PROLOGUE

385 3 0
                                    


PROLOGUE

"MVP: Erin Blythe J. Lazaro!" announce ng Emcee

Ngumiti ako nang asarin nila ako upang umakyat na ng stage. Tumawa ako at naglakad papunta sa stage. Puno nang hiyawan at sipol ang narinig ko mula sa madla. Nginitian ko at kinamayan ang Principal namin. Sinabitan niya ko ng isang Medal na may sagisag ng aming eskwelahan.

"Congratulations!" bati pa ni Ms. Alma

"Thank you po!" bati ko din sabay ngiti para sa picture

"Lazaro! Lazaro! Lazaro!" paulit-ulit na chant ng aking mga kaibigan hanggang makalapit ako

"Oh! Picture muna! Picture!" masayang sabi ng aking kaibigan na si Elieana na kasama naman sa Mythical Five

Binigay niya kay Louie, ang aming kaklase, ang kanyang phone at pinicturan kami. Naka ilang shots pa kami kasama ang iba naming kaibigan. Matapos noon ay nagselfie naman kami ni Elie.

"Erin! Papicture daw!" natatawang sabi ni Bree habang tinuturo ang isang grade 12 na mukhang nahihiya pa habang kinakantyawan ng mga kaibigan

Ngumiti ako at tumango. Lumapit siya sakin at nagpapicture sa akin. Nagpasalamat siya matapos at inasar pa lalo ng mga kaibigan.

"Yie! Deon!" asar sa kanya bago kami tuluyag makalayo

"Grabe, Erin! Ganda!" asar pa ni Maggie sakin sabay bigay ng bag ko sa akin

Pabiro ko siyang inirapan. "Ganda ka dyan? Sino kayang may boyfriend satin? Hindi ba't ikaw!" asar ko pabalik

Ngumisi siya. "Pagkatapos ng Mr. & Ms. Intrams sigurado meron ka na rin. Yieee!" asar niya pabalik

Umiling ako. "Di ko naman ginusto na sumali doon sadyang wala na lang option kaya ako ang ginawa nilang representative ng section natin."

Tumawa si Eliana. "Pahumble pa! Kilala mo si Valerie Bautista di ba? Yung magandang bihasa na sa pageantry, hindi siya ang sinali di ba? Kasi nga mas maganda ka!" sabi niya pa

I pouted. "Baka di lang talaga siya sumali kasi maliit na pageant lang naman ito." dahilan ko.

Umiling siya. "Hindi nga! Kasi nga ikaw ang choice nila!" giit pa ni Bree

"Handa ka na ba para bukas?" tanong naman ni Elieana

Tumango ako. "Oo, wala naman akong balak manalo bukas." ngumiti ako

Napatigil kami nang sumulpot si Mavrick sa harap namin. "Congratulations, Erin." bati niya sakin sabay bigay ng isang bouquet ng bulaklak

I faintly smiled at him and accepted the flowers. "Salamat, Mav pero hindi ba't napag usapan na natin 'to? Hindi pa nga ako handa na mag boyfriend. Iba na lang."

Natahimik ang aking mga kaibigan na kanina lang ay kinikilig. Hinawakan ni Elieana ang kamay ko upang balaan ako sa aking susunod na sasabihin. Alam ko ang pinapahiwatig niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

"I know, Erin but... that won't stop me. I can wait until you're ready." naka ngiti niya pa rin na sabi

His handsome alright. Actually, kahit sino naman ay kikiligin kung sila ako at ganito si Mavrick sa kanila but that's not the issue. Ayoko pa magboyfriend. Madami akong ginagawa at wala akong oras para doon.

"Kahit friends lang muna." dagdag niya pa habang nagkakamot ng batok

I pursed my lips to stop the urge of hurting his feelings again but I just won't help it. "Mav, walang magkaibigan na nagbibigay ng flowers sa isa't isa." sabi ko pa

Fading Flaws (Jimenez Cousins Series #3: Lazaro, Erin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon