Chapter 1

28 1 0
                                    

Chapter 1:Career Fashion Day


Nagising ako kinaumagahan ng may tanong pa din sa isipan.Sino yung tinutukoy nila ng kausap niya?Sino yung kausap niya?Anong meron?

Ipinilig ko ang ulo sa mga naisip.Hindi magtatago ng sekreto sa akin si Nay Selia.Baka kaibigan o kakilala niya lang yung kausap.

"Kumain ka na ng almusal diyan,mauuna na ako sa tindahan ah.Ikaw na bahala dito sa bahay." Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nagsimula na akong maghain ng sariling pagkain habang si Nay Selia ay naglakad na palabas.Ang grocery store niya ay nanduon sa may palengke mahigit isang kilometro mula sa eskuwelahan ko.

Naghire na si Nanay ng dalawang katulong niya sa pagbabantay ng tindahan pero kahit na may katulong na siya ay araw-araw pa din siyang tumutulong din duon.Sinabihan ko na siyang hayaan na sila Ate Queenie at Ate Ashley sa pagbabantay at pumarito nalang siya sa bahay pero ayaw niya.Mas maganda daw na tutok siya sa negosyo kaysa naman na tumambay siya sa bahay at walang gagawin.Siya pa nga ang nauuuna na pumunta sa grocery at ang nagbubukas duon.

Sinang-ayunan ko nalang siya tutal ay mukhang nalilibang din si Nay Selia sa ginagawa.

Pinagpatuloy ko ang pagkain at nang maubos ito ay iniligpit ko na at hinugasan.Alas siyete palang ng umaga at mamayang alas onse ang pasok ko kaya napagdesisyunan ko na maglinis muna ng bahay.

Sinimulan ko sa pangalawang palapag ng bahay dahil nilinis na ni Nay Selia ang ibaba.Nagsimula ako sa sariling kuwarto at unang nilipit ang higaan.Onting ayos at punas lang nang gamit atsaka nagwalis na ako at nalampasuhan ang sahig.Nang matapos ay sunod ko na nilinis an kuwarto ni Nay Selia.Katulad kanina ay pinunasan ko ang ilang gamit duon atska pinagpag ang unan at kumot.

Hindi naman gaano karami ang mga gamit namin ni Nay Selia dito sa bahay,tanging yung mga pinaka kinakailangan lang talaga ang mayroon kami.Kung may mga bagay naman na hindi na masyadong ginagamit ay kaagad ding itinatapon at hindi na itinatambak pa dahil kalat lang naman daw,sang-ayon naman ako dun.Mas kakaunting gamit,mas kakaunti din ang lilinisin.

Sunod naman ay pinunasan ko ang puno ng alikabok na aparador ni Nay Selia,inilabas ko ang damit atsaka pinunasan ang loob.Nang matapos ay ibinalik ko ang nailabas na damit atsaka pinunasan din ang itaas ng aparador na puno na ng agiw.Iilang saglit pa ay nahulog ang isang brown envelope.

It's a long brown envelope,mukhang maraming papel na laman dahil sa kapal nito.

Binuksan ko ito at unang bumungad sa akin ang birth certificate ko.Alam ko naman kung anong pangalan ko kaya hindi ko na iyon pinansin at inilabas lahat ng laman ng may nilipad na isa.Lumipad ito sa ilalim ng higaan.Ibinalik ko ang ilang papeles sa brown envelope atsaka binalikan ang nilipad na isa,sinubukan ko itong abutin at nang makuha at nakadinig ako ng katok sa pintuan sa ibaba.Kaagad ko itong inilapag sa higaan ni Nay Selia at bumaba upang silipin kung sino ang kumatok.

"Ate Queenie,ikaw pala." Binuksan ko ang gate para papasukin siya.

"Ay,hindi na ako papasok.Pinasabi lang ni Nay Selia na daanan ko yung bill niyo daw ng kuryente,nakalimutan niya daw dalhin.Magbabayad na din yata siya."

"Ah ok,sige kunin ko lang."Iniwan ko na siya duon at bumalik sa loob.Kaagad akong dumiretso sa kuwarto ni Nay Selia.May lagayan siya duon kung nasaan ang mga bills ng kuryente o tubig pati na din ang ilang listahan na importante.

Agad akong nagtungo sa kuwarto niya at pagkapasok ay pinukaw agad ng atensyon ko ang papel na inilipad kanina,kinuha ko ito at pinasadahan ng tingin.Isa din palang birth certificate.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon