The Start
Catherine Rodriguez"Nay,una na po ako." Sabi ko kasabay ng pagmamano ako kay Nanay Roselia.
"Naku,ang init-init nakasuot ka ng jacket Catherine.Wala ka pang payong!" Puna ni Nanay sa suot ko.Napakamot nalang ako sa batok.Matanda na si Nay Roselia,kita iyon sa iilang puti sa kanyang buhok pati nadin ang mga guhit sa noo nito.Pero kahit ganun pa man,malakas pa din ang pangangatawan nito.
"Kaya nga po ako nagjacket eh,para hindi matamaan ng araw yung balat ko.Ganun na din po yun kapag nagpayong ako." Nakangiti kong banggit kay Nay.
"Osya,mag-ingat ka ah.Yung baon mo nakuha mo na?Tubig mo,meron na ba?Mainit pa naman ang panahon ngayon kailangan na lagi kang uminom ng tubig.Mahirap na kapag nagkasakit ka."
"Nay,huwag mo na po ako alalahanin.Ayos lang ako.Kayo po dapat ang uminom ng tubig lalo na't mainit sa loob ng tindahan." Nag-aalala kong tanong.
Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay kaya naman lagi siyang naiiwan mag-isa sa grocery store na pangunahing hanap-buhay namin.Si Nanay nalang ang nag-aalaga sa akin,ni wala akong ideya kung anong itsura ng mga magulang ko.Ang sabi niya'y maaga sila namatay.
Malungkot man isipin na wala akong kinalakihang magulang,nand'yan naman si Nanay Roselia.Kahit na mag-isa lang siya ay natutugunan ang lahat ng pangangailangan ko.Maski sa pagmamahal ay hindi siya nagkulang kaya naman hindi na ako nag-abala pang alamin kung sino ang mga magulang ko.
Kahit na minsan ay napapaisip din ako kung anong mga itsura nila.Ang sabi ni Nanay ay isang mestiza ang nanay ko,maganda ang pigura ng katawan at medyo kulot ang dulo ng buhok.Mabait at maganda ang kalooban kaya nagustuhan ng tatay ko.Ang tatay ko naman daw ay may seryosong mukha,matangos ang ilong at animo'y may lahing espanyol.Parang laging galit kung tititigan pero sobrang maloko kung makikilala mo ng lubusan.Iyon lang ang alam ko tungkol sa kanila bukod pa duon ay wala na.
Nagpaalam na ako ng tuluyan kay Nanay Roselia.15 minutes nalang bago ang unang klase ko pero hindi naman yun big deal.
Malapit lang ang tinitirahan ko sa school kaya naman nilalakad ko lang,hindi gaano istrikto ang guwardiya at palagi namang late sa pagpasok si Ma'am Emy,first subject teacher ko.
Tahimik ang daan,kakaonti nalang ang naikita kong nagsisipasok.Itinaas ko ang hood ng jacket upang matabunan ang ulo ko,kahit hindi pa summer ay ramdam ko ang init.Mabuti nalang at kakaunting araw nalang at cold season na.August na ngayon,next next week ay bermonths na at paniguradong lalamig na ang simoy ng hangin.
"Cathy!" Nadinig ko ang tawag sa akin ni Ate Wendy kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Po?"
"Pakisuyo naman,naiwan ni Muse yung baon niya eh." Inabot niya sa aken ang kulay asul na baunan.Through it's transparent cover,kitang-kita ang adobo sa loob.Kaagad kong inilagay ito sa bag ko.
"Sige po."
"Salamat ah!" Nginitian ko si Ate Wendy at umalis na ako.
Nakapasok ako ng school ng maaliwalas,hindi kase punuan sa entrance kaya hindi na ako nakipagsiksikan pa.Madalas kasing ganoon,lalo na kapag may nagaguidance na isang batalyon ng mga lalaki.Mga basag-ulo,kilala ko ang ilan sa kanila na kasing baitang ko lang.Madalas silang napapatawag dahil madalas din ang pagkakasangkot nila sa away.Kung hindi sa tapat ng school nagsusuntukan,minsan naman ay nasa university premises sila na katabi lang ng highschool premises.
Mabilis akong umakyat sa third floor,nandoon kase ang room ko.
Napatigil nalang ako sa pag-akyat ng makita ang ilan sa mga "BG" ayun ang tawag ko sakanila.Pinaikling "basag-ulo".
BINABASA MO ANG
Love Me Back
Teen FictionGeorgia Maddison Enrile appreciates a life without friends but never feel like it's just fine.Sometimes she wishes to have one but then realized it's impossible for an introvert like her.Then Stepen came along and a feeling grew in her and now she c...