CHAPTER 1I love you, Erin Lazaro!
"2nd Personal Foul! Number 14!" pangalawang foul na iyon ni Bryan
Mainit na rin ang ulo ni Vaughn. Nagkakainitan na sa court. Kanina pang pinupuruhan ni Vaughn at Bryan ang isa't isa.
"Magrarambulan ba yan? Dapat pala bumili akong popcorn." sabi pa ni Maggie
Natawa doon si Sam. Dahan-dahan niyang hinahaplos ang buhok ni Kent na naka upo sa lapag habang nasa pagitan ng kanyang hita. Nakahilig ito sa upuan pero naka hilig ang ulo sa binti ni Sam.
"Hindi ka pa ba ipapasok?" tanong ni Sammie sa boyfriend
Umiling si Kent. "Kaya na nila yan. Kanina pa kong naglalaro." sabi naman niya
Pinupunasan pa ni Sammie ang kanyang noo.
"Mukhang mainit ang ulo ni Vaughn ngayon ah?" obserbasyon di lang niya kung di iba pa
Sumandal ako sa bangko at nagfocus pa lalo sa game. Lamang lang sina Bryan ng 4 points at siguro ay mahahabol din ito nina Vaughn.
"Substitute No. 13" sabi nung speaker
Nagulat ako nang makita si Mavrick na pinasok. Ngayon ko lang siya napansin. Nang magpatuloy muli ang laro ay naka ngisi sa akin si Bree. They're all inside the court.
Magkakampi pa si Bryan at Mavrick. Shocks! Kinakabahan na ko sa laban. Binigay kay Vaughn ang bola para mag free throw at pumasok parehas. Naghihiyawan na ang madla malapit na kasing matapos ang game.
Naagaw ni Mavrick kay Vaughn ang bola at mabilis na tumakbo. Nairita pa si Vaughn sa ginawa ni Mavrick pero naagaw din naman ni Noel ang bola at pinasa niya ito kay Vaughn. Agad na tumakbo si Vaughn papuntang court nila at gumawa ng isang 3 points shoot. Saktong umalingaw-ngaw ang buzzer. Panalo kami, nagtatatalon pa sina Maggie.
"Grade 12: Darwin - 47! Grade 11: Newton - 49! " sigaw ng speaker. "Basketball Champions for Boys, Newton!" announce niya pa
Nakita ko ang paglapit ni Bryan at Mavrick kay Vaughn na pinagkukumpulan ng mga ka-teammates. Natigilan sila dahil dito.
"Hoy, Erin! Mag aaway ata yan!" natarantang sabi ni Maggie
Lumapit agad kami nang makitang parehas na silang pinipigilan ng mga kateam nila sa pagsusuntukan. Hawak ni Mavrick at nang iba pa niyang kagrupo si Bryan. Si Vaughn naman ay si Kent at Noel ang pumipigil.
"Mandaraya!" sigaw ni Bryan
"Yan ba talaga kinagagalit mo, Bry?"naka ngisi niyang sabi
"Gago! Mayabang!" sigaw niya pa
Natigilan sila nang makita akong papalapit. My gaze was deadly and I doubt they'd still continue.
"Ano?! Magrambulan kayo dyan! Di na kayo nahiya!" sigaw ko sa gitna
"What, Erin? Ngayon kay Lanceta ka tapos mamayang gabi sakin?" pambabastos ni Bryan
In split seconds ay lumandas ang kamao ni Vaughn sa kanya dahilan para matumba siya.
"Oh my God!" tili ni Bree. "Erin, pigilan mo!" dagdag niya
"Tama na nga! You,Vaughn! Out of here!" sabi ko sabay turo pabalik sa metal chairs
Sinamaan niya muna nang tingin si Bryan bago padabog na bumalik roon kasama sina Kent at Noel. Sinundan ko sila nang tingin bago bumalik kay Bryan na naka hawak sa kanyang labi. Inalalayan pa siya ni Mavrick pero binawi niya ang kanyang kamay.
"Huwag ka nga! Isa ka pa! Lumayo ka nga sa akin!" sigaw niya kay Mavrick
"Ikaw na tinutulungan, Bro! Tsk! Bahala ka nga dyan!" sigaw niya bago tumingin sakin at umiling
BINABASA MO ANG
Fading Flaws (Jimenez Cousins Series #3: Lazaro, Erin)
General FictionNot your typical it girl, that's Erin Blythe Lazaro. Mas lalaki pa sa lalaki but take note na mas babae pa sa babae. Complicated? Nah. She's just one of a kind. You can say that she has everything but what can be the flaw of this girl? After all, sh...