CHAPTER 5Miss Intramurals
"Good afternoon, Lyceans!" bungad nang Emcee sa sa stage
Ako ang contestant number 1 sa candidates kaya kinakabahan pa ko. Naka tayo na kami sa gilid nang stage. Maingay at nag hihiyawan ang lahat. Lahat ay excited para sa pageant samantalang puno naman ng kaba ang puso naming mga kasali dito.
Sinusuotan ako nung heels na bragais ni Clara at pinatayo na ko sa gilid ng stage.
Patuloy lamang ang programme. Nagsimula sa pagdadasal at pagkanta nang national anthem.
"Let's welcome our candidates!" sabay kaming naglakad nang aking co candidate na nasa kabilang side ng stage sinundan naman kami ng iba tulad nang aming rehearsal
Nagtilian ang aking mga kaibigan. Lumaki lalo ang ngiti ko. Totoong may mga banner at tarp sila nang mga mukha ko. Nang makapwesto ay sunod na pumasok ang mga lalaki. Ang partner ko ay si Albert, gwapo rin siya pero mas gwapo ang aking mga kaibigan. Sadyang mga maarte at ayaw lamang nila sumali. Samantalang ako ay wala nang choice kaya sumali.
Tumabi siya sakin at hinawakan ang akinh baywang. Nagsimula na kaming sumayaw bilang production number. Ngumiti ako at binigay ang best ko. Halos matawa ako sa stage nang makita ko si Kent habang hawak ang megaphone.
"Let's go, Number 1!" sigaw niya rito
Nagtawanan pa ang aking mga kaibigan. Natanaw ko naman si kuya na seryoso pa rin ang tingin habang sinusuri pa rin ako. Inaliwas ko ang aking tingin sa kanya at nagpose na muli matapos ang sayaw. Nilagyan na nila ng microphone stand ang harap ng stage. Naglakad kami ni Albert palapit sa microphone.
I leaned forward to speak through the microphone. "Like what Isaac Newton said, 'No great discovery was ever made without a bold guess'. I am Erin Blythe Lazaro, sixteen! " pagpapakilala ko
"And I am Albert Victor Dejada, seventeen!" sabi niya pa
Lumapit kaming dalawa sa microphone at sabay na nagsalita. "Proudly representing grade 11-STEM: Newton!" sabi namin
Naghiyawan ang aking mga kaibigan at mga kaklase. Pumihit kami upamg umalis at ngumiti. Nag fierce look pa kami ni Albert.
"Asan girlfriend mo, Al?" tanong ko pa sa kanya sabay hanap kay Divine sa crowd
Hinawakan niya pa ang aking likod. Its fine, nasabi sa amin ito. Physical contact with your partner is needed.
"Wala, pinag awayan namin 'to." sabi niya sabay ngiti sakin
Nabigla ako at hinawakan ang kanyang likod. "Are you okay? Ayaw niya ba?" tanong ko pa
He smiled bigger and gazed at the crowd. "I'm just tired, siya kasi laging nagdedesisyon sa relasyon namin." nilingon niya muli ako
Suminghap ako at tumango-tango. Ayoko nang tanungin pa siya. I'd like him comfortable with me besides nasa stage pa kami.
"Ikaw pinaka maganda, Erin!" rinig kong sigaw ni Kent sa megaphone
Nagtawanan kami ni Albert. "Full support mga kaibigan mo ah? Buti hinayaan ka ni Vaughn na sumali." sabi niya naman
Ngumisi ako. "Hindi naman kami. I can do what I want to do." sagot ko sa kanya
Tumango siya. "Wala ka bang balak sagutin?" tanong niya ulit
Nilingon ko siya at nginitian. "Let's not talk about it. Matatapos na ang intro."
Tumango siya ng isang beses at binalik ang tingin sa mga tao. Matapos ng huling candidate ay sumayaw muli kami at nag exit gaya ng na practice namin.
BINABASA MO ANG
Fading Flaws (Jimenez Cousins Series #3: Lazaro, Erin)
Ficção GeralNot your typical it girl, that's Erin Blythe Lazaro. Mas lalaki pa sa lalaki but take note na mas babae pa sa babae. Complicated? Nah. She's just one of a kind. You can say that she has everything but what can be the flaw of this girl? After all, sh...