your cute!" Sabi nya habang patuloy parin sa pagtawa.
Ano naman kayang nakakatawa eh tinulak ko na nga nang sobrang lakas ung mukha niya?
Tapos ngayon sasabihan niya akong cute e, loko pla to e! Hindi naman cute ang pangalan ko eh!
" Pfft~ I just remove this eyelash that fell under your eye." Sabi niya sakin habang nagpipigil ng tawa.
Tiningnan ko naman ung hawak niya at meron ngang eyelash...
"He-he-he ganon po ba?"
"Haha yeah."
Naisip ko tuloy kung bakit ganun tumibok yung puso ko at kung bakit namula ung pingi ko?
Di kaya..." ahh kuya pwedeng wag mo na ulit gagawin un?"
Bigla namang nalungkot ung mukha niya.
"Why?" Malungkot niyang sabi.
Eh nakokonsensya ako. Kaya lang di talaga pwede kasi "feeling ko kasi allergic ako sayo kuya eh. He-he"
-
A/N: see Calil Valdez picture on side -->
Vote. Comment. Be a fan.
©2014 Miss-not-so-innocent
BINABASA MO ANG
This PRANKSTER
Teen Fiction*PARA SAYO, ANO ANG LOVE BILANG ISANG SALITA? hihihi~ Di ko sure eh... Sabi nang iba love is in the air~ Teka teka... naaamoy ba yun? eh kung naamoy yun, anong amoy? Siguro mabaho o karimarimarim noh?! Ang dami kasing umiiyak dahil dun eh... (...