Simula

19 2 1
                                    


Eto na ang simula, simula nang kalokohan este nang kwento ni Yassi.

<Evil smile> Bwahahaha!

________________

SIMULA

"Hey bessy!" Niyakap ako ni kaycie at hinalikan sa pisngi.

"Hello kays" tumabi siya sa akin nang upo sa bench nang soccer field.

"Oh bakit ganyan itsura mo? Pangbiyernesanto ah" inalis ko ang pangalumbaba ko saka tinignan si kaycie.

"Nakita ko kasi si Josiah kasama si ate kaninang lunch" pinagtaasan niya ako nang kilay.

"So?" Minsan talaga may pagkainutil 'tong si kaycie. Naku naku!

"Anong so? Eh hindi naman close yung dalawang yun tapos bigla ko na lang silang makikitang magkasama? Tss."

"Sabagay may point ka. Pero diba classmate sila? So malay mo co-incidence lang yun" alam ko naman na inaalo lang ako ni kaycie kaya niya sinasabi ang mga ito.

"Tss. Not enough reason kays. Naguguluhan tuloy ako. Napansin ko din kasi kay ate na madalas siyang good mood tapos palagi pa siyang may katext. Minsan pa narinig ko sila nila mama na may pinag-uusapang lalake na nanliligaw daw kay ate. Kinakabahan tuloy ako" ngumuso ako bago muling pumangalumbaba at tumingin sa field.

"Hay naku bessy. Nag-ooverthink ka lang" napaayos ako nang upo nang makita ko sila Ate Yalli at Josiah na sabay na naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Oh my ghad kaycie! Oh my ghad palapit sila dito! Do i look a mess?" Nagmamadaling tanong ko.

"Huh?" Nilingon ni kaycie ang direksyon nang mata ko saka muling bumaling sa akin.
"H-hindi naman. Youre fine" umupo kami nang maayos ni kaycie nang makarating na sila sa bench na inuupuan namin.

"Yassi" bungad ni ate nang nakangiti.

"Ate Yalli?" Kunwareng tanong ko.

"Pakisabi kanila mama na si Jossiah na ang maghahatid sa akin pauwi" kumunot ang noo ko saka sila tinitigan na dalawa.

Wow lang ah. Gawin ba naman akong teller niya. Jusko!

"Huh? Why?" Patay malisya kong tanong.

Bahagyang napawi ang ngiti ni ate saka ako tinaasan nang kilay.
Kita mo 'tong babaeng 'to. Lumalabas na ang katarayan, eh nagtatanong lang naman ako.

"May date kasi kami ni Josh"

Loading....

Loading....

Uploading....

Downloading....

Hang....

100%......

Nang magsink in sa utak ko ang sinabi ni ate ay napatayo ako sa pagkakaupo at literal na napanganga ako at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanila.

Wow! Did i heard her right?! Ano daw?! Date?! At kanino?! Kay Josiah?! At anong tawag niya sa asawa ko?! JOSH?! Wtf! Si baby Josiah kooo??!!! NO WAY! No way in hell! Over my dead body!
Ang kapal naman nang mukha nitong ate ko na makipagdate sa asawa ko! Hindi ba niya alam na sa akin lang si Josiah?!

(A/N: Actually Yassi, hindi niya talaga alam.)

Eh kahit na! Sa akin lang si josiah!

"Huh? Date?" Sa dami nang gusto kong itanong ay ito lang ang lumabas sa bibig ko.

"Yup. So we gotta go sis. Bye" hindi niya na hinintay pa ang sagot ko at saka na naglakad paalis na sinundan naman ni josiah.

Kaya ayun naiwan akong nakatulala. Natigil lang ako sa pageemote nang.......

"OH EM GEE!!! As in Oh my ghad!!! Kaloka! Ansabe nang ate mong pilingera?! Date?! Pssh i can't believe it!" Naghihisterya na si kaycie kaya naman binatukan ko na.

"Che! Moment ko yun! And dapat ako magsasabi nung linyang yun. Ano ba yan kaycie panira ka nang moment!" Naiinis na umupo ako sa bench at nakacross arm na umirap sa hangin.

"Hala bessy. Paano na yan? Mukhang naunahan ka nang ate mo ah. Naku naku! Nasaan na si Yassi na hindi nalalamangan?" Umupo din ulit siya sa tabi ko saka nakapalumbabang tinignan ako.

"Hayst!" Naiinis na ginulo ko ang buhok ko.

"Ate Yassi? Where's Ate Yalli?" Napahawak ako sa dibdib ko nang may mangkukulam este bruhilda! ay este si Yanne na lumitaw sa gilid ko.

"Jusko naman Yanne! Kagulat ka ah!" Inirapan lang niya si Kaycie bago muling bumaling sa akin.

"Tss. Eh di ayun! Nakipagdate----" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang humiyaw at nagtitili si Yanne habang niyuyugyog ako.

"Oh my ghad ate!!! Talaga?! Sila na ba ni kuya Josh?! Ihhh!!!" Nakanganga lang ako habang nakatingin sa kapatid kong sobrang saya na akala mo nanalo nang lotto.

Dinaig pa si Pepito Manaloto sa sobrang saya. Akala mo naman siya yung dinidate at nililigawan. Tss. Tss.

"Magtigil ka nga Yanne! Kebata-bata mo ang landi mo na!" Tumigil naman siya saka ako inirapan.

"Bata your face! Ate im already 14! Hmp!" Nagwalk out ang bruha. Bahala ka sa buhay mo! Nakakaistress kang bata ka.

"Oh em gee bessy. Mukha atang alam na nang lahat na nanliligaw si Papa Josh sa ate mo at ikaw na lang ang di updated. Nasaan ka ba nang umakyat nang ligaw yang si josh?" Inirapan ko siya saka nginiwian.

"Haha funny kaycie. Tss" Nakiki Josh ah. Feeling close?

"Ate! Come on!" Nilingon ko ang pinanggalingan nang matinis na boses ni Yanne. Then i saw Yanne with dad in our car.

"Oh andyan na pala si tito. Alis ka na bessy. Hintayin ko lang si mommy" ibinalik ko ang mata ko kay Kaycie saka ngumiti sa kanya.

"Sure ka ba bessy? Sige una na ako ah? Bye, i love you" hinalikan ko siya sa pisngi saka siya niyakap at kinawayan.

"Bye, love you too" nginitian ko lang ulit siya bilang sagot. Sumakay na ako sa kotse namin saka humalik kay Papa.

"How's your day girls?" Nasa front seat ako habang nasa likod naman si Yanne.

"Fine" simple kong sagot saka kinalikot ang stereo ni papa.

"Me dad, i got a perfect score in our quiz!" pagyayabang nang kapatid ko.

Tss. Eh di kayo na matalino!

"Wow ang very good naman ni bunso" nakangiting puri ni papa.

"Of course dad! Mana ako sayo!" Sabay silang tumawa ni papa bago siya bumaling sa akin.

"Ikaw Yassi?" Nagkibit ako nang balikat bago sumagot.

"Like the usual. 2 mistakes again" naiiling naman si dad na ibinalik ang tingin sa daan.

See? Hindi ka na lang sana nagtanong pa. Alam mo naman na yung sagot and for sure disappointed na naman kayo.
Tumingin na lang ako sa may bintana nang kotse habang palabas nang school.

"By the way where's you ate?" Hindi ako sumagot kaya si Yanne ang nagsalita.

"Uhm. She has a date with Kuya Josh" tumatangong nagdrive naman si papa.

So totoo nga, alam nilang lahat and ako na lang ang huli sa balita. Yung totoo? Am i still part of this Family? I feel unwanted and not belong anymore.

(A/N: Lakas makapagdrama Yassi ah.)

Che! Kasalanan mo 'to author eh!

Pagkarating nang bahay ay humalik lang ako kay mama saka na umakyat sa taas at nagkulong sa kwarto ko. Nawalan ako nang ganang kumain kaya tinulog ko na lang.

Ayoko makita si Ate na hinahatid ni Josiah dito sa bahay. At mas lalong di ko matanggap na pabor sila mama at papa sa relasyon nilang dalawa.

Ang sakit. Ang sakit lang. So yun, masakit lang naman. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako.


In My Wildest DreamsWhere stories live. Discover now