Kabanata 3

7 2 0
                                    


KABANATA 3

Axel Saavedra?

"Ang sakit mo naman magsalita ate. Parang hindi tayo magkapatid ah. Oo na! Ikaw na yung matalino! Ako na yung tanga! Yung walang alam! Pero hindi mo kailangang ipamukha sa akin yun! Kasi tao din ako! Nasasaktan ako! Alam mo ba yung nararamdaman ko?! Alam mo ba?!" Sigaw ko sa kanya na nakatayo na habang humahagulgol.

"Ate yassi, calm down" tumayo na din si Jesha at niyakap ako sa gilid.

"Lirriene, anak hayaan mo na. Wag mo nang patulan" awat sa akin ni mommy nang makita siguro ang galit ko. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy pa rin.
Wala na akong pakialam kahit na nasa harapan kami nang pamilya ni Josh.

"Alam niyo ba?! Hindi diba?! Kasi wala kayong pakialam! Hindi niyo iniisip yung nararamdaman ko tuwing pinagmamalaki kayo nila papa! Hindi niyo naisip yung nararamdaman ko tuwing imbes na icheer up niyo ko eh dinadown niyo pa ako lalo! Hindi niyo alam na nasasaktan ako! Dahil sarili kong pamilya, nilulugmok ako! Ate, hindi mo alam lahat nang sakit na nararamdaman ko tuwing kinakahiya ako nila papa!" Humagulgol na ako sa harap nila.

"Hindi mo alam yung hirap at sikap ko sa pag-aaral para lang makaperfect sa isang quiz! Yung kailangan perfect palagi! Tao lang din ako! Nagkakamali! Pero ni minsan ba tinulungan niyo ako sa school? O minsan ba naisip niyo yung nararamdaman ko? Naisip niyo bang tanungin kung anong nararamdaman ko?! Hindi diba?! Hindi! Kaya wag na wag mo kong pagsasalitaan nang ganyan!" Nagpunas ako nang mukha ko dahil basang basa ito nang luha.

"Mommy, daddy, Jesha. Salamat po sa lunch. At pasensya na po sa eksena. Mauna na po ako" kinuha ko na ang bag ko saka na naglakad paalis.

"Ate Yassi!" Sigaw ni Jesha sa akin na hindi ko na nilingon.

"Lirriene!"

"Iha!" Sigaw nila mommy and daddy sa akin.

Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa paglabas sa bahay nila. Tumakbo na ako palabas nang gate nila. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang park at naupo ako sa isang bench sa ilalim nang puno. Doon ko nilabas lahat nang sama nang loob ko at humagulgol.

Ilang sandali pa akong umiiyak nang may tumabi sa akin at nag-abot nang panyo.
Naamoy ko ang mabango niyang amoy. Nilingon ko siya at nakita ang nakangiti niyang mukha.

"Hayst. Bakit ganun? Ang ganda mo pa din kahit na umiiyak ka" inabot niya uli ang panyo niya kaya naman tinanggap ko na ito at pinunas sa basa kong pisngi.

"S-sino ka ba? Kilala mo ko?" Ngumisi siya sa akin saka ako kinindatan.

"Yup! Ako ang future mo" natawa naman ko sa sinabi niya.

"Yan! Ganyan dapat! Ngumiti ka lang para mas lalo kang gumanda" ngumiti na lang din ako.

"Seryoso na kasi. Sino ka?" Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya saka muling tumingin sa akin.

"Axel Saavedra" inilahad niya ang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman.

"Yassi" sabay na ani namin. Natawa ako dahil nagsabay pa kami.

"Bakit mo ko kilala?" Nagkibit lang siya nang balikat.

"Secret" kinindatan niya ako tapos pinisil niya ang pisngi ko

"Tss. Stalker kita siguro noh?" Tumawa lang ang mokong.

"Maybe" saka siya tumawa.

"Tss. Hindi ka pamilyar sa akin. Parang ngayon lang kita nakita, sino ka ba kasi?" Pangungulit ko sa kanya.

"Taga dito lang din ako sa village na 'to. Hindi mo talaga ako kilala kasi taga kabilang school ako" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Bluish eyes.

Pointed nose.

Perfect jaw.

Kissable lips na dinaig pa ang lip balm ko.

White conflexion.

Strong arms.

May abs ba 'to?

Matangkad, na siguro mga hanggang dibdib lang ako.

Sino ka ba talaga?

"Done checking my body?" Nginisian niya ako habang inirapan ko naman siya.

Ang presko. Tss.

"Tss. Uuwi na ako" tumayo na ako at akmang maglalakad na nang hawakan niya ang kamay ko.

"Makikita pa kita diba?" Kunot noo ko siyang nilingon.

"Huh?"

"I'll take that as a yes" tumayo na din siya saka binitawan ang kamay ko at akmang tatalikod na nang humarap siya ulit.
"By the way. Hindi porket maganda ka pa din kapag umiiyak eh iiyak ka na lang palagi. Mas bagay pa din sayo ang nakangiti" ngumiti siya sa akin saka na nagpatuloy sa paglalakad.

"Wait! Yung panyo mo!" Sigaw ko sa kanya nang maalala ang panyo nyang hawak ko.

"Take it! Alam kong kailangan mo pa yan! And lastly---" tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako ulit.
"Don't cry for him! He don't deserve your tears!" Seryoso siya nang sinabi niya yun kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko.

Alam niya ba kung bakit ako umiiyak? At kilala niya ba kung sino ang iniiyakan ko?

Your a mystery to me Axel Saavedra. Who are you?

Umuwi ako sa bahay na parang pinagsakluban nang langit at lupa. Paano ba naman kasi, nilakad ko magnula sa Park nang village nila Josh hanggang dito sa subdivisio namin. Tapos iniisip ko pa yung naging kinalabasan nung lunch sa bahay nila Josh. Ano na kayang iniisip ngayon nila mommy sa akin? Galit kaya sila dahil gumawa ako nang eksena? Pero hindi naman ako ang nagsimula, diba? Tapos dagdag pa sa isipin ko yang si Axel.

Yung totoo author? Ako ba pinagtitripan mo?


Alas singko na akong umuwi sa bahay at naabutan ko si Yanne na nagbabasa nang kung ano sa sala habang si mama naman ay nasa kusina ata dahil may naririnig akong kaldero. Si ate? Ewan, malamang kasama pa rin si Josh o kaya naman nasa kwarto niya at nagmumukmok.


Umupo ako sa tabi ni Yanne kaya naman nilingon niya ako.

"Saan ka galing ate? Bakit mukha kang basurang ewan?" Tinignan ko nang masama si Yanne.

"Che! Kuhanan mo na nga lang ako nang tubig!" Tumayo siya at pumunta nang kusina. Yes, opo, totoo po ang nabasa niyo. Masunurin pong bata yang si Yanne, maldita at suplada nga lang.

"Oh ate" inabot niya sa akin ang isang baso ng malamig na tubig. Ininom ko yun at saka siya tinanong.

"Nakauwi na ba si ate?" Tanong ko sa kanya.

"Yup. Kanina pa. Badtrip ata, hindi kami pinansin ni mama eh. Tapos kanina namumugto pa yung mata" nilingon niya ako saka pinakatitigan. Nag-iwas naman ako nang tingin sa kanya. Matalino kasi si Yanne, siekick pa yan kaya naman mababasa niya ang naiisip namin.

"Bakit ate parang pati ikaw namumugto ang mata? Umiyak ka din ba? Ay oo nga, kayo yung magkasama ni ate! So nag-away kayo?" Kita mo 'tong batang 'to, napakachismosa.


"Hindi" simple kong sagot saka siya iniwan sa sala at umakyat na sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto saka kinuha ang phone ko.

Tinawagan ko ang nag-iisang taong alam kong handang makinig sa mga problema ko.

Si kaycie. Ang bestfriend ko.

_________________________

(A/N: So yun na nga! Any idea kung ano ang magiging karakter ni Axel sa buhay ni Yassi? HAHAHA may nakakakilala ba sa kanya? Spoil ko kayo?)

Thanks for reading!

Lovelots <3

In My Wildest DreamsWhere stories live. Discover now